Inis kong sinarado ang
pintuan at mabilis na inilock ito. Nagmartsa ako papunta sa kwarto na busangot ang mukha. Sobrang naiinis ako! Ano bang kamalasan meron ako. Inihagis ko ang damit na suot suot ko at mabilis na nagpalit ng lingerie bago humilata sa higaan. Sinuntok suntok ko ang unan na nasa harapan ko at inisip kong ito ang mukha ng lalaking iyon!"Ehem."
Napatingin ako bigla sa tumikhim sa harapan ng kwarto ko at nanlalaki ang mata kong namumula ang mukha sa galit.
"What the?!"
Napansin ko ang paninitig niya sa bandang dibdib ko at halos mamula naman ako sa hiya this time. Manyakis! Oh my. Di ko akalain manyak pala ang lalaking ito. Nakanguso siya saakin ng umakyat ang tingin niya papunta sa mukha ko. Tinakpan ko na ang dibdib ko ng unan.
"Is that how you dress at night?" Napataas ang kilay ko sakanya. Anong problema nito? Nakabusangot naman na siya ngayon, at pinasadahan niya nanaman ng kamay ang buhok. Oh my God his biceps showed! Halos maglaway ako at mawala saaking ulirat.
"Anong ginagawa mo dito!?" Lumabas na ako ng kwarto at nagkunyaring tinignan ang pinto. Ayoko sa kwarto! Baka malapa ko lang ang lalaking eto sa harapan ko. Namumula ang mukha ko bigla sa init na naramdaman.
Haharapin ko na sana uli siya ng magulat ako dahil nasa likod ko siya at nakabusangot parin ang mukha.
"I said is that how you dress at night Suz?"
"Yes! And theres nothing wrong wearing this, I guess."
"Nagpapapunta ka ba ng lalaki dito?" Kumunot na naman ang noo ko sa kanya, what the fuck is wrong with him!? Pinamumukha niya ba saking malandi ako?
"Nevermind. Here, I paid it for you." Lumambot bigla ang ekspresyong pinakikita niya saakin, at inilahad sa harap ko ang isang paper bag, ito yung Levis kanina! Di ko ito kinuha sakanya dahil sa sobrang humiliation na napala. Iniwas ko ang mukha. Eto yun dahilan ng pagkabadtrip ko. Tinakasan ko na siya and yet ito siya at hinahabol ako? Isa pa..
"Paano ka nakapasok dito? Are you my stalker?" Naglakad ako papunta sa sofa at umupo ng maayos roon yakap yakap parin ang unan.
"Maybe yes?" Napatawa ako at may pumasok na ideya bigla sa isipan ko.
"Oh maybe youre the one that has been following me this past few days, akala ko kung sino ikaw lang pala." Sumeryoso bigla ang mukha niya at nakakunot na ang noo habang tinitignan ako. He leveled his eyes on mine. Halos matunaw ako, napayakap ako ng sobrang higpit sa unan at nanginginig ako bigla sa takot.
"Im not the one who's following you miss. I think I need to hire someone to guard for you starting tomorrow." Napakagat ako sa labi, nagalit siya kasi tingin niya may sumusunod talaga saakin? Oh my! At bakit naman siya ganyan kung makareact?
"Joke lang! I dont need to be guarded." No ayoko walang privacy! Definitely not!
"I don't need your confirmation miss. Now, sleep and wake up early for tomorrow." Nagsalida siya ng isang ngiti saakin at bago pa muli akong maka angal, wala na siya sa harapan ko.
Nagising ako ng may malakas na katok sa pinto ng condo ko. What's the problem? And it really needs to be urgent this morning? Napakaaga may nambubulabog na agad saakin dito.
Padabog kong binuksan ang pinto at bumulaga sakin ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng uniform, teka uniform ng guards? Nanlaki ang mata ko at bago pa siya makasalita dali dali kong sinarado ang pinto.
Nakasimangot akong sumakay ng taxi pagkalabas galing condo, dahil sa maagang paninira ng araw ni Quiel sa masarap kong tulog and I swear, susuntukin ko siya mismo sa opisina niya.
BINABASA MO ANG
The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)
Novela JuvenilKung maghihiganti ba ako, magiging masaya ako? O mananatiling walang pagbabago sa lahat ng mga sakit na napala ko? Suzie is now signing in to her story full of tears and heartached.