TEXTMsg.

107 1 2
                                    

May girlfriend ako, 8months na kami ni Rose. Mabait naman sya,Masarap kasama kaso pag hindi kami magkasama lahat ng text nya ganun na ganun pa rin.

''Kumain knba?'' 

''Ingat ka dyan ha.''

''Imissyou.''

Nakakasawa nalang walang pinagbago sa mga text nya,walang matinong pag-uusap.

Hanggang sa ..

[ Nagtext sya sa akin, hindi ko na binasa kasi alam ko yon na naman sasabihin nya sa akin.  Pero ang di ko alam yung text na hindi ko binasa at hindi pinansin ay ang text na ibang iba sa lahat. 

'' Babe tulungan mo ako, may mga lalaki.''

Umulan ng malakas noong gabing na yon, Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko, Hindi ko alam bat hindi ako mapalagay, hindi mapakali, sobrang kinakabahan, At tanging nasa isip ko si ROSE.

[ Ilang oras ang nakakalipas.]

( Toook, Tooook .. ) (Katok sa Pintuan.)

May kumakatok at dali dali kong pinagbuksan. Si Rose pala.

Justine: Rose ano kaba, bat kapa sumuong sa malakas na ulan, baka magkasakit ka, halika pumasok ka.

Bago pa pumasok bigla akong niyakap ni Rose ng sobrang higpit.

Ang lamig ni Rose yung niyakap nya ako, Parang bangkay pero inisip ko lang baka dahil sa naulanan sya.

Rose: Babe, Iloveyou. Mamimiss kita. Mag-iingat ka ha, Mahal na mahal kita.

Hindi ko alam kung bakit ganon nalang kabigat para sa akin yung sinabi ni Rose sa akin. Ewan ko simpleng Iloveyou pero iba ang dating eeeeh. 

Umalis ako para kumuha ng towel.

Justine: Ooooh, eto magpunas ka muna wag kang magpatuyo.

Rose: Salamat, Pwede sa CR nalang.

Justine: Sige Rose.

( ilang minuto ang itinagal ni Rose sa CR. )

Bat kaya ang tagal na ni Rose sa Cr , Ano kaya ginagawa nya. 

Binuksan ko ang pinto sa CR, Pero biglang tumambad sa akin ang isang malamig na hangin. Kasing lamig ni Rose nung niyakap nya ako. Hindi naman ako umalis sa labas ng CR eh pero bakit sya nawala rito.

Hindi ako makatulog si Rose naiisip ko at yung nangyari kanina.

(Kinabukasan)

Tumatawag ako sa cellphone ni Rose pero hindi macontact yung cellphone nya, Tumawag ako sa knila at ang nanay nya ang nakasagot.

Nanay: Hello?

Justine: Hello po tita, Si Rose po? Nandyan po ba hindi ko po kasi sya makontak eh.

Nanay: Si Rose, Justine patay na sya.

Hindi ko lubos maisip na patay na si Rose dali dali akong pumunta sa bahay nila. Binigay sa akin ng nanay nya yung cellphone nya. Nakita ko yung text nya sa akin kagabi. Lubos akong nalungkot at nagsisi. Na sana binasa ko nalang para natulungan ko sya. Sobrang sinisisi ko sarili ko. 

Sa diary ni Rose, may sulat sya na iniwan sa akin.

''Babe, Sorry sa lahat ha? Alam kong marami akong pagkukulang sa iyo. Sorry kasi hindi ko masyadong naiparamdam na mahal na mahal kita. Ayoko mawala ka sa akin. Hindi ko kaya. Pero sana mabasa mo ito, at sana hindi ako mawala dyan sa puso mo. Lagi kitang babantayan. MAHAL NA MAHAL KITA.''

Lubos na akong nagsisisi sa kapabayaan ko, ang laki ng kasalanan ko kay Rose, lagi kong dinadalaw yung puntod nya lagi kong binabati sya na Happy Monthsary. Hinding hindi na muli ako iibig, si Rose parin yung mahal ko ang babaeng PINAKAMAMAHAL KO.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TEXTMsg.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon