Chapter 18: Crazy
Dedicated to: lolCHIPS
Phoenix's POV
Nanatili lang akong tulala, walang imik at nag-iisip ako ng paraan kung pa'no kami magkaka-ayos ni Ikumi habang sinasamyo ang sariwang hangin dito sa park.
----------------------------Makalipas ang 5 oras kong
pagmumuni-muni ..
"HAAAAAAAAAAAAAAY! Napaka-lamig. Ang sarap ng simoy ng hangin. Nakaka-relax ng isip. Gabing-gabi na pala. Hinihintay kaya ako ni master? Nag-aalala kaya sya sakin ngayon? Malamang sa malamang, HINDI. Galit nga sayo yung tao bakit pa sya mag-aabalang mag-alala sayo at hintayin ka! Tantanan at mind your own business daw Phoenix, makinig ka nga!" bulong at utos ko sa sarili ko. Muli akong nalungkot sa mga alalahaning iyon. Tama. Siguro nga, kailangan ko muna syang bigyan ng space. Wala pa ngang kami pero masyado ko na agad syang nasasakal. Nasakal sa sobra kong kakulitan. -___-Napagpasyahan ko nang umuwi. At pagkalipas ang 20 minutong lakaran,
nakabalik na 'ko sa bahay nila Ikumi.Dahan-dahang kong binuksan ang gate. Mahirap na, baka ma-istorbo ko pa ang mahimbing na tulog ng mag-ina.
"Haha.. Kapag may nakakita sakin, baka isipin pa nila na myembro ako ng Akyat Bahay Gang. Ang gwapo ko namang magnanakaw 'pag nagkataon." natawa ako sa isiping 'yon.
************
At nasa loob na rin ako ng bahay. Tahimik na, siguradong tulog na sila.Umakyat na 'ko sa taas at dumiretso sa pansamantalang kwarto ko, sa guest room.
Kaagad akong humiga sa kama.
"HAAAAAAAAAAAAAYS!" malalim kong buntong-hininga. Hindi ako maka-tulog!
At umupo akong muli. Nagmuni-muni lang ako, pampalipas-oras. Baka sakaling dalawin din ako ng antok.
Muling sumagi sa isip ko ang una naming pagkikita ni Ikumi. Dito mismo sa bahay nila.
FLASHBACK..
S-sino ka? Nasaan ako? At sino ako?" tuluy-tuloy kong tanong sa kanya nang una ko syang makita.
**************
Sya ang may idea ng astig kong pangalan.
Aha! Alam ko na. Siguradong bagay sayo ang pangalan na to kahit
pa mukha kang koreano.
Maverick Phoenix Riley McCauley
o Phoenix for short. Simula ngayon, yan na ang magiging pangalan mo." Masigla nyang sambit sa akin."A-ako si Phoenix?" ulit kong tanong kay Ikumi.
"Yup. Ikaw nga at wala nang iba."
tugon naman nya."Yun ba ang tinatawag mong pangalan? Ang ganda nga, parang ikaw ate." sagot kong muli. Na-love at first sight ako sa kanya.
"Oo yun nga yun Phoenix. Yan ang bago mong name." Muli nyang banggit sakin.
At ang di ko malilimutang pangyayari ..
"Good night Ikumi. Salamat sa bago kong pangalan at sa masarap na hapunan. Alam mo, ang ganda mo. Gusto kita!" masaya at seryoso kong wika sa kanya at ilang saglit pa'y ginawaran ko sya ng isang halik sa kanyang noo. Ginawa ko yun para pasalamatan sya sa paghahain ng masarap na pagkain, pagbibigay sakin ng bago kong pangalan, at sa pansamantalang pagpapatira nya sakin dito sa kanilang bahay.
END OF FLASHBACK.
Parang akong baliw na bigla nalang ngumingiti ng mag-isa. Maybe yes, I'm madly and crazy inlove with Ikumi.
Maya-maya'y pupungay pungay na rin ang mata ko. At di ko namalayan na nakatulog na rin pala ako sa mga oras na yun.
Author's Note:
Keep on reading
Pentastic guys.. 💚💜
BINABASA MO ANG
Pentastic: The Magical Pen (COMPLETED yet UNEDITED)
Fantasy☆COMPLETED☆ WINNER OF BEST BOOK AWARDS 2017. 1st place in Fantasy. #144 in Fantasy. #208 in Fantasy. #229 in Fantasy. (12-25-17) Highest Ranking: #144 in Fantasy. Isang estrangherang matanda na kay talim ng titig at ubod ng sungit. At isang maga...