CHAPTER 21
Napahawak ako sa ulo ko. Kinuha ko agad yung gamot sa drawer ko at kumuha ng tubig. Pakiramdam ko puro problema na lang yung buhay ko. Wala ng magandang nangyari sakin.
May kumatok sa pintuan at nakita ko si Namjoon hyung na nakasandal sa pintuan, "So, habang buhay ka na lang ba magmumukmok dito sa office mo?"
"As if I have a choice." Sabi ko, "If I don't distract myself, I might die early."
I heard him laugh. Lumapit sya sakin saka may hinagis sa harapan ko. Kinuha ko yon at agad na napakunot yung noo ko, "Plane ticket? Anong meron?"
"Reunion. Hindi ka ba nagbubukas ng group chat natin? Nagyaya si Taehyung ah." Sabi ni Namjoon hyung. May group chat pala kami? Hindi ko alam. Ganito pala talaga pagheartbroken, nawalan na ako ng pake sa mundo.
Binuksan ko yung envelope at nakita ko yung plane ticket papuntang Barcelona, Spain.
"Wow. Do we really need to go? Paano yung resort?" I asked. Marami pa kasi kaming trabaho na gagawin.
"Akong bahala. Nakakalimutan mo ata na ako yung may-ari ng resort na to?" Sabi ni Namjoon hyung. Napailing na lang ako sa pagmamayabang ng lalaking to.
"Asshole. Magtrabaho ka nga minsan." Sabi ko saka sya binato ng bottled water pero nasalo naman na nya.
"Seriously, you need a break. 2 weeks lang naman tayo sa Spain. After enjoying our vacation, pwede ka na ulit magpakabusy sa trabaho mo." Sabi ni Namjoon hyung saka uminom ng tubig.
"What about your kid? Si Mingyu?"
"He'll be staying with Arian for awhile. Maiiwan yung mga babae, tayong magtotropa lang yung aalis." He said and winked at me. Kadiri talaga.
"Wag mo kong kindatan, kinikilabutan ako." Sabi ko kaya hinagis nya sakin pabalik yung bote at tumama yun sa ulo ko.
"Gago."
"Sige na. Lumayas ka na. Tatapusin ko pa yung trabaho ko." Sabi ko. Umalis na si Namjoon hyung kaya tinignan ko yung plane ticket. Aalis kami sa Saturday ng gabi.
Pinag-isipan ko yung sinabi nya. Kailangan ko nga siguro talaga ng break. Hindi pa naman talaga kami hiwalay ni Suga dahil kasal pa rin kami. But he's happy now with Gabrielle and I'm trying to be happy.
Nasa kotse lang ako pero hindi pa rin ako nagdadrive paalis. Magkikita kami ng mga kaibigan ko para pag-usapan yung biglaang vacation namin sa Spain. Ang layo talaga ng pinili nilang lugar.
Sana kung gaano kalayo yung puntahan ko, ganun din kalayo yung magiging distansya ko kay Suga.
Pagod na kasi talaga akong masaktan. Tama na yung paggamit nya sakin para lang pagtakpan yung mga kasinungalingan nya. Tama na yung pagpapakita nya sakin na gusto nya akong mahalin pero pagtalikod ko, si Gabrielle yung hinahanap hanap nya.
This is too much.
"Bitch, nasan ka na?" Bungad ni Taehyung nung sinagot ko yung tawag nya.
"Beach?" I asked. Gusto ba nyang pumunta sa beach?
"Bitch!" Sigaw nya bigla. Parang gago talaga.
"Gago." Sabi ko kaya natawa sya, "Papunta na ako dyan."
Nagdrive na ako papunta sa bahay nila Taehyung. Pagdating ko doon, nakita ko yung mga kotse ng kaibigan ko. Akalain mo yon, parang dati binabato lang kami ng mga prof namin ng eraser tapos ngayon kaya na naming bilhin yung school na minaliit lang kami.
BINABASA MO ANG
The Book of Lies | yoonmin
Fiksi PenggemarIn this sequel of One Kiss, One Lie, Park Jimin and Min Suga face marriage life. But when their past begins to haunt them, everything starts to fall apart. A Sequel of One Kiss, One Lie Written by: chimchimeeen [COMPLETED]