Episode 32

302 16 0
                                    

SinB's POV


Mag-isa lang akong nasa kwarto namin ni oppa ngayon. Umalis siya kaninang umaga dahil may schedule siya for a commercial.


Naka-dapa ako sa bed habang nagla-laptop, pagka-open ko ng Twitter namin, ini-scan ko yung interactions. Nakita kong puro SinKook nanaman ang bukambibig nila kaya kinlick ko yung hashtag na #SinKookfromthestart dahil yun ang laging trending.


May lumabas na tweets na puro picture namin ni oppa and then may mga Youtube links kaya pinindot ko yung nasa pinaka-maraming retweets.


'SinKook is real!' ang title nung video at pinlay ko naman yun.


Natawa naman ako dahil compilation nga yun ng mga interactions namin ni oppa before WGM. Yung iba pa ay mga picture na parehas kami ng outfit (na lagi namang nangyayari dahil parehas kami ng fashion sense).


And then may picture doon na galing sa magazine, dinescribe ni oppa ang ideal girl niya, and may picture ko na naka-edit doon. Nakaka-amaze lang dahil saktong sakto talaga sa description niya yung porma ko.


Maski mga pre-debut pictures namin na parehas kami ng pose ginawan nila ng kwento. Iba talaga mga shipper na 'toh eh, hahahaha!


Pagkatapos nung video na yun, may nakita pa akong ibang video sa recommended kaya cinlick ko yun.


Yung iba dun paulit ulit na lang yung nakalagay pero may mga iba na maski ako hindi ko alam na nangyari pala. Like that time na yung design pala ng stage na pinag-performan namin ay may mukha ng BTS at nandon ako sa part ni oppa.


Seriously, nakakatuwa tignan parang may time machine eh.


After a few more videos, napanood ko na ata halos lahat ng nakita kong SinKook kaya tinigilan ko na. Kaso biglang nag-auto play sa kasunod and what the hell...


'EunKook for WGM' yung title nung video.


Napalunok ako at nawala agad yung ngiti ko. Sigurado akong hindi Hwang Eunbi ang ibig sabihin ng Eun sa EunKook.


Huminga ako ng malalim nang mag-simula yung video.


Parang katulad lang din ng videos namin ni oppa, mga compilation ng interactions. Pero bakit ganun, bakit parang mas madami yung sakanila?


Tapos yung mga caption pa nung uploader ng video paniwalang paniwala siya na nagde-date yung dalawa.


Hindi ko magawang i-close yung video dahil napangunahan ako ng curiousity. Hanggang sa nag-auto play ang part 2 hanggang part 5. Bakit ang dami naman?!


Kahit nasa WGM na kami ni oppa sila pa din ang sini-ship. Hindi ko napapansin na palagi pala silang naguusap at nagtatawanan pero nakita ko yung cuts doon sa video eh.


Huminga ulit ako ng malalim para mabigyan ng oxygen ang utak ko, baka kung anu-ano ang pumasok eh.

"I Do" [finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon