Trisha's PoVLumabas ako at Pumunta ako sa may Hardin....
"Prinsesa!!'' Tinawag ako ng Isang Prinsipe Si Prinsipe Edward?!Kumaway siya sa akin at Lumapit ako sa kanya pero Bigla akong Natalisod nasalo niya ulit ako....
"Sa Susunod Mag-Iingat ka!" Habang Magka-Lapit ang Mukha namin....
Sumakay ako sa Kabayo niya at Tumungo sa Kagubatan naglakad lakad kami ng Magkasama at magka hawak ng Kamay....
"Nagugutom ka na ba?" Tanong niya sa akin....
"Hindi Kasi Kasama ka!" Ay Maliiiiii Hindiiii!!!!
"Huh?" Pagtataka niya
"Wala uhm sabi ko tingin tayo sa Dinaraanan natin kasi Madadapa tayo hehe!" Tapos Ipinagpatuloy namin ang Paglalakad habang naglalakad kami ay Nagkwekwentuhan Kami....
Bigla Siyang Tumakbo at Nagpahabol Hinabol ko siya at Natumba Kami Pareho Nasa itaas niya ako at Nasa Ibaba siya Tumayo agad ako at....
"Pasensya na!" Tinakpan ko ang Bibig ko.
"Haha!Ayos Lang!" Tumayo siya at Tinanggal ang dumi sa kanyang Damit....
Bigla siyang Sumayaw....Napakagaling niyang Sumayaw Mga Ilang Oras Nagpahinga kami at Naisipan kong Kumanta at Mag Muni Muni....
"Ang Galing mo naman Kumanta!" Bigla Siyang Nagsalita at Natigilan ako sa Pagkanta Nahiya ako....
"Ha?Uhm Salamat Ikaw Rin Ang Galing mong Sumayaw!" Tapos Nangiti lang ako....
"Natutunan Ko lamang ang Aking Pag-Sayaw sa aking Amang Hari!" Tapos ngumiti siya.
"Ang Pagkanta ko naman ay Natutunan ko sa aking Inang Reyna at Amang Hari Parehas silang Magaling Kumanta!" Hindi ako Makatingin ng Diretso....
"Alam mo ba....Kapag Wala akong Ginagawa dito ako Pumupunta sa Gubat na ito?Nakakainip kasi sa aming Kaharian."
Wala ba siyang Kapatid?
"Wala ka bang kapatid?" Tanong ko sa kanya....
"Wala....Ako Lang ang Nag Iisang Anak Nina Ama at Ina Hindi ko na Sila Nakakausap dahil Abala sila sa kanilang mga Ginagawa" Lungkot niyang sinabi....
"Noon Nag Uusap Usap pa kami ng masaya at Hindi Ako Nababagot araw araw pero ngayon hindi na!" Lungkot niyang sabi.
"Ayos Lang yan!Nandito naman ako!" Ngumiti ako sa kanya.
"Teka Iuuwi na kita sa iyong mga kapatid baka Hinahanap ka na Nila nag aalala na siguro sila sayo!Mag Gagabi na!"
Sumakay na kami sa kanyang kabayo.
Pagka Dating namin sa aming Kaharian Naka abang na sa Harapan ng Aming Kaharian ang dalawa kong Kuyang Prinsipe....
"SAAN KA NANAMAN BANG PUMUNTA BATA KA?!" Pag Mamasungit ni Kuya Vincent.
"Kuya Sinisermunan ako!" Sumbong ko kay Kuya Dennis...
"Kuya Umalis Lang naman Siya Saglit at may Kasama naman siya eh!" Kalmadong sabi ni kuya Dennis.
Pasimpleng tawa lang si edward....
"Uhm....Mag-Ingat ka sa Pag Punta sa inyong Kaharian Prinsipe!Hanggang sa Muli nating Pagkikita!" At Ngumiti ako....
"Walang Anuman Basta Para Sayo Prinsesa!" At Hinalikan niya ang aking Kanang Kamay....
Pumasok ako sa loob ng Aming Kaharian at Napansin ni Kuya Vincent na Namumula ang Aking Pisnge....
"Aba...Kailan pa Umibig ang isang Makulit na Prinsesa?" Tanong niya sa akin....
"Wala ka na dun!" Pang-Asar ko sa kanya....