PROLOGUE

2 1 0
                                    



Hanggang ngayon hindi ko pa din natatapos ang sinusulat kung kwento, paulit ulit na lan----

*toktoktok*

agad akong tumayo ng marinig ko iyong katok, at agad na binuksan ang pintuan..

pero si Aleng Martes lang pala..

"Ano ka ba namang bata ka bakit hindi ka man lang ba nag lilinis ng bahay mo?!" sigaw sa akin ni Aling Martes kaya napakamot naman ako sa ulo ko

"wala po kasi akong time" nahihiyang sabi ko, lagi na lang sa tuwing pupunta siya dito ay iyon agad ang sinasalubong niya kesyo ganto hindi daw ako marunong mag linis, napakatamad ko daw..

minsan napapaisip ako, lagi niya akong sinasabihan na mag linis eh kung siya na lang kaya mag linis? -____- edi magiging malinis pa bahay ko, eh sa busy ako...

"Nako kung ako ang nanay mo! napalayas na kita! tignan mo kahit sa sarili mo hindi mo man lang magawang ayusan!" sabi pa niya kaya naman mas lalo akong napayuko at palihim kong inaamoy ang sarili ko 


wala namang amoy ah? mabango pa din ako..


"saka nga pala mag kakaroon ka na ng roommates dito kaya ngayon palang mag linis ka na! pati sarili mo!" sabi niya na ikaangat ng ulo ko


"HUH?! p-pero---"


"Huwag ka ng mag pero bukas ang dating niya kaya mag linis ka na!" sabi niya saka siya umalis...

sinarado ko na ang pinto saka ko tinignan ang sala 

at doon ko nakita ang mga kalat,

maglilinis ba ako? oo o hindi?





hindi na lang kaya, nakakatamad...



My Lazy RoommatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon