The Website

20 0 0
                                    

Hi, ako nga pala si Amber Rodriquez na nakatira sa Quezon City. Nandito ako ngayon sa kwarto ko nagtatambay buong araw, wala akong ginawa kundi magbabad sa cellphone ko. Di ko inaasahang may bibisita sa akin sa araw na ito dahil ang alam ko ay nagbabakasyon ang aking mga kaibigan sa ibang lugar so sa pasukan lang kami magkikita pero isang buwan nalang at magkikita na rin kami ulit. Nagulat ako ng biglang may kumatok sa aking pintuan na hindi man lang ako hinintay para buksan ang pinto , biglang pumasok ng basta basta sa aking kwarto si Tammy Fuentes. Siya nga pala yung bestfriend kong di umalis para magbakasyon dahil ayaw daw niya akong iwanan dito mag isa at alam niyang boring pag wala akong kasama dito sa apartment ko. Oo sa apartment ako ngayon tumira dahil malayo yung papasukan naming .university sa bahay namin kapag may okasyon lang ako umuuwi sa bahay dun sa Laguna. Hindi  naman malayo ang biyahe papunta doon galing dito dahil mabilis ang pagpapatakbo ng bus at mabilis ang oras.

Nandito kami ngayon ni Tammy sa kwarto ko. May pinakitang website si Tammy sa akin na kung saan may nakakachat kang stranger, di mo kilala yung kausap mo dahil ang mga taong iyon galing sa iba't ibang bansa tulad ng India. Ang sabi niya sa akin ay subukan namin tong website na to dahil baka dito namin makilala yung makakatuluyan namin hanggang sa huli.

"Bes tara subukan na natin tong website hihi excited na ako" sabi ni Tammy

Nag thumbs up ako sa kanya at pumunta na sa kanyang tabi 

Sinimulan na namin ang pagsearch sa website sa laptop ko at nagsimulang makipag usap sa taong di namin kilala. 

"Bes ano yung sasabihin mo sa kanya?" tanong ni Tammy

"Bakit ako tinatanong mo? ikaw kaya yung nakikipag usap sa kanya dyan" sagot ko

"Eehhh bes , sige na!  Tulungan mo ko dito kasi english oh manonosebleed ako nang wala sa oras eh charrr. Basta sige help me ha" pangungulit niya sa akin.

"Okay okay sige" sagot ko.

Nagulat ako na biglang sumigaw tong si Tammy. Nako ang sakit sa tenga bes kung alam niya lang.

"Bakit ka ba sumisigaw? Mabibingi ako sa sigaw mo eh" pagsusungit ko.

"Kasi bes dinisconnect ako ng kausap ko huhu helppp" sagot niya.

"Ah edi maghanap ka ulit ganun lang naman kadali yun diba" sabi ko

Naka ilang stranger na siyang na disconnect ang pag uusap nila pero may isang tumagal at napaganda ang usapan nila. Nalaman ko kay Tammy na ang kausap niya ay isang Pilipino kaya tagalog na silang nag uusap imbis na english. Biglang may tumunog sa cellphone ni Tammy nang tingnan ko ito ay tumatawag pala ang kanyang mommy kaya inabot ko to sa kanya.

" Mommy! bakit po?"

"Ah sige po uuwi na po ako, hintayin nyo po ako dyan mommy"

(Ang mga sagot ni Tammy sa Mommy nya nang kausapin niya ito sa cellphone niya)

"Ahh bessy mauna na ako ha may lakad daw kami ng pamilya ko eh. Sige sayo na yang kausap ko ha kausapin mo ng maayos, irereto ko na siya sayo. Bye bes!" paalam niya.

" Hah? Sige sige. Sabi mo ha sa akin na tong kausap mo, ako nang bahala dito sige ingat ka bes" sabi ko.

Nakita ko sa screen ng laptop na ko , hindi niya pa naidisconnect. Nag usap kami ng matagal hanggang sa sinabi niya na gusto niya akong makausap out of this jail. Napaisip pa ako sa ibig sabihin ng sinabi niya pero yun pala ang gusto niya ay makausap ako sa ibang social media accounts. Binigay niya ang Facebook, Twitter at Instagram name niya pati na rin ang phone number niya kaya sabi ko na ako nalang ang mag add sa kanya. Nadisconnect na niya dahil may lakad daw siya kaya text ko nalang daw o message sa FB niya.

Out Of This JailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon