Scarlett's POV
Monday. Maaga akong pumasok kasi nga pupunta sila Tita sa school.
6 pa lang nasa school na kami ni Kuya. Sabay na kami pumasok. Sinabihan ko ang buong Certified na pupunta sila Tita. Dapat di ko sasabihin kaso madaldal ako kaya nadulas ako. Maaga ko rin sila pinapasok para tulungan kami.
Pati rin sila Flame nandito na. Since konti pa ang mga students may time pa para mag-ayos. Nilagyan namin ng decorations ang Quadrangle. Sana lang wag to guluhin ng mga estudyante mamaya.
Ay, dito pala sa JA tuwing umaga lahat ng students sa Quadrangle dumederetso. Bale may assembly muna bago mag-start ang klase. Para kapag may announcements malalaman ng mga estudyante.
Naayos na namin ang Quadrangle. Time check, 6:45 am. Malapit na mag-7. Kami ni Aries ang magiging emcee ngayong araw. Bilang part ng Student Council, trabaho namin ito. Araw-araw iba-iba ang naa- assign na mag-lead ng prayer. Pero iba kasi ngayong araw.
Walang script, bale adlib lang ang gagawin naming dalawa.
Nagpa-practice kami ni Aries habang sila Kuya, ang Team Certified at sila Flame ang nag-aayos ng mga upuan.
~~
"Goodmorning JA students! You may be wondering why me and Aries are the leads for today's assembly." Panimula ko. Nandyan na kasi sila Tita sa labas kaya dapat magsimula na.
"Are you guys clueless about what is happening today? As you can see in front of you, there are vacant chairs." Sumagot ang crowd ng isang mahabang 'YES'.
"Magkakaroon tayo ng mga bisita ngayong araw. Wag na nating patagalin pa."
"Let us all welcome, The JA Stockholders!" Sabay na sabi namin ni Aries.
Nagtayuan naman ang mga estudyante para yumuko bilang paggalang. Then nagpalakpakan sila nang pumasok sila Tita.
"May we call the President of Jung Academy, Mrs. Leigh Anne Jung." Ganyan talaga tawag ni Aries sa Mommy niya. Kapag kasi nasa school at nasa harap ng ibang students kailangan formal.
Pagka-akyat ni Tita sa stage, bumeso muna siya samin. Then kinuha na yung microphone ni Aries.
"Goodmorning students!" Binati rin siya ng mga estudyante. "First of all, I want to thank my son, Aries, and Scarlett with their friends, for making our visit more special. Dapat pupunta lang kami dito para bumisita. Pero nagkaroon pa ng program. Hahaha. But dahil nandito na rin kayo, may gusto lang ako i- announce. Ngayong week na ang inyong Quarterly Exams at ngayong week na rin magsisimula ang Sports Week. Dito gaganapin ang opening ceremony ng Sports Week. Kaya inaasahan ko ang inyong suporta kahit na hindi kayo kasali sa anumang sports. Maraming salamat ulit and Goodmorning!" Then binigay na niya ang Microphone kay Aries.
"Wow! Ang busy pala ng JA ngayong week na to. Guys, suportahan niyo kami at makakaasa kayo na gagalingan din namin ng buong sports team." Sabi ko. Ako kasi ang president ng buong sports team, meaning lahat ng sports hawak ko.
Pagkatapos ng assembly, pumunta na sa mga classroom ang mga estudyante. Naiwan kami nh mga kaibigan ko at sina Aries. Lumapit muna kami kina Tita para magpaalam.
"Tita, aalis na po kami. Kailangan na po kasi namin pumunta sa room eh. Baka po ma-late kami." Paalam ko.
"No. Kain muna tayo bilang pag- thank you namin sa inyo sa ginawa niyong preparation ngayong araw."
"Wag na po. Baka po kasi hanapin po kami ng teacher namin. Tapos sabay-sabay pa po kami nawala. Hehehe." Si Flame na ang nag-salita.
"No, I insist and besides napaalam na namin kayo sa mga teacher niyo hanggang 3rd subject niyo." Talagang pinaghandaan na to ni Tita ah?
"Ah, Ms. President, kayo na lang po mauna na po kami. Salamat po." Aish. Si Riley yan. Wag mo sabihing iiwan nila ako? Nagbow na sila at aalis na dapat pero tinawag ulit sila ni Tita.
"Sumama na kayo. Treat ko naman eh. Tsaka isa rin kayo sa tumulong kanina kaya dapat sumama kayo." Hay. Buti naman.
"Sige na nga po." Mukhang napipilitan na sabi ni Chloe kahit alam kong masaya yan kasi kakain nanaman. Wahahahaha.
"So, Let's go?" Tapos sabay sabay na kaming umalis. Di ko alam kung saan kami pupunta pero sumama pa rin kami.
~~
Naging maayos naman yung nangyari sa lunch namin kanina kasama sila Tita. Pagkatapos, hinatid nila kami sa school kasi kailangan pa daw namin pumasok.
Mabilis lang naman yung lunch namin. Bago mag-3rd subject nasa school na kami. Nagtataka nga yung teacher namin kasi excuse daw kami. Hahahaha.
Sa Seoul Garden pala kami kumain sa SM North.
Puro review lang ang ginawa namin para sa Quarterly exam namin sa lahat ng subjects. Tapos maaga din nagdi- dismiss ang mga teacher.
Ang dami din naming quiz sa ibang subjects. Halos lahat pala ng subject may quiz. Ang hirap talaga kapag Quarterly Exams na. Nakakapagod.
Dagdagan mo pa nung Sports Week. Hayst. Sobrang busy.
Magsisimula nanaman ang Hell Week.
~~
After 2 weeks~
~~
Papunta kami ng Team Certified sa bulletin board para tignan ang resulta ng Quarteely Exams. Si Chloe talagang kinakabahan na. Ngayon na kasi malalaman kung sino ang nasa honor roll eh.
Kumukuha ang school namin sa iba't-ibang sections per batch ng top 10.
Hindi ako naka-review kasi kasabay ng Exams ang Sports Week.
Speaking of Sports Week, Champion nanaman ang school namin sa overall ranking. 4 consecutive years na kami nagcha-champion.
Nakarating na kami sa bulletin board at nauna na tumingin sila Chloe.
"Wala ka bang balak tumingin dun?" Si Reigne pala to. Buti nga pumasok siya ngayon eh.
"Wala. Wala naman akong mapapala eh." Totoo naman eh.
"Okay." Sabay pumunta na siya dun kina Hailey.
Umupo muna ako sa bench na malapit. Ayoko tumingin dun. Sure ako na wala ako sa top ngayon dahil sa Sports Week eh.
Nag-basa muna ako sa Wattpad at nakikinig ng music habang iniintay sila.
Nung makita ko silang papalapit sakin, tumayo na rin ako.
"Congrats, Scar!" Yumakap agad si Hera pagka-lapit sa akin.
"Waeyo?" I asked her why.
"Di mo ba alam? Top 2 ka kaya, overall!" Woah. Is she serious? "Congrats ulit! Libre mo kami ah? Pati ikaw, Chloe, dapat libre mo rin kami. Top 1 ka eh." Sabi na eh. Siya ang Top 1. Si Dylan kaya?
"Teka. Si Dylan nasa Top ba?"
"Si Roxas? Oo. Kasunod mo. Bakit mo pala tinatanong? Crush mo? Ayieeee!" Crush agad? Andwae. Isa lang ang gusto ko no? Hahahahaha.
~~

YOU ARE READING
The One Who Stole My Heart
Short StoryDo you ever wish to be that person's special someone? Or to be just his friend? Yung tipong kahit kaibigan lang talaga. Yung kaibigan na nag- uusap, nagtatawanan. Just what normal friends do. Kahit wala nang something sa inyong dalawa. Basta may l...