[Chapter 5: Dinner]

12 1 0
                                    

Scarlett's POV

It is Friday today. Nothing special happened in the past dew days. Nasa bahay ngayon ang buong Team Certified at naka-tambay lang.

Ewan ko ba sa mga to kung bakit dito pa sa bahay tumatambay. Alam niyo ba kung anong ginagawa namin? Nagba-bottle flip lang naman.

Bale naka-upo kami ng pabilog sa floor, then paikot din yung titira. Kapag napatayo yung bottle, alis na. Kung sino yung hindi makakapag-patayo o yung maiiwan, bibigyan ng dare ng bawat isa.

Kumuha rin sila ng chipssss. Madaming 's', kasi halos ubusin nila yung mga chips namin dito sa bahay eh.

Pati Ice Creams. Tag-iisa pa sila. Maggo-grocery na nga lang ako bukas. Baka magalit si Kuya sakin. Aishh.

*tok* *tok* *tok* *tok*

Natahimik kami nang biglang may kumatok. Tumayo naman ako para pagbuksan yun.

"Kuya! Bakit ang aga mo umuwi? Diba may class ka pa?" Usually kasi gabi na umuuwi si Kuya. Kaya nagtataka ako bakit nandito na siya. Eh 4 pm pa lang naman.

"Hello po Kuya Skye!" Bati naman nila na nasa likod ko na ngayon.

"Hey Guys, Kamusta na?" Tanong niya sa mga kaibigan ko.

"Okay lang naman kami Kuya Skye." Sagot ni Riley.

"Mabuti naman kung ganun. Pwede bang i-excuse ko muna si Athena? Kakausapin ko lang." Huh? Ano naman kayang sasabihin nito ni Kuya?

"Okay lang Kuya Skye. Take your time. Hihihi" Sabi ni Hera. Hay. Ito talaga, crush niya kasi si Kuya.

"Excuse lang guys ah?" Ako na nagpaalam kasi nauna na si Kuya sa labas.

"Ano ba yun Kuya?"

"May dinner tayo mamaya kasama sila Tita Gretch." Ah. Pero wala naman sila Mommy ah? Paano yun? Mama pala ni Flame si Tita Gretch.

"Pero wala sina Mommy diba? Nagdi-dinner lang naman tayo kapag kumpleto sila."

"Oo nga eh. Hindi ko rin alam eh. Tinawagan lang ako ni Tita Leigh kanina eh. Kaya nga napauwi ako agad." Si Tita Leigh ang Mommy ni Aries na may-ari ang JA.

"Anong oras ba Kuya?"

"7 pm daw. Sa Hotel daw nila Tita Gretch." Ang layo nun ah.

"Bakit doon pa? Samantalang dati dito lang tayo sa bahay ah?"

"Di ko rin alam eh. Basta kailangan bago mag-6 ready ka na. Medyo malayo yun."

"Okay. Noted."

Nakakapagtaka talaga. Kasi bakit sa Hotel pa. Wala namang may birthday ngayon sa kanila.

Hayst. Bahala na nga.

Pagkabalik ko sa room ko. Tapos na sila kumain at wala nang kalat sa kwarto ko.

"Guys, aalis daw kami ng 6. May dinner kasama ang stockholders ng school." Kapag sinabi kong stockholders, alam na nila na nandun si Flame.

"Omg. Scarlett, kami na bahala mag-ayos sayo." Sabay takbo sa walk-in closet ko. Aish. Di naman sila excited niyan. Sila Hailey naman ay pumunta sa vanity ko. Kumuha ng mga make-ups.

"Aish. Guys, simpleng dinner lang yun. Wag kayong OA."

"Scarlett kasi nandun si Flame. Kailangan mapansin ka niya." Ani Shane. Arrasseo. Kapag sila ang nagsabi wala na akong nagagawa.

The One Who Stole My HeartWhere stories live. Discover now