prologue

50 6 3
                                    

Sa isang parte sa cavite, ay may nagaganap na reunion.
Reunion ito ng pamilyang campbell,
Kilala ang campbell sa pagiging mayaman at sa pagiging matulungin.

Ang founder ng campbell ay si anastacio, nagkaroon siya ng pitong anak. At namatay sa edad na 60. Yumaman siya na walang nakakapagsabi kung bakit, at ang sampu niyang anak ay napamanahan niya ng higit kumulang tig iisang daang milyon. At ang mga anak niyang iyon ay mas yumaman pa.

'Back to the story'

Nagdadatingan na ang mga tao sa lumang mansiyon ng campbell, at andito na ang lahat. Isang beses lang kasi nakokompleto sa isang taon ang campbell dahil na rin sa mga trabaho.
Puro mga bigateng tao ang nasa loob ng mansiyon,   Mapa doctor, attorney, general, business man/women, etc.  nag sama sama sa loob ng lumang mansiyon ng campbell, taon taon din ito kung abangan ng mga  reporter at papparazi, kasi malaking scoop ito. 

Ang mga bata ay naglalaro na agad, habulan, tagutaguan at kung ano ano pa ang nilalaro nila, sa mga kabinataan at kadalagahan naman ay yung mga uso ang napag uusapan, habang sa matatanda ay negosyo.

Kung tutuusin ay malimit naman nila itong nagagawa, pero dahil narin sa kagustuhan ng namayapang anastacio na magkaroon ng reunion para hindi raw magkawatak watak ang pamilya ay sinusunod nila ito,  malaki ang pag galang ng lahat sa founder ng campbell, kaya naman agad nila itong tinugon, at may punto rin naman ang matanda.

Sa pagsasaya ng lahat ay hindi mo mapapansin ang isang batang tahimik sa may upuan na nakakabit sa punong akasya.

Nakaupo lang ang nasabing bata, nagmamasid nakikinig pero hindi gumagalaw. Ang batang ito ay si jm, waring may tinitingnan pero wala.

Ang hindi niya alam, may nagmamasid din sa kanya, si luke na kahit naglalaro ay nagagawa siyang pagmasdan. Labis itong pinagtaka ni luke, sa dami nila ay si jm lang ang nakita niyang malungkot, gusto niyang lapitan ang bata pero hindi niya magawa, bukod kasi sa talagang hindi niya close ang bata ay mukha pa itong isnabero.

"Sino ba iyang tinitingnan mo, pinsang luke?" Wika ng batang nagngangalang frederick, saka sinundan ang tinitingnan ni luke, "ah si jm pala, mabait iyan. Pero talagang tahimik" wika ni frederick.

Napatango tango ang batang luke, saka nagdesisyon lumapit matapos magpaalam sa kalaro.

"Kamusta ka jm?" Bati ni luke.

Dahil galing sa pagtunganga ay bahagyang nagulat si jm, "l-luke" utal pa nitong bigkas dahil sa pagkagulat. 

"Kilala mo ako?" Gulat ding wika ni luke.

"Oo naman, hindi lang kita kinakausap kasi para saan?" Patanong pang wika ni jm.

"Ah, wala naman. Masyado tayong marami para mag solo ka diyan" pasimpleng yakag ni luke kay jm.

"Ikaw na lang ang maglaro, bukod kasi sa wala akong pamalit na dala, wala pang mag aasikaso sa akin" wika ni jm.

"Ah ganun ba, edi hindi narin ako maglalaro" wika ni luke.

"Dahil wala karing dalang pamalit o walang mag aasikaso sayo?" Tanong nito.

"Hindi, para may makasama ka dito. " wika ni luke saka umupo sa bakanteng ispasyo.

Bagaman nagulat sa sinagot ni luke si jm sy nagawa pa nitong ngumiti.

Doon nag simula ang pagkakaibigan ng dalawa.

Im Inlove With My???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon