Kahapon lang natapos ang graduation namin which means na ngayong araw simula na ng bakasyon ko!!! Maraming pwedeng gawin kapag summer! Swimming, puntang probinsya, gala, tulog, kain etc. but for the mean time…
“Ma! Labas po muna aketch ha! ‘Dun lang naman sa park!” Pagpapa-alam ko kay Mother Earth. :’)
“Geh! Gorabels na you! Ingat-ingat lang! Babayu!” Oha! Lufet ng Mama ko ‘no? XD
So ayun, dumiretso na ako sa park para tumambay! Bumili rin ako ng ice cream tapos naupo sa may bench, nakakatuwa pang tignan ‘yung mga bata naglalaro! Takbo dito, takbo ‘dun! Hala sige! Ariba! Sa kaliwa at kanan ko meron ding naghaharutang mga couples! Geh i-push ang lampungan! PDA lang!
SA KANAN:
“Babe naman iihhh! Nakikiliti ako!”
“Babe, your smell. So addicting.” Sige lang kuya! Lamutakin mo pa!
“Enebe! Babe! Hihihi!” Tss. =___=
SA KALIWA:
“Emegesh Sweetheart! Why so wild?!”
“I want you now Sweety, rawr.” Hala! Lion chuchu lang ang peg? O___O
“Later Sweetheart, in my condo—“ O.M.G! <( O___O )> Masyadong censored sila kuya at ate!!! Haisst! Ginagawang RATED XPG ang story ko? -___-
Bakit ba ako nakikinig sakanila?! Well, isa lang naman ang dahilan guys… INGGIT! Yep! Matinding inggit! Kasi wala pa akong lovelife! Hindi ko man lang naamin sa lalaking gusto ko ang nararamdaman ko hanggang ngayon. Magka-college na kami at—POTA!
“Hulaan mo kung sino ‘to!” Lintek! Paiyak na ako kuya tapos tatakpan mo pa mata ko! Langya ka! Kakaiba pa boses niya guys! Pang-monster! Grr! Hindi pa naman uso saakin ang hulaan kung sinong walang hiya ang sumubok na takpan ang mata ko kaya…
“What the hmff! Ouch! Huhu, ouch! Ansakeeeet! T^T” Kinurot ko siya to the highest level kaya agad siyang bumitaw saka naglumpasay, hahaha!
“Ano?! Masakit ba? Buti nga say—Ay! S-sorry Jake! Ikaw kasi eh! Sorry!” GHAD! SI JAKE NAKUROT KO?! WAAAH! AMBOBO KO! >___<
“Ang sakit…” Umupo siya sa tabi ko.
“Sorry talaga Jake, gusto mo i-kiss ko? Ay! Gusto mo ng ice cream? Sayo nalang ‘to oh—ay shunga! May laway na pala ‘to! Gusto mo bilhan nalang kita? Anong flavor—“ HOLY COW! Anong ginagawa mo Jake?! Waaah! D-dinilaan niya ang ice cream ko!
“Jake! Bakit mo—!”
“Ayos lang ‘yun April, mahal naman kita eh.” Nanlaki ang singkit kong mga mata.T-totoo ba ang sinabi niya? M-mahal niya ako? Hindi ako makagalaw sa pwesto ko… Siya kasi ‘yung sinasabi kong lalaki na gusto ko.
Papalapit na siya ng papalapit, ramdam ko na ang hininga niya… GHAD! Matagal ko na ‘tong pinapangarap! Pipikit na ba ako? Bago ko pa malaman ang sagot ay tuluyan na akong pumikit habang hinahantay ang kanyang malambot na labi…
.
.
.
.
.
.
.
.