Ces || That Twisted Love Story

837 23 6
                                    


LAST STORY SYNDROME

Hi po Ate Rayne Mariano a.k.a ulan a.k.a pilosopotasya

Ako nga pala si- itago na lang natin sa pangalan na "Rac"

Sorry po di nakakadedicate ang ios version ng ipad ko at outdated pa ang wattpad ko. Iyak ;-;

Pero promise po, kapag nakacomputer na ako, siguradong dedicated ito sayo <333

Eto na po talaga magstastart na ako ng pageexplain at pagdadrama sa story mong TTLS dahil kakatapos ko lang nito kanikanina lang at hindi na ako makapagtimpi ng feelings ko. Kaya po lahat ng mababasa niyo dito ay impromtu at sabog dahil hindi masyading edited xD pero may effort po :">

____________________

Kung napapansin mo man po, kakasimula ko palang magfangirl sayo dahil sa 23:11, 11/23 and so on. Naisip ko na hindi talaga ako makaget over sa galing ng writing style mo at sobra akong naiinspire sa mga stories mo dahil nakakakurot po talaga sila sa puso ko. Grabe po hindi sana ako makakaget over sa Rico Dirham na iyon!

Simula noon, napapadalas na yung pagtitig ko sa profile niyo hanggang sa nahanap ko na lang ang sarili kong natapos na ang AFGITMOLFM at nabili na ang libro ng 23:11.

At binoost ko pa ang sarili ko na maghanap hanap pa ng tungkol sa "Rayne Mariano" na ito.

That Twisted Love Story

Ano nga ba yung unang pumasok sa isip ko nung makita ko ito sa profile mo?

To be honest, ang naisip ko ay baka something na marami ang mga plot na pinaghalo halo kaya naging twisted. Pero akalain mo yun Ate Rayne? Nagkamali ako ng hinala.

Ayoko maglagay ng mga parts dito na detailed para di maspoil yung mga ibang di pa nababasa ang TTLS :-)

Akala ko rainbows, cupcakes and ponies ang storya sa first part nung kay Lyle pa. Dahil sa totoo lang Ate Rayne, katulad ako ni Ces na nahulog sa isang tulad ni Lyle. Ayoko na po magkwento dahil di naman yun yung gusto kong iexplain dito.

Nung andun na yung storya sa part nila Boss at Ash, talagang nagulat ako, nanlaki yung mga mata ko, napatingin ako sa kisame at napasabi ng "Akala ko Teen Fic lang toh? Anyare? Bakit may lumulutang? Shet kamatayan ;-;"

There were a lot of parts sa kwento na ito na iba ang effect saakin. May mga questions na nabuo sa utak ko, na later on, ay nasasagutan naman. Meron nga lang na mga parts sa kwento kung saan nawawalan ako ng hininga at napapahawak ako sa dibdib ko as in yung hindi na ako makahinga, nalilito, naluluha, humahagulhol at natatawa. Why you ask? Kasi ang bigat bigat sa feeling. Kung paano niyo po idinedesribe yung pakiramdam, yung sensation, yung galaw, the dialogues, the details, the witty references, ang mga comment minsan ng 3rd person narrator, sobrang nadadama ko. Even those tiny gestures, like a smile, yung mga titigan, yung pag agos ng luha niya ng walang tigil, yung mga corny na jokes ni Notario, (owemji naalala ko nanaman siya ;-;) yung biglang pag-appear disappear ni Ash, yung simpleng paglunok lang, pati na rin ang paggalaw ng adam's apple! Hanggang sa pagkanta at pagtugtog ng MyuSick. Never akong nadisappoint in any point of this story. Never ever! Walang halong biro ito :">

At ang pinakahinahangaan ko po sainyo ay yun ay ang pagbibigay buhay at feelings sa isang character. Mararamdaman mo talaga yung pagkaattach nila sa story at ang importance nila sa story. Dahil kung wala sila? Kulang. Parang may lusot. May butas. May something na kakaiba! Tulad na lang ng mga jokes ni Note at Melo, kung paano nagagawa ng isang Lyle T. Yuzon ang lokohin ang isang humorless na si Pauline Flores. Napaparamdam sa readers kung gaano talaga kamahal ni Lyric Yue si Ces na siyang prinsesa ng buhay niya. Si Manager Lily na matapang ngunit may soft side pagdating sa sibling hood nila ni Lyle. Si Pitch na akala mong kilala mo na di pa pala, pati ang mga brief yet full of knowledge na mga one-liners niya. Si Keng na moody, pero mabait. At kung akala nilang nagbago lang si Keng? I think she just became who she was relly meant to be. At si Ash na kahit isa na siyang kamatayan, alam kong may ginawa pa siya para kay Ces na kahit hindi nabanggit sa mismong story, ay alam ng mga readers na hindi lang dahil sa guilt ang act of true kindness kuno ni Ash. Next is, Si Boss. May purpose siya sa story. May dahilan kung bakit andyan siya. At kung wala man siya sa story, ay hindi siya magiging 'Twisted.' Walang thrill. Patay. Deadma.

And nung nabasa ko po yung last part ng story, aaminin ko po Ate Rayne, guilty ako dahil kasama ako doon sa iba na hindi masyadong nagets at napa 'Ha?' At napa 'Naliligaw na ako?' Dahil kung akala niyo pong expected na mamatay si Ces, pwes, marami po ang posibleng mag agree saakin na hindi. Unang una po ay dahil, deserve na ni Lyric ang maging masaya kasama si Ces sa lahat ng hirap na dinanas nila sa loob o sa labas man ng MyuSick. Pangalawa, bakit lagi nalang si Ces yung namamatay, at patuloy siyang buhay? Di naman sa nagrereklamo ako, pero mas naging intriguing ang story dahil doon. Aylabit :"> At pangatlo, dahil alam ko na bago si Boss maging isang kamatayan, may past muna yan. Masakit siguro ang dinanas niya kaya naging ganyan yan! Aish! Pero teka joke lang iyon dahil naiinis rin ako kay Ces kasi, honestly, di niya iniisip yung mga magiging epekto ng mga desisyon niya in the long run. Sala ba niyang nakakainlove si Lyric? Hindi! Tama kasi si Boss, na natural sa isang tao ang umibig. Binigyan na siya ng pagkakatanong pagisipan ng mabuti, pero ano? Masyado niyang pinagkatiwalaan ang emotions niya bago yung 'senses' niya. Sabi nga ni Love doon sa mga haters at bashers ng MyuSick: C'mon guys, have some common to your senses! Kaya ayun, sabog sabog yung buhay niya.

Maraming nagpamulat ng mga mata ko dito, tulad ng paggamit ng music sa mga stories. Totoo pala na when words fail, music speaks (hala tama ba? Hahaha) Yuh talaga yun, yung mga kanta, grabe, sobrang nagpaganda at nagparea,ize saakin kung gaano kahalaga ang musika sa mga tao. Kung paano nito naililigtas at natatakas kahit 3-4 minutes man lang sa 'cruel world' na ito. Dahil ang story mo po Ate Rayne? Kahit may halong Fantasy, nagparealize ito saakin na hindi sa lahat ng oras masaya ka. Di sa lahat ng oras may mga taong mapagkakatiwalaan ka. At hindi rin sa lahat ng oras tama ka.

Doon naman po tayo sa napakagandang writing style mo. Magaling na yung ganun, kaso nakikita ko sa mga Author's Note mo na gusto mo pa magimprove. Well, doon ko na realize na we all strive to be a better version of ourselves. Kaya ayun, pati ako naaapektuhan sa simpleng pagsulat mo. Ang astig! Sobrang namove ako sa mga stories mo. Please continue creating, mind-blowing stories from your amazing, weird, cute, adorable, out-of-this world, imagination mo! And please continue being the Rayne Mariano. The Pilosopotasya.

Sa ngayon, marami pa akong gustong sabihin sa favorite wattpad writer ko, which is you Ate Rayne! <3 Pero sa ngayon hanggang diyan na lang muna dahil TTLS yung pinaguusapan natin dito. Sorry kung medyo late ang book review ko ;-; ngayon ko lang siya nakita at nabasa.

This is me, Rac, after pouring all of her hearts content, is finally signing off.

And if ever mabasa mo po ito Ate Rayne, thank you so much! Love love po! You are a true inspiration!

Waiiiiit! Bago ko tapusin ang part na ito, pwede ko ba gayahin muna ang ibang fans ng MyuSick?

RACQUEL PUNZALAN PO! FAN NA FAN NIYO SINCE 2016!! SORRY KUNG MEDYO LATE AKO. AYLABYU PO ATE RAYNE <3

.
.
.
.
.
.
.
.

Last na talaga ate Rayne! Promise! Pinaghirapan kong itama ang mga errors at punctuation marks dahil naalala ko po kung gaano kastress si Jhing Blanco sa 11/23 na magedit ng mga manuscripts at mga paragraph na parang sasabog na utak niya. Binabasa ko po kasi yung #SaveLiteratureKuno dahil.. Wala.. Ikaw nagsulat eh. Haha joke. Kasi po ang kyot niyo magbigay ng advise at ng instructions/ directions!

#10yrsNaSaOnlineFictionWritingSiUlanYAY
#TotoongCuteSiRayneMariano
#She #deserves #an #epic #love #story #charot
#Hashtag
#PanaloAngTweetsNiRayne


#Baiiiiiii <3

How the 'Rayne' opened my inner writer and soul Where stories live. Discover now