Chapter 1:

4 0 0
                                    


"Ma, ayokong pumunta ng Manila!. Ang poluted ng air dun ehh!! Ang init pa!😣

"Hay nako!, wag mo nga akong artihan, mas maganda na pumunta ka don para naman matuto kang mamuhay ng magisa hindi ung puro ka lang asa.!"

"Eiiihhh... Ano namang gagawin ko dun, mag palaboy laboy!? wala naman tayong kamag-anak dun!"

"Pwede din, bahala ka sa buhay mo kung anong gagawin mo dun "

"Tsss, ano ba kasing pumasok sa isip nyo at naisipan nyo napalayasin ako, hayyy! By the way wala naman akong choice"

"Hindi kita pinapalayas, mas magandang matuto kang magisa para hindi ka masanay na puro asa!"

"Ah!.sige sige na!, basta bibigyan nyo ko ng pera!"

"Ay.oo , basta pag balik mo dito may nag bago na sayo huh!?"

"Tsss.."

..................

Yan yung huling pag uusap namin ni Mama , at yan ang dahilan kung bakit ako nandito sa Manila at palaboy laboy. Di ko naman alam kung saan ako pupunta , di ko din alam kung nasaang parte na ba ko ng pilipinas.. Hayyy life nga naman!!

Btw, I'm Yanni Montero, 18 y/o galing akong Bulacan, kakatapos ko lang ng senior high sa tracks na ABM, gusto ko kasing maging manager balang araw.

Papadalhan nman daw ako ng nanay ko ng pera pero pang paaral ko lang , hindi kasama ung iba ko pang gastusin. Ako na daw bahala maghanap ng titirahan ko at trabaho ko.

Ngayon andito nga ako sa Manila pero hindi ko alam kung asang barangay na ba ko, malay ko ba dito. Ano ba kasing trip ng nanay ko at naisipang palayasin ako sa bahay, hindi ko alam kung saan ako matutulog neto, di ko din alam kung anong unang gagawin ko dito , btw kaylangan kong makahanap ng tulugan ,gabi na kasi kanina pa ako palakad lakad dito.

"San ba ko pwedeng matulog!?"
Lakad parin ako ng lakad ngayon, wala naman akong alam dito sa Manila , ayoko kasi dito masyadong puluted ang paligid, no offense ah di ko lang talaga trip dito..

"Wahhh! Gabing gabi na wala parin akong mahanap na tulugan, kahit pansamantala lang! Huhuhu!"

" ahh. Ayun " may nakita akong isang bahay na muka namang walang nakatira. May parang terrace sa harap at wala syang gate kaya pwede kang makapunta ng terrace.

"Pwede na siguro dito, pansamantala lang naman ehh" sabay latag ko ng sapin para mahigaan. Gabi na naman kaya siguro wala ng makakakita sakin dito ,at gigising na lang ako ng maaga bukas para makaalis na agad..

............

"Hoy!! " sabay sipa sakin ng di ko alam kung sino

"Mmmmhhh, istorbo naman ehh.. Natutulog yung tao eh" tugon ko naman dito

"Aba, hoy ikaw pa yung mayganang magalit babae, ikaw kaya yung natutulog dyan sa terrace na mukang pulubi" sabi nya naman na agad kong kina gulat.

Agad naman akong napabangon sa sinabi nya, ngayon ko lang naalala na dito nga lang pala ko natutulog sa terrace ng isang bahay na kala ko ay walang tao

"Naku kuya, pasensya na kung natulog ako dito kala ki kasi walang tao, at wala nadin kasi ako ng mahanap na pwedeng tulugan , bago lang kasi ako dito sa Manila at wala akong alam na lugar dito, kaya pasensya na talaga ,sorry sorry,!!", tuloy-tuloy na sabi ko sa kanya

"Ang dami mo namang sinabi, di ka naman tinatanong" masungit na sabi nya sakin

Agad naman akong napatingin sa kanya , ngayon ko lang napansin na mukang kakadating nya lang kasi may dala dala pa syan bag at kasalukuyang nakahawak sa doornob.

"Titig pa!, alam kong pogi ako pero baka matunaw ako nyan"

Di ko naman napansin na nakatitig na ako sa kanya.

"Aahh...ehh...sige alis nako" sabi ko. Di ko na lang pinansin yung sinabi nya.

"San ka naman pupunta" napalingun naman ako sa tanong nya sabay kunot ng noo.

"Mag hahanap ng ibang tutulugan!?"sabi ko sa kanya

"Mag hahanap!? Alam mo ba kung anong oras na !?masungit na tanong nya sakin. Ano bang paki nya!?

"Ano bang paki mo!? Hindi ko dun alam kung anong oras na dahil wala naman akong relo at lowbat nadin ung phone ko" sabay taray at talikod ko sa kanya

"Tanga ka talaga eh no! Alam mo bang ala-una na ng madaling araw , sa tingin mo may gising pa ngayon at mag papatira sayo" tumingin ako sa kanya

"Hoy! Hindi ako ta-

"At maglalakad ka kalsada tapos ganyan yung suot mo. Gusto mo bang marape" putol nga sa sinabi ko. Napatingin naman ako sa suot ko. Anong mali sa croptop at ripjeans di naman masyadong reaveling ahh.

"Anong problema mo sa suot ko!?" Tanong ko sa kanya .

"Problema!? Tanga ka talaga, yung tyan mo kitang kita tapos nakajeans ka nga pero muka din namang walang silbe dahil sa sobrang sira"

"Hoy, ang pakielamero mo naman kalalaki mong tao! Alam mo kung wala ka naman sasabihing matino manahimik ka nalang at fyi lang hin-"

"Ang dami mong daldal,alam mo kung gusto mo talaga ng matutulugan ,dito ka muna matulog sabahay" offer nya sakin

"Ayoko nga , baka ano pang gawin mo sakin ehh" sagot ko naman sa kanya

"Ang kapal mo din, kala mo naman maganda ka , kung ayaw mo edi wag bahala ka sa buhay mo" galit nyang sabi sabay bukas na pinto at balibag na sinarado

"Aba! Hay nako bwisit!!" Agad naman akong tumalikod at umalis. Hindi pako nakakalayo ay may nakita naakong mga nagiinuman sa kalsada at muka ring madaming tambay sa kanto nito.

"Nakakatakot naman dito,mas mabuti nga siguro. kung makitulog muna ko sa kanya ,wala naman siguro syang gagawin sakin diba!?




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Tanga Kase"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon