'Til The End

7 1 0
                                    

A/N: Enjoy my first wattpad story!

Sammy's POV

"Let's end this." sabi niya na diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"End what?" Pagmamaang maangan ko. I can't believe he is saying this!

"You know what I'm talking about Sammy. Let's end this relationship. Ayoko na. Hindi ko na kaya!" Sabi niya, emphasizing the last sentence.

"Susuko ka ng ganun lang? Wow naman Neil! Sa halos dalawang taon natin ngayon ka pa susuko? Hindi mo na ba ako kaya ipaglaban, huh? Is that what you mean?" Naguguluhan kong sabi.

"Yes, maybe."Pabulong na sagot niya ngunit malinaw ko pa ring narinig. This time, hindi na siya nakatingin sa mga mata ko. Nakayuko lang siya.

Nilapitan ko siya. Sapat para mahawakan ko ang kaniyang mukha. He can't be serious. Kilala ko siya, hindi niya ako susukuan. Hindi niya kayang gawin sa akin 'to. I lifted his face to meet my eyes. Malungkot. Malungkot ang mga mata siya.

"You're not breaking up with me, Neil. Walang sapat na rason para sumuko. Andito ako, hindi ako mapapagod na ipaglaban ka. Ako ang lalaban para sa ating dalawa. Just please, stay with me." Pagmamakaawa ko. May mga luha nang nagbabadya na kumawala sa mga mata ko. Hindi, hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak dahil hindi totoo 'tong mga nangyayari. Walang dapat iyakan.

Hinawakan niya ang mga kamay kong nasa pisngi niya.

"No. Tama na ang dalawang taon. Wag na natin pahirapan pa ang sarili natin." Diretso ang tingin niya sa akin at may determinasyon sa boses niya. Determinasyon? Tila ba'y pinilit niyang sabihin ang mga salita na iyon nang hindi nagpapakita ng pagsisisi. Umiling ako.

"You can't leave me." Nanginginig ang boses nang bitawan ko ang mga salita.

Pumikit siya ng madiin. Hindi ko mawari kung anong emosyon ang mayroon siya ngayon. Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko na nasa pisngi niya at kasabay nito ang lalong pagdiin ng pagpikit niya. Hindi ko inasan ang sunod niyang ginawa.

"Ah!" Bumagsak ako sa sahig.

Tinulak niya ako. Tinulak niya ako nang pagkalakas lakas. Anong nangyayari sa kanya? Ni minsan hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Ang sakit ng pwet ko dahil sa pagbagsak pero mas masakit ang puso ko.

What's worse than physical pain? Emotional pain. But to experience both at the same time brings it to another level of pain.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat sa ginawa niya. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin din siya sa akin at mukhang gulat din?

"You pushed m--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya.

"Leave." Mababang sabi niya. Tumayo ako para lapitan ulit siya.

"Nie--" Naka-iisang hakbang pa lang ako ay nagsalita na ulit siya na nagpaatras sa akin.

"I said leave!" Sigaw niya habang muling nakapikit at nakahawak sa ulo niya. Galit ba siya? Nasasaktan? Sa pagkakataon na ito isa lang ang sigurado ako, hindi ko siya mabasa.

Bigla akong binalot ng lamig. Umihip ang malakas na hangin sa direksyon ko na naging dahilan upang tuluyang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Please Sammy leave me alone. Please." Hindi nagbago ang posisyon niya. Nakapikit pa rin habang hawak ang ulo. Ayaw niya na talaga ako makita? Kahit tingnan man lang ako di niya magawa. Parang gripo na ang mga mata ko. Nahihirapan na akong makakita nang maayos dahil sa mga luha na nag-uunahang makawala.

'Til The End (OneShot)Where stories live. Discover now