Chapter 1 ( Hallway )

159 16 8
                                    

Naglalakad si  Alex sa hallway ng school building, nang mabangga nya ang isang lalaki..

Alex: Ay sorry.. Di ko sinsadya.

Jhase: (Pinupulot ang nalaglag na gamit) Bulag ka ba?! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!!

Alex: Sorry na nga e.. Di ko naman sinasadya. Nagmamadali kase ako..late na ako.

Jhase: Nako kung nagmamadali ka.. Antanga tanga mo.. Bwisit ka.. Panira ka ng araw!! Dyan ka na nga !! (binangga si girl sa balikat sabay madaling umalis)

Maluha-luha si Alex dahil sa masasakit na sinabi ni Jhase sa kanya at sa kahihiyan na inabot nya. Madami kaseng mga estudyante ang nakakita sa nangyari..

Alex: (may nakita sa floor,isang kwintas na may pendant na heart) Sa masungit na lalaking yun siguro ito, sa isip-isip nya

Itinago ni Alex ang kwintas, at agad nyang naisip na ibalik ito sa masungit na lalaki ngunit male-late na sya sa klase kaya napagpasyahan nyang bukas na lamang nya ito isasauli..

*KINABUKASAN*

Jhase: (Kausap ang Bestfriend nya) Pare, ano na gagawin ko? Naiwala ko yung Kwintas.. Mahalaga saken yun.. Regalo saken yun ni mama bago sya mawala..

Sean: Baka kung san mo lang nailagay.. Alalahanin mo mabuti..kaw naman kasi.

Jhase: (natigilan, may biglang naalala) Yung babae kahapon!! Yung nakabangga ko, kasama yatang nahulog ng gamit ko yung kwintas.. Baka nakita nya yung kwintas at pinagkainteresan..

Nagmadali si Jhase na nagtungo sa hallway kung saan sila nagkabangga ni Alex kahapon. Pinagtanung-tanong nya kung saan makikita yung babaeng hinahanap nya..

MAYA-MAYA..

Estudyante: Yung babae ba na nakabangga sayo kahapon ang hinahanap mo?

Jhase: Oo, Alam mo ba kung san ko sya makikita?

Estudyante: Ah.. Oo nandun sya sa Library.. Dun ko sya madalas makita tuwing lunch break.

Jhase: Sige salamat..

Nagmamadaling umalis si Jhase upang puntahan ang kinaroroonan ni Alex..

*SA LIBRARY*

Papalabas na si Alex ng Library dala ang librong hiniram nya nang maalala nya ang kwintas na itinabi nya sa kanyang bag.. Kinuha nya ito at pinagmasdan..

Alex: (pinagmamasdan ang kwintas) napakaganda naman nitong kwintas at mukhang mamahalin, napakahalaga siguro nito dun sa masungit na lalaking yun.

Maya-maya pa'y papalapit na si Jhase sa Library nang makita ni Jhase si Aled na hawak ang kwintas, dali-dali nitong nilapitan ang babae.

Jhase: Hoy babae.. Bakit nasayo yan??! Siguro balak mong ibenta yan noh?! Siguro sinadya mo akong banggain kahapon para makuha mo yan.. Magnanakaw ka pala!!

Alex: Hindi.. Di totoo yan.. Balak ko nga isauli sayo to ngayon.. Tsaka hindi ako magna....

Bigla na lamang hinablot ni Jhase ang kwintas na nasa kamay ni Alex bago pa maituloy ng babae ang kanyang paliwanag..

Jhase: Wag ka na magsinungaling.. Huling huli na kita.. Magnanakaw ka!! Alam mo ba kung gaano kamahal to ha??!! palibhasa mahirap ka eh, pag nakakakita ka ng mamahalin na gamit pera kaagad ang nasa isip mo!! Gusto mo kaagad pagkakitaan!! Hampas-lupa ka!

Alex: Oo tama ka, mahirap lang kame, patay gutom, hampas lupa.. Oo totoo yun.. Pero ito lang sasabihin ko sayo Mr. Richkid, mahirap lang kame, hamak na labandera lang ang nanay ko, pero hindi nya kame pinalaki para manlamang ng kapwa at magnakaw.. Pinag aaral nya kame ng mga kapatid ko sa marangal na paraan.. Palibhasa hindi mo maranasan ang buhay mahirap kaya ganyan ka na lang manghusga samin.. Yang kwintas na yan.. Balak ko isauli yan sayo.. Hindi ko pag iinteresan yan kahit kailan..

Dali-daling umalis si Alex habang umiiyak..
natameme na lang at parang nakosensya sa mga masasakit na nasabi nya kay Alex

Jhase: teka miss.. Sandali....

Itutuloy......

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon