° secret revealed 2 °
^ayumi's p.o.v ^
Nag mamakaawa ang tingin na ipinupukol ko kay ranz at umaasang wala siyang sasabihin!
Hindi pa ako handa!
Lalo pa at nahuli ko sa akto si Chard at akeesha!
Noon ko pa napapansin ang kakaibang namamagitan sa kanila ngunit ipinag-sasawalang bahala ko lang dahil baka iniisip ko lang ang ginagawa kong kasalanan sa kanya!
Ngunit sa nasaksihan ko kanina ay nasagot lahat ng tanong sa aking isipan!
May relasyon sila!
"No ayumi, let him.. "
Parang tinambol ang puso ko ng sambitin yon ni Chard! Mas humigpit naman ang pag kakahawak sa akin ni Ranz..
"Let her go"
Tatlong salita ang kumawala sa bibig ni ranz na agad tinugon ng suntok ni Chard!
Napahiga si Ranz sa lupa at agad ko siyang dinaluhan!
"Char--
Dumating naman ang humahangos na si Akeesha at nag tatakang tumingin sa nakaupong si Ranz..
"Tell me..sino ka para itusan ako na tigilan ang asawa ko?!"
Sigaw ni Chard!
"Please..tama na!"
Sigaw ko!
"No! Mabuti ng mag kaalaman na tayo dito!"
Singit naman ni Akeesha!
"Wag kang makialam!"
Tugon ko!
"Hahaha sa ayaw at sa gusto mo ay involved na ako sa gulong ito, nakita mo naman kanina dib--
"Shut up !"
Sigaw sa kanya ni Chard..
" now tell me Ayumi, anong gusto niyang e-settled? May kaylangan ba akong dapat malaman?"
Baling naman sa akin ni Chard!
Nanginginig ang aking kamay..
Hindi ko alam ang gagawin ko!"We have an affair"
Parang bombang sumabog sa aking pandinig ang mga sinambit ni Ranz..
"See? I'm right! They had an affair too..hindi lang kami ang makasalanan dito!"
BINABASA MO ANG
^my Husband's Best Friend^
Romance"There is no perfect relationship, everybody commit mistakes" Pero paano mo maitatama ang iyong pag kakamali kung masusuklian din ito ng isa pang pag kakamali? Makukuha mo bang mag patawad kung ang sarili mo mismo ay hindi mo makuhang patawarin? Ma...