Miss na nakaBlue

456 13 7
                                    

Miss na nakablue

Waiting is painful,

Forgetting is painful

But not knowing which to do

Is the worst kind of suffering...

-Paulo Coelho

By the river of Piedra I sat down and wept

Alas syete na ng gabi. Haaay. Nakakapagod magpractice game. Kung dati isang oras lang ang practice game namin ngayon umaabot na sa 3 to 4 hours sa isang araw. Mula alas kwatro hanggang alasyete. Maswerte nga at ngayon hanggang alasais lang. May lakad ata si coach.

Umakyat ako ng bleacher kung saan ko iniwan ang bag ko. Magkakasabay namang umalis yung iba kong ka-team dahil pupunta daw silang PNR. Birthday kasi ni Inggo kaya magpapainom. Ayoko namang sumama.

Nakaupo ako habang umiinom ng tubig ng bigla kong marinig ang tunog ng nahulog na cellphone mula sa gilid ko. Nilingon ko ito kaagad at saka tumingin sa paligid kung sino ang may-ari nito.

Agad ko namang nakita ang isang babaeng naka-blue ng blouse tapos nakatali ang buhok na kulot kulot ang nakadukdok na parang umiiyak. Pinulot ko yong cellhpone dahil malapit lang sa akin nahulog.

“Miss na nakablue nahulog mo cellphone mo..“

Sigaw ko sa babaeng nakablue pero hindi nya ako pinansin. Pagod na ang mga paa ko dahil sa practice pero tiniis ko na din at inakyat pa ang pinakamataas na bahagi ng bleacher kung saan andon yung naka-blue na babae.

Umupo ako sa tabi nya. Pero wala pang ilang minuto agad syang tumayo at saka kinuha yung cellphone sa kamay ko. Dirediretso syang bumaba at hindi man lang nagpasalamat sa akin.

Abnormal ata yun.

Bumaba na uli ako at kinuha ang bag ko saka naglakad pauwing dorm.

Sa paglalakad ko nakita ko naman si Dylan na nakatulala sa tapat ng boarding house nila kaya nilapitan ko sya at saka binati. Pero ni hindi man lang ako pinansin at nagtuloy tuloy ng pumasok sa loob ng boarding house nila.

Ano ba naman mga tao ngayon mga abnormal lahat?

Dahil napahiya ako dirediretso na lang akong naglakad pauwing dorm. Badtrip lahat ngayon pati dorm manager namin dinatnan kong sigaw ng sigaw dahil daw makalat ang mga kwarto.

Anu ba naman mga to. Hindi ba nila alam na pagod din ako tapos lahat sila badtrip?

Mabuti pang matulog na lang ako.

Maaga akong nagising para magjogging. Bilin ni coach na mag-jogging tuwing umaga para daw lumakas ang upper body at the same time bumilis ang kilos ng paa. Pinagbawalan din kaming mag-yosi at uminom ng alak dahil nga malapit na ang SCUAA. Hindi naman ito ang first time kong makasali ng SCUAA pero naeexcite pa din ako. Noon kasi pangarap ko lang makapaglaro ng football, ngayon varsity na ako at nakakapaglaro na sa SCUAA.

Nakaka-3 rounds na ako sa field at pinagpapawisan na ako. Kailangan maka-5 rounds ako dahil kahapon 4 rounds ang ginawa ko.

Nagulat na lang ako nang biglang may umover-take sa akin na nakabike.

Matagal ng pinagbawal na magbike sa field dahil nga nasisira yung mga damo na mahalaga para sa aming mga varsity lalo na sa larong football. Kaya naman binilisan ko ang pagtakbo para mahabol ko kung sino man yung babaeng pasaway na nag-babike dito sa loob ng field.

“Ay miss na naka-blue!“

Pagtawag ko sa kanya. Di ko naman kasi kilala kaya para matawag ang atensyon nya ay iyon ang sinabi ko.

Miss na nakaBlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon