Chapter 18: Partners

302 9 0
                                    

"Kunwari, masaya ako…Kunwari, okay ako…Kunwari, wala akong problem… okay lang ba kung isipin kung kunwari mahal mo ako? Kunwari lang naman e." Angelo

Josh Angelo

Nasa corridor pa lamang ako ay dinig na dinig ko na ang ingay mg mga kaklase ko, siguro may pinagpupustahan nanaman sila o nag lalaro ng Moba. Yun ang kadalasang ginagawa ng mga lalaki sa room namin. Sa classroom namin, parang walang mga babae dahil napaka hinhin nila halos hindi na nga siguro sila kumikibo, may ibang maiingay pero mas madami pa rin ang tahimik lang.

Pag-apak ko pa lamang ng classroom ay biglang tumahimik ang lahat at nakatingin sila saakin siguro ay inaakala nila na isa akong teacher, duon lamang naman sila tumatahimik. Kapag may teacher o lahat busy dahil sa mini thesis na pinapagawa samin, isang taon nalang at grade 11 na kami.

"May dumaan bang Anghel, 10a-c?" tanong ko, bigla naman akong napagawi ng tingin sa upuan ni Lei, hindi siya nakatingin saakin at naka earphones na rin siya nahawa na siguro ni Fortaleza. 3 weeks na rin siguro ang nakalipas ng huli kaming mag usap at yuon ay nuong pinakilala ko si Sophia bilang girlfriend ko pero sa totoo napagkasunduan namin yun dahil may nag post ng picture namin ni Lei sa website ng school.

"Angelo ka daw kasi! Pupusta ka ba? Mananalo na ako!" sigaw ni Roales. Pero hindi ko kuna siya pinansin at nagtuloy tuloy nalang ng pag lalakad palunta sa upuan ko, katabi ko si Sophia. Naka earphones din siya kaya kinuha ko ang isa at nalinig din sa music na pinapakinggan niya. Pinatong ko ang ulo ko sa lamesa at pumikit.

Habang nag lalakad ako kanina papunta sa room, nakasalubong ko si Mr. Reyes at sinabing hindi daw muna siya magbibigay ng activity pero hindi ko na ia-announce dahil mukhang hindi naman sila makikinig.

"Nagawa mo yung report?" Tanong ni Sophia.

Itinaas ko ang ulo ko at tumingin sa pwesto ni Fortaleza,

"Si Fortaleza pag report-in mo."

"Aish. malapit na ang JS Prom, may plano ako, Josh." pinatong niya ang kamay niya sa mga kamay ko.

"Parang gusto ko na itigil. Wala naman siyang pinapakitang signs e," huminga ako ng malalim at tumayo, balak ko sana umuli muna sa labas tutal wala namang mag le-lecture.

"Josh! Malapit na tayo, malapit na! ngayon ka pa ba susuko?" singhal niya na dahilan para pag tinginan kami na loob ng room.

"magbbreak na yan!"
"noooo!"

unti-unting umingay ang loob ng room namin. tsk. ma we-website nanaman kami nito.

tumalikod ako sakanya at naglakad palabas. narinig ko ang tunog ng sapatos ni Sophia kaya alam kong sinusundan niya ako.

"Josh Angelo!" sigaw niya.

patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa gymnasium ng school. humarap ako sakanya at muling nagsalita.

"Pagbibigyan kita, ipangako mo na huli na 'to." kalmado kong sabi.

"I promise, Angelo. Please be my prom date, alam kong wala ako sa lugar na sabihin yun pero kakapalan ko na ang mukha ko. Please."

tumango nalang ako bilang pag sang ayon.


Kasalukuyan akong nasa Coffee Shop dahil napagkasunduan namin na simulan na ang report ng grupo namin.

habang hinihintay ko sila, as usual um-order muna ako ng Latte Macchiato, sinimulan ko na rin na mag research para hindi gaanong madami ang gagawin namin mamaya.

"Gelo! hihihi ^^," isang pamilyar na boses ang tumawag saakin si Rebecca.

teka anong ginagawa niya dito? bigla nalang ako napangiti dahil sa mga iniisip ko. teka din, bakit ang ganda niya naka polka dots na dress siya. tatayo na sana ako ng may lalaking pumasok sa shop. Tsk

"Loves,"

biglang uminit ang ulo ko ng makita kong hinawakan niya ang kamay ni Lei. nakatitig lang ako sa kamay nila at kung ano ano nanaman ang iniisip. Halo halo na ang mga iniisip ko kaya siguro bigla akong nakaramdam ng hilo.



"Baby, are you alright?"

"Sophia, andiyan ka na pala," hinawakan niya ako sa braso at i alalayan paupo. Salamat sa pagligtas sa akin. Babae pa talaga ang nagligtas saakin. Napaka duwag mo.

Pinaupo ako ni Sophia at pinainom ng Latte. Hinaplos haplos niya lang ang mga kamay ko, habang patuloy parin ang pagikot ng paningin ko.

"Hindi naman siguro masama na sinama ko ang girlfriend ko?" ani Fortaleza

ah sila na. HAHAHAHA q^qo sila na.


Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Sophia at itinaas ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. "Ayos naman, para di kami gaano mahiya."




"Kami na ni Rebecca, kahapon pa." pagmamayabang niya.


"Kami last week."


"Baby, order tayo." biglang sabi ni Sophia. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko na tila pinapatayo rin ako. Pumunta siya sa counter at agad kong sinundan.


"Ayos ka lang?" tanong niya

"Nahihilo ako." sambit ko

"Umuwi ka na, kami na ang bahala,"

**

"Angelo?"

"I'm sorry Ma," nasa restaurant kami ngayon, maluwag luwag kasi ang schedule namin ngayon.


"Malalim yata ang iniisip mo anak. Don't stress yourself too much, malapit na ang prom niyo." hinaplos niya ang pisngi ko.


"Thanks Ma," ngumiti ako at pinilit na kalimutan muna ang mga nangyari.



"Junior & Senior Promenade, August 12, 2017,"

Lahat nag sasaya habang ako naandito lang, pinagmamasdan sila. First time nangyari to sa Highschool Life ko a. Himala na 'yon?



"Angelo! BAKIT HINDI KA NAG SASAYA HELLO! PROM TO!" sigaw ni Ivan, sobrang lakas ng tugtugin dito nakakarindi nagmukha tulo'y sira ulo to.


Umiling lang ako sa kaniya, nakita ko naman si Sophia na papalapit saakin.




"Wag ka malungkot Josh, prom to magsaya ka." uminom siya ng juice.


sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya na alam kong sobra niyang kinagulat.

"Mas gugustuhin ko matulog sa bahay." kinusot kusot ko ang mata ko, tss nahihilo nanaman ako.

"Sumasakit ulo mo?" aniya't uminom muli ng juice. "Pansin ko palagi na yan, pa check ka na."


"Stress lang 'to"

"HAHAHAHA whatever, wag ko gaanong dibdibin yung relasyon ni Rebecca at Jayson. okay? Madami pa diyang iba. Dun lang ako."

Nahagip ng pansin ko si Rebecca dahil sa lavender na cocktail gown niyang suot. Tumatakbo siya palabas habang nakatakip ang panyo niya sa bibig.

Agad kong nakita si Fortaleza na sinusundan siya kaya agad akong tumayo ay pinigilan siya.

"Hayaan mo na muna siya."

Falling in Love to a Childish [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon