fluk•ey deux

11 1 0
                                    

"Will you marry me?"

Those are the four words he said to me two months ago nung nasa beach kami for our family outing na kasama siya. At yun, hindi ko alam na kaya pala nagplano sila mommy na mag outing kami sa palawan ay because magpopropose si zaki sa akin which is sa favorite place ko, sa beach. He really knows the things that can make me happy but all I want is him and I'm really blessed to have him. Zachary Nicholas Mercado, siya yung nagturo sa akin na wag matakot na magmahal muli. Na hindi hadlang ang past para maging masaya at iopen ko ulit yung sarili ko sa love na yan. Siya yung lalaking nagparamdam sakin na hindi lahat ng lalaki ay pareparehas. Na iba siya sa lalaking nanakit at nanloko sa akin. Siya yung nandyan para tulungan akong buuin yung sarili ko. Yung ibalik yung totoong Levi Agatha Dela Cruz at siya yung naging dahilan kung bakit mas naging malakas ako.

We started as strangers, became close friends. First, I'm afraid to be close to another man again because I'm afraid na baka mainlove ulit ako. And yun yung problema sakin. Mabilis ako mainlove lalo na kapag ka close ko yung lalaki. So yah, I had a boy bestfriend before. I trusted him so much... and boom. I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend. Line yan ni jolina pero naging line ko na. Hays. And that's the reason why I don't want to be close to him pero makulit ang tadhana eh. Zaki and I became super close friends. And he's the third guy that I gave all of my trust (Ofcourse my dad is the first, second is my bestfriend).

Kasama ako sa family vacation nila noon sa batanes. Syempre ininvite ako ng mom niya nakakahiya namang hindi pumunta diba. Kami lang tao ni zaki noon sa beach and naglalaban kami using water gun (seriously 20 years old but still naglalaro ng water gun hahaha napaka childish). That day alam ko nang may feelings ako para sa kanya pero ayokong aminin dahil nga sa past ko diba. And kuntento na rin ako sa kung anong meron kami. Ayokong mawala at masira pa yun.

Binabaril at binabaril pa rin niya ako ng tubig nun sa mukha at yung water gun ko naman ay empty na kaya naman tuwang tuwa ang loko. Binabaril niya ako habang papalapit siya ng papalapit. Ako naman tinatakpan ko yung face ko. Ang hapdi kasi sa mata hmp. Alam kong inches away nalang siya sakin kasi rinig na rinig ko yung tawa niya pero di ko siya makita kasi nga tinatakpan ko yung mukha ko. Then bigla ba naman akong hawakan sa bewang with force kaya sabay kaming napa upo sa buhangin. Pinunasan niya yung mukha ko na basang basa at may buhangin pa habang tawa siya ng tawa. Nung hindi na masyado basa yung mukha ko at maayos ko na siyang nakikita ay kinuha ko yung tsinelas para hampasin siya. Tawa parin siya ng tawa at ako hinahampas ko parin siya. Napatigil lang ako nung serious na yung face niya habang nakatingin sa akin...

"What?!" I said.

Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko matiis na ganun siya tumingin sa akin dahil bumibilis yung tibok ng puso ko. Kaya tumayo na ako.

"Bahala ka nga dyan."

"Hey agatha wait!" He uses agatha everytime na seryoso yung sasabihin niya kaya I think kailangan kung pakinggan yung sasabihin niya kaya naman umupo ulit ako.

"Ano ba yun?"

"Sorry."

"No. Ayos lang. Naglalaro lang naman tayo eh at ok lang naman, medyo mahapdi lang yung mata ko."

"Hindi yun."

"Ha?"

"Sorry. I know may promise tayo sa isa't isa, pero agatha ayoko ng maglaro. Ayoko na ng hide and seek." Ano bang sinasabi niya?

"Ano bang pinagsasasabi mo zaki? Di naman tayo naghahide and seek eh. Barilan ng tubig to oh. Baliw ka ba?" Sabi ko sa kanya habang nilalapit ko sa mukha niya yung water gun kong hawak.

fluk•ey Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon