Baka naman kung mag papaganda ako, magugustuhan ako ni Vicku.
Nasabi ko nalang sa sarili ko habang nakatingin sa harapan ng salamin ng gabing iyon.
Baka hindi nya lang ako napapansin ay dahi kulang ako sa appeal at ganda. O baka naman sa height.
Hay nako bakit naman kasi pinanganak syang 6 feet at 5'4" lang ako?
Pero hindi ako nawawalan ng pag asa.
Hindi dahil sa matangakad sya ay malayo na nya akong magustuhan.Tumayo ako sa harapan ng salamin at umikot saka ko tinignan ang aking sarili.
Sexy naman ako. Dugyot nga lang.
Napabuntong hininga nalang ako nang may biglang kumatok sa labas ng pintuan.
Sino yan?
Pag si Aling perla kasi, agad nalang syang pumapasok samantalang si Jaythan at Galen naman ay tumatawag sakin mula sa labas.
Lumakad ako palapit sa pintuan at dahan dahan itong pinihit saka ako sumilip ng bahagya.
Oh ikaw pala Alexus.
Ngumiti ako sa kanya.
Matagal tagal na rin nung huling sumama ako sa kanya.
Sumama ka sakin.
Sabi nya lang saka lumakad at hindi manlang lumingon kung sumusunod ba ako.Dali dali naman akong nag ayos ng sarili saka nag mamadaling sumunod.
Nakatayo sya sa harapan ng pintuan ng kotse at nag aantay sa akin.
Ngumti ako sa kanya pero hindi manlang sya umimik.
Sungit.
Sabi ko sa sarili ko habang pinag bubuksan nya ako ng pintuan sa harapan ng kotse saka umikot para maupo sa driver seat.
Pinaandar nya ang makina at umalis narin kami.
San tayo pupunta?
Tanong ko sa kanya ng may pag tataka.
Tumingin lang sya sandali sakin ng may halong pagtawa.
Sa shelter san pa ba?
Sagot nya lang sakin.
Nag tatanong lang po.
Sabi ko saka ko ipinag krus ang aking balikat habang nakasilip sa tinted na bintana ng kotse.Nag karoon naman ako ng idea na sa shelter kami pupunta.
Pero hindi kasi ako mabilis maging pamilyar sa lugar lalo na sa daanan kung gabi at umaga ang ipag kukumpara.
Iba parin ang itsura pag umaga dahil sa mga kulay at nag sisilabasan na mga establishments na hindi ko nakita ng gabi dahil madilim.Lumiko na kami sa isang kalsada at nakita ko na ang shelter kung saan kami pumunta noon.
Pinark na nya ang kotse sa harap saka bumaba at naiwan lang ako sa loob.
Jusko. Sana kaya komg buksan yung pintuan nito.
Nasabi ko nalang sa sarili ko saka ko sinubukang buksan.
Ayaw. Hay naku lagi nalang.
Alam ko marunong naman ako mag bukas ng pintuan pero bakit ngayon ay hindi na?
Kumakatok ako sa salamin ng kotse at umaasang mapapansin ako ni Alexus na nakikipag usap sa isang babae sa harapan ng pintuan ng shelter.Napansin nya naman ako at nakasimangot na lumapit sa bintana.
Ano?
Tanong nya sakin.
Nakita ko rin ang babaeng kausap nya na sumulip mula sa pintuan ng shelter.
Ayaw mabuksan.
Sabi ko sa kanya at pinag pipilitang itulak ang pintuan.
Napahawak sya sa noo nya saka tumingin sakin na parang bang nag bibiro ka ba?
Tinuro nya yung isang maliit na pindutan sa gilid ng bintana.
Pindutin mo po yung lock.
Sabi nya saka muling tinuro ito.
Pinindot ko naman yung lock habang nakahawak sa hawakan ng kotse ar isang click ang narinig ko.
At sa isang iglap nalaglag ako sa pintuan ng kotse.
Bakit ko nga ba hinawakan yun, natural bubukas yun.
Tumayo ka nga jan.
Sungit na sabi nya.
Naka krus lang ang mga braso nya habang nakatingin sa akin na nakaupo sa gilid ng kalsada.Tumayo ako saka nya pinag pag ang dumi sa aking sleeves at tuhod.
Sa susunod kasi, mag ingat ka. Kaya ayokong sinasama ka sa mga bagay bagay eh. Kaylangan mo pang alagaan.
Sabi nya sakin.
Nakasimangot lang ako habang nakatayo sa gilid nya na inaayos ang itsura ko.
May masakit ba sa'yo o wala?
Tanong nya sakin na chinicheck ang mga tuhod at siko ko.
Umiling lang ako saka nya inilahad ang kanyang kamay.
Tumingin lang ako sa kanya.
Hawak.
Sabi nya habang nakatingin sa akin na nakatunganga lang sa kanya.
Sabi ko hawak.
Dahil sa takot ko sa kanya ay napilitan akong humawak sa kanya saka kami lumakad.
Bakit mo pala ako sinama kung alagain pa ko?
Tanong ko sa kanya na diretso lang ang tingin habang paakyat kami ng hagdan papasok ng shelter.
May ipapagawa ako sa'yo.
Sabi nya lang sa akin saka binuksan ang pinto.
Tumambad sa aking ang patong patong na cage para sa mga alaga sa shelter.
Anong meron?
Tanong ko sa kanya na isa isang chinickeck ang mga aso't pusa na mukhang tuwang tuwa ng makita sya.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romansa#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...