CHAPTER 7

168 54 52
                                    

"Mom, I'm alright. Promise. Daplis lang 'to, hindi ako mamamatay dito. And besides, Nasa shop lang naman ako."

Kanina pa nila ako pinipilit na umuwi. Like, hello? Kahapon pa 'ko napasok, nagti-take naman ako ng medicine sa daplis ng braso ko. Kaya sigurado ako na wala na 'to.

"Okay, makulit ka eh... basta pag may naramdaman kang kakaiba sa katawan mo, umuwi ka na ah?" Aniya sa kabilang linya.

Naikot ko nalang ang mata ko at tumingin sa wristwatch ko. 30 minutes na kaming nag-uusap.

"Queenie?"

"Yes, mom. Sure." Pag-sang ayon ko nalang para matapos na.

"Okay, bye darling, take care ah? Loveyou."

"Yeah, bye." Saka ko binaba ang linya.

Kabababa ko lang ng cellphone at gano'n nalang ang gulat ko ng pagpihit ko patalikod ay ang nakangising si Grey ang bumungad sa 'kin habang nakasandal sa kotse niya.

Talagang bumalik pa?

Mabuti na lang at hindi ako warfreak para patulan siya kagaya ng iba. Kaya kahit may malaki siyang kasalanan sa 'kin, palalagpasin ko.

Lalagpasan ko na sana ito nang bigla siyang magsalita.

"I must admit that you're very lucky, Queenie."

Hinarap ko siya at masamang tinignan. Napansin ko ang benda sa kamay niya, may band aid din siya sa noo pero bilib din talaga ako na nagagawa niya pang guman'yan sa akin? I think, kulang pa ang tinamo ng hayup na 'to.

"And so? Unlike you, Loser." Nanunuya 'kong sabi pero imbes na mainsulto, tinawanan niya lang ako na lalong kinainis ko.

"That fucktard devil... I swear, one day I'm going to rip his fucking body..." nanggigigil niyang bulalas.

Humalikipkip ako at tinaasan siya ng kilay, "Por que naisahan ka? Try killing me again and I'll slash your face with a knife." Banta ko rito pero. Sumeryoso lang siya ng tingin sa akin, aaminin kong bahagya akong kinabahan.

Hindi ko alam kung sineryoso niya ba ang banta ko pero... hello? Do I look Like a criminal like him na kayang gumawa no'n? He's an idiot.

Nang mapagtanto kong mukhang wala na siyang balak na magsalita ay nag-lakad na 'ko pabalik ng shop pero agad ding napatigil nang muli na naman siyang magsalita.

"You wanna know something interesting? Come with me." Walang emosyon niyang sambit.

Kumunot ang noo ko sa kan'ya at sasagutin na sana siya nang maisip ko ang tungkol sa issue ng pamilya ko. Sigurado akong may alam si Grey tungkol sa 10 million na kinuha ni daddy. Maybe he can tell me the answers that bothers me.

But still, I don't trust him.

-_ -_-_-

"Now, tell me everything you know."

Huminto kami sa starbucks coffee. Parehas kaming umorder ng maiinom. Pero para malinaw, hindi ako sumama dahil gusto ko lang, this is about my family issue that I want to know.

"Too fast," nakangising aniya na kinunutan ko lang ng noo.

"Hindi ba ‘yun naman ang dahilan kung bakit ako sumama?" Sarkastiko kong sabi.

Hindi ako pwede magtagal lalo na at hindi ako nagpaalam kay Cassidy. Sa madaling salita, tumakas lang ako.

"Didiretsuhin na kita, Mr. Grey Falcon. Saan dinala ni Daddy ang 10 million? Nabanggit mo sa aking alam mo ‘yun." walang paligoy-ligoy kong tanong sa kan'ya.

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now