Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Kabanata 4

136K 5.1K 2.1K
                                    

Kabanata 4

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap nang may magbuhos sa ulo ko ng malamig na juice. Nilingon ko agad iyon.

"Threya!" sigaw ni Hanna.

Malakas na nagtatawanan ang grupo nina Ella. Ipinikit ko ang mata at lumunok.

Kalma, please...ayaw ko patulan.

"Ella, ano ba?!" sigaw ni Hanna, mas apektado pa sa akin. "Hindi na tama ang ginagawa n'yo!"

Humalakhak si Ella, kasama niya sina Pauleen at ang hindi ko na kilala pang dalawang babae. Nagtatawanan sila habang nakatingin sa akin, at nakuha noon ang atensyon ng mga estudyante sa cafeteria.

"Huwag kang makialam, Hanna! Baka pati ikaw buhusan ko ng juice!"

Ngumiti na lang ako kay Hanna at umiling, tumayo ako at pinunasan ang mukha ko gamit ang aking palad. Mahirap na at baka madamay pa siya sa kagagahan nila.

Hinarap ko si Ella at ang mga kasama niya. Higit na matangkad ako sa kanya, kaya ko siyang itulak at saktan pero hindi ko gagawin iyon. Naaawa na lang ako sa kanya, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nakakainis! Ang laki ng problema niya, bakit hindi siya magpalipat sa section ni Spiral para magpapansin!

"Bakit, lalaban ka?" Nagtaas siya ng kilay.

Ngumiwi ako. "Oo, pero naaawa ako sa 'yo kaya hindi na lang."

Kumunot ang noo niya at halatang nagpipigil ng galit. Tinulak niya ang balikat ko. Napaatras lang ako nang kaunti at tiningnan siya nang matalim.

"Lumaban ka! Malandi ka! Sabi ko na nga ba may tinatago kang landi! Ngayong mayroong mga lumalapit sa 'yo, sinusunggaban mo agad lalo pa't mayaman si Spiral!"

"Gold digger!" gatong ni Pauleen.

Nag-init ang tainga ko. Para akong sinisilaban ng apoy sa inis, pinigilan kong mabuti ang sarili kong manakit. Ano namang kinalaman noon sa kayamanan ni Spiral? Hindi ako ganoon tao at tinulungan lang naman ako ni Spiral, dahil din sa kanya iyon! Tinulak niya kasi ako!

"Ano bang pinagsasabi n'yo? Ella, tigilan mo ako. Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo, magpasalamat ka pa nga at nakakapagpigil ako sa kagaspangan ng ugali mo!" kalmado kong sinabi pero sa loob ay inis na.

Naghiyawan ang mga kaibigan niya at nagkakantyawan na itulak daw ako ni Ella kung kaya nito. Seriously? Anong klaseng mga kaibigan sila? Hindi na sila naawa kay Ella 'pag hindi ako nakapagpigil.

"Tigilan mong lumandi kung ganoon! Alam mo namang marami kang makakalaban kapag nilandi mo si Spiral, tapos ngayon si Reitius naman! Papansin ka rin talaga, Asthreya!"

Kumunot ang noo ko.

Si Reitius? Ngayon ko lang nalaman na nilandi ko pala iyon? Nagtanong lang ng room number! Ibang klase talaga mag-isip ang immature.

Napailing ako at natawa. "Oo na, Ella. Masaya ka na? Malandi ako, ikaw lang nakakaalam." Tinalikuran ko na sila.

Panay ang pagbuga ko ng hangin habang naglalakad. Nagtatabihan naman ang mga nagkukumpulan sa amin. Grabe, hindi ko na talaga alam ang magagawa ko kapag nangyari ulit ito.

Napahinto ako sa paglalakad nang may humarang sa dadaanan ko, at nag-angat ako ng tingin. Si Reitius, at nagulat ako nang mag-abot siya ng panyo sa akin.

"Salamat na lang," tanggi ko roon.

Bigla ay siya mismo ang nagpunas noon sa pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Akmang iiwas ako ay biglang may humawi sa kamay niya.

Isla Verde #1: One Sweet DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon