Josh Angelo
"GELO wake up!" isang pamilyar na boses ang gumigising saakin. Hindi ko minulat ang mga mata ko at nagtakip ng unan.
"Ang aga pa para sa school ee." nag takip din ako ng comforter medyo nilalamig ako kaya kinapa ko ang remote ng ac sa kama ko.
"Ito ba hinahanap mo? Bumangon ka na kasi." akmang hahablutin ko na yung remote pero kamay niya pala ang nahablot ko. Hindi na ako gaanong makagalaw. Basta ang alam ko lang, katabi ko siyaㅡ si Lei.
"Let's stay like this for a moment. Please." niyakap ko siya ng walang pag dadalawang isip. Naramdaman ko nalang din ang mga braso niya na yumayakap sakin. Masyadong gayshit pero mahal ko ito, itong taong katabi ko.
"Akala ko mag ja-jogging tayo?" mahinahon niyang sabi. "Saturday kaya ngayon, tsaka sabi mo rin kahapon ih." she said caressing my back. She's damn caressing it.
Minuto ang lumipas bago ko napagpasyahan na tumayo pero hindi ko mapigilan di tumitig sakanya, mukhang nakatulog na rin siya. Dahan dahan kong hinaplos ang buhok niya. Ngumiti ako at hinagkan siya sa noo.
"Tulog mantika." pabulong na sabi ko.
Kinuha ko ang nike rubber shoes ko sa ilalim ng study table ko. Hindi na ajo nag palit ng damit dahil naka orange longsleeves at naka white jogging pants. Agad kong sinuot ang rubber shoes at nag tungo sa direksyon ni Lei. "Tsk. Akala ko ba mag ja-jogging tayo? Tapos natulog ka diyan." akmang tatalikod na ako ng bigla siyang nagtatalon siya sa kama ko.
"So.. tara na~" masigla niyang sabi. Tumango ako. Agad siyang bumaba sa kama ko at sinuot ang rubber shoes niya.
-
"One. Two. One. Two." we said in chorus while performing a high knee march. Hindi lang kami basta tumatakbo dito, nag ka-cardio workout din kami.
Siguro'y mag iisang oras na kaming paikot ikot dito sa may park. Nang mapagod kami ay napag pasyan namin na mag gala muna sa mall muna at kumain. Nag paalam na rin ako kay Mama siya naman ay nag paalam sa pamilya niya. Naglakad na kami ni Lei papuntang mall malapit lang naman at wala rin naman kaming dalang wallet tanging ang credit card lang sa phone ko.
"Si Sophia." ani Lei.
"Nasaan?" tanong ko.
"No. No. I mean girlfriend mo ba talag siya?" aniya ng hindi tumitingin saakin at tanging sa sapatos niya lang. Napansin ko rin yung kwintas na binigay ko sakanya.
"Si Jayson. Kaano ano mo?" pagbalik ko ng tanong sakanya. "Boyfriend mo?" dagdag ko pa.
"Hmp! Hindi mo pa nga ako sinasagot!" pagmamaktol niya. Agad naman akong napangiti.
"Bakit? Nanliligaw ka Lei?" pag sundot sundot ko pa sa tagiliran niya. Ngumiti ulit ako at hinila ajg kamay niya. Tumakbo kami ng mabilis, sa bilis na kaya namin.
Wala munang pagpapanggap ngayon at lalo ng walang sabit. Walang Sophia Atienza at lalo ng walang Jayson Fortaleza.
"Teka Gelo time-out muna." hingal na hingal niyang sabi. "Pwede water? Pleaseeeu." pinagdikit niya pa ang mga kanay niya at ngumuso nguso.
Buti na nga lang at nasa tapat kami ng isang convinence store. Madali akong tumawid at pumasok sa loob. Pumunta ako sa mga drinks. Kumuha ako ng blue na lychee ang flavor, kumuha rin ako ng ice cream dalawa at nag tungo na sa cashier para bayarin yung mga kinuha ko. Pag ka bayad ko'y agad akong lumabas at tumawid nakita ko naman siyaㅡ si Lei na kumakayaw sa direksyon ko. "Oh. Ito oh, tubig at ice cream." inabot ko iyon.
Umupo ako sa kaharap na upuan at binuksan ang ice cream ko, tinikman ko iyon at nagustuhan ko naman ang lasa. "Masarap ba yan?" tanong ko sakanya. "Chocolate ang flavor ng akin." dagdag ko pa.
"Hmm. Masarap. Strawberry." aniya't dinama ang lasa nito.
Matapos naming kainin ang ice cream namin ay naglakad na kami patungo ng mall dahil malapit na rin naman kami duon. Nang makarating kami duon napagpasyahan na din naming bumili ng damit dahil pawisan na kami at kabilinbilinan din ni mama na wag kaming mag papatuyo dahil pneumonia ang aabutin namin at pwede pa iyong makamatay. Ito namang si Lei ewan ko lang kung saan ang sira nito at naka uniform pa at headband, ako naman puting tshirt at pants lang kung saan ako kumportable ay ayos na yuon para saakin.
Dahil wala rin naman kaming ginagawa, napagisipan naming mag arcade dahil din daw na gusto niya ako makitang mag basketball kaya naman bumili kami ng sampung tokens at naglaro minsan nga'y chini-cheer pa niya ako. Matapos namin sa pag ba-basketball ay dumiretso si Lei sa may just dance. Pft. Seryoso?
"REALLY?"
"Gelo please ngayon lang naman to ee tsaka nine tokens lang o." nagpacute pa siya at ngumuso nguso. Tinanguan ko siya at nagtungo sa cashier para bumili ng tokens bumili na ako ng pack yung isang daan buti na nga lang at tumatanggap sila ng credit card mula sa mobile. Pinuntahan ko si Lei sa kinatatayuan niya at nakita siya na tila nag pa-practice.
"Ito oh ihulog mo na jan," binigyan ko siya ng siyam na tokens, agad niya naman iyong dinakma at ihinulog sa machine.
"Ayos lang ba sayo yung kantang Starships?"
Hindi ko mapigilang hindi tumitig sakanya. Tinignan ko siya sa mata, may mga bagay akong gustong sabihin sakanya pero hindi ko makayanan. Gayshit daw ang katorpehan pero hindi lang naman babae ang nasasaktan kapag nare-reject. Ngayon pa ba ako aamin kung kailan mukhang huli na ako dahil masyado na silang malapit ni Fortaleza sa isa't isa.
"Helluuu~" agad namang nagising ang isip ko dahil kumakaway kaway pa siya at dahil din sa tono ng hello niya. Cute.
"Oo kahit ano sakin, basta ikaw."
Hinayaan ko nalang muna siya magsayaw, nasa likod niya lang naman ako at nakaupo sa sahig pero hindi ko na napigilan ang sarili ko at nag punta ako sa may videoke, gusto kong umamin sakanya kahit hindi personal basta mararamdaman niya na kahit sa kanta lang mararamdaman niya. Maghulog ako ng token sa videoke at pumili ng kanta, Let me be the one. Naririnig ko lang ito kay Ivan pero bumagay kay Lei at sa nararamdaman ko ang kanta kaya ito ang napili ko.
Please Lei. Let me be the one.
BINABASA MO ANG
Falling in Love to a Childish [COMPLETED]
Historia Corta#ShortStory Falling in Love to a Childish is a typical highschool love story wherein Josh Angelo falls in love with the daughter of his mother's friend, Rebecca Lei. All Rights Reserved Started: Apr 2015 Finished: Jan 2016 Written by: kyungyyyy