Kabanata 1
Napabuga ako ng hininga. Hanggang ngayon ay nag-aabang ako sa balita tungkol sa game. Ilang minuto na akong narito sa clinic, umaandar ang oras.
"Tss, can't you just relax?"
Nilingon ko agad ang pintuan ng clinic. Kapapasok lang ni Spiral na may dalang bottled water at sandwich, nilapag niya iyon sa bedside table.
"Anong balita? Panalo ba?" madaling usisa ko.
Umismid siya.
"Eat," he commanded.
Hindi ko siya pinansin, umiwas ako ng tingin at kinuha ko ang bottled water. Lumilipad ang isip ko kung tapos ba ang game o hindi pa. Ayaw naman akong sagutin netong Spiral na 'to.
"Baka matalo sila dahil sa 'kin! Nakakahiya 'yon!" bulalas ko, ngumiwi ako at inambahan ng suntok ang binti ko upang sisihin iyon. "Nakakainis ka! Dahil sa 'yo-"
He grunted in annoyance. "Your team lost the game."
Mabilis ko siyang binalingan, gusto kong bawiin niya ang sinabi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nalaman-ano? Natalo? O biro lang iyon? Pinapakaba niya lang naman siguro ako.
He nodded curtly. "Oo, talo."
Nanghina ang mga kamay ko. Ayaw ko man maniwala ay mukhang totoo nga dahil walang mabakas na pagbibiro sa kanyang masungit na mukha.
Binitiwan ko ang bottled water sa aking hita at ipinikit nang mariin ang mga mata.
Last set na dapat namin noong maaksidente ako, alam kong siguradong panalo na kami noon. Dalawang puntos na lang ay tapos na ang third set kaya nakakapanghinayang talaga at sinisisi ko ang aking sarili.
Bakit? Naroon naman si Ella, bakit hindi siya ngayon nagpasikat at pinanalo dapat niya ang third set?! Ang nakakahiya at nakakahinayang pa ay 2-0 ang laban kanina! Biruin mong nahabol 'yon? Sayang ang pagod naming lahat!
Inis na kumamot ako sa ulo at padabog na pinalo-palo ang unan dahil sa panghihinayang. Ganoon lang kadaling kinuha ng Lioneers ang trophy!
"It's not your fault," he suddenly uttered.
Nilingon ko siya sa galit. "What? Kaya nga natalo dahil may nangyaring gano'n! Baka kinabahan sila dahil sa lagay ko at hindi sila nakapaglaro nang maayos!"
His forehead creased as he turned to me. He looked amused and annoyed at the same time. But he's still handsome and I can't keep my eyes on him. Nahihiya akong baka mapansin niya ang paninitig at pagkamangha ko sa kanyang mukha kaya iniiwas ko ang tingin.
"You're stupid, it's just a game. You've done your part, stop blabbering nonsense now."
Wow! Stupid? Ako? Masakit pala sa ego kapag sa kanya nanggaling ang salitang iyon.
Napakurap-kurap ako at matalim siyang tiningnan.
He just smirked and shrugged. "You've done your part, just rest it out. Hindi naman palaging mananalo kayo, minsan tanggapin din ang pagkatalo."
I sighed heavily. He was right but... I couldn't accept that I wasn't with them when they lost the game. Natatakot akong masisi kasi ayaw ko talaga makatanggap ng disappointments pagdating sa volleyball.
I wanted to be a known volleyball player. Nangako ako sa sarili na gagawin ko ang lahat para makapunta sa Maynila at doon kukuha ng scholarship-doon ituloy ang pagvo-volleyball pati na rin ang pag-aaral dahil mas malaki ang oportunidad doon.
Natigil ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pintuan at si Clay Carlos ang pumasok. Nakangiti agad siya pero halata ang pag-aalala nang magtama ang tingin namin.
BINABASA MO ANG
Isla Verde #1: One Sweet Day
قصص عامةBorn and raised in the small province of Isla Verde, Asthreya dreams of becoming a famous volleyball player. When Manila gives her that chance, she meets a much bigger world--for herself and her dream. *** The star player of La Riva in Isla Verde, A...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte