Chapter Six: Slave

21 1 0
                                    

*Kringg Kringg Kringg*
"Bwesit!!" Minulat ko ang mga mata ko at hinanap ko sa gilid ko yung alarm clock ko,nung mahawakan ko na ay binato ko ito. Nakakabwesit kase e. Ang ingay ingay. Eh ang aga aga pa naman.Sinubukan ko ulit matulog. Pero hindi ko magawa kaya tumayo nalang ako at tamad na naglakad papuntang Cr upang magtoothbrush at maligo narin. Hangang sa nakabihis na ako ng uniform namin ay matamlay parin ako. Ikaw ba naman? Gisingin ng ganun ganun lng. Nakakap*tang ina lng kase e. (A/N: Sorry for the badwords✌) So ayun nga bumaba na ako.. Nadatnan ko sina Tita,Shana at daddy na nagbebreakfast. Wow happy family a ? Pero Teka? Si Daddy? Seryoso ba? andito si Daddy. Akala ko kase dun na siya titira sa opisina niya. Tiningnan ko si Daddy ng walang reaksyon. Dumeritsyo nlng ako papuntang pinto upang umalis pero nung pipihitin ko na ang door knob biglang nagsalita si Daddy "Ganyan ka na ba kabastos sa harap ng pamilya mo!" Cold na pagkasabi ni daddy. Hinarap ko siya at tumingin ako sakanya ng walang reaksyon. "Pamilya pa ba ako dito?" Cold na pagkasabi ko. "Isa kang Perrez kaya pamilya ka dito." Cold parin na pagkasabi ni dad. Napangisi ako sa sinabi ni dad."Perrez pa ba turing mo sakin? Akala ko kase bastard lng ako. Yun kase SABI MO DIBA?" Seryosong tugon ko dito. "Wag mong sirain ang araw ko!" Halatang nagpipigil na ng galit si daddy pero he still calm. "Tama na Rold!" Awat samin ni tita."Rain come here, join us" Aya sakin ni Tita. Tsk! Akala mo kung sinong mabait saakin. E kong isnabin ako grabe. Mga plastik nga naman. "No thanks!" Pagkasabi ko nito ay tuluyan na akong lumabas ng bahay. Pumara ako ng taxi. "San po tayo maam?" Tanong sakin nung taxi driver. "Sa Georgia Academy!" Mahinahon kong sagot.
Mahigit 30 minutes narin ako sa loob ng taxing to. Sa pagkakaalam ko 10 minutes lng ang byahe kung ka sa bahay hanggang sa G.A pero bat parang inikot lng nitong taxi driver na to ang daan. Putchaa hindi kaya? Omy! I need help! Baka kidnapin ako nitong driver na to. "Teka! Manong bat antagal natin makarating sa Georgia Academy?" Hindi sumagot ito at ngumisi lng. P*tcha! Kailangan ko makalabas dito. Pinilit kong buksan ang pinto ng taxi pero di ko ito mabuksan. "Miss wag mo na subukang makalabas sa taxing to. Hindi ka makakalabas habang pa kita natitikman.!" Nakakalokong sabi nung pesteng driver.Aba! Binabatos ako nitong gurang na to a? "Aba! Bwesit ka rin nu? Hoy tanda na pinagsawaan na ng mga p*ta! Hindi ako ulam para tikman mo g*go! Tanga ka ba? O Bobo lng?" Pagkatapos kong sabihin yun ay pinagsisipa ko na ang pinto ng taxi niya. *Bogshh!* Napahinto ang pagsipa ko nun ng may marinig ako mula sa likuran. Ano yun? "Huy bata! Wag kang lalabas! Titingnan ko lng yun!" Sabi nung pesteng driver sakin habang nakikita ko yung susi na hawak hawak niya. "Bat kita susundin.? *i rolled my eyes*" Pagkasabi ko nun ay hinablot ko yung susi mula kamay niya.At agad kong sinusi ito sa pinto ng taxi "Huy! P*tang bata to!" Sabi ni manong nung nakalabas na ako."Edi wow" nakakalokong tugon ko naman. Saka ako tumakbo pero nahabol parin ako ni manong. Hinawakan niya ako sa kamay at dahilan upang di ako makaalis. "Bitiwan mo nga ako!! Bitiwan mo ako!! " sigaw ako ng sigaw. "E kung ayaw ko?" Tanong nung driver. "Tulong!!! Tulongan niyo ako!!!" Sigaw ko. *Bogsshhh* Bigla nlng natumba si manong dahil sa suntok ng kung sino. Tiningnan ko naman kung sino ang sumuntuk. "Troy?" Halos mapasigaw ako.. Si troy? Niligtas niya ako. Lumapit naman siya saakin at pilit na itinayo ako at kinaladkad papasok ng kotse niya saka niya pinaharorot ng pagkabilis bilis. "Troy ! Dahan dahan lng sa pagmamaneho! Baka maaksidente tayo! " sabi ko sakanya. "Maaksidente lng, walang tayo.!" Sabi niya. Shit! Nabara ako dun a? "Aba! Pilosopo!" Inis kong sabi. "Niligtas kita baka nakakalimutan mo?!" Pagmamalaki niya. "Oh siya! Edi THANK YOUUU POO!" Sabi ko sabay taray sakanya. "Wag kana mag thank you.. May kapalit yun..." Cold na sabi niya. "Anong kapalit?" Tanong ko. "Pag iisipan ko pa. Pero for the meantime magiging slave ko muna ikaw Ms. Perrez" Hays. Hindi pa ba kapalit yun. Magiging alipin niya ako e. Hays. Nakarating kami nitong si Troy sa school 8:30 am. Shit! Super late na kami. Tumakbo ako sa hallway. Naiiwan naman siya, hanggang makarating ako sa room. Nadatnan ko si Sir na naglelesson. "Good Morning Sir, I'm Sorry I'm late" Tumango naman si Sir. Hays buti nalng mabait tong teacher namin. Sumunod namang pumasok ay si Troy. Derederetsyo lng siya. Ni'hoy' Ni'hi' wala? "Mr. Del Real? Yan ba ang tamang gawin pagnalalate?" Tanong ni Sir. Hindi ito pinansin ni Troy at nag head seat nlng. Pinagpatuloy nalang ni Sir ang lesson.
*Recess*
Andito ako ngayon sa Canteen. Kumakain malamang. Nakakagutom yung math e. Susubu na sana ako ng spaghetti ng may biglang naglapag ng pera sa misa ko. Aba! Bastos to a? Kumakain yung tao e.Tiningnan ko naman kung sino ito "TROY!!?" Gulat kong tanong. "Bakit ba? Kumakain yung tao e" Tanong ko ulit. "Bilhan mo ako ng pagkain" WHATT? Ano ka swerte? "Ayoko nga" pagmamatigas ko. "Baka nakakalimutan mo kung hindi kita niligtas,Naglalakad kana palangit ngayon?" Kinuha ko nlng ang pera niya. "Anong bibilhin kong pagkain?" Tanong ko dito. "Bahala ka" sagot niya naman habang busy sa pag lalaro sa cellphone niya. "Tsk!" Padabog akong umalis at pumila sa bilihan ng mga pagkain dito sa canteen. Kainis! Ang layo layo ko pa sa counter. Shit! "Psst?" Hinanap ko yung nagsisitsit. Nakita ko ito dun sa pinaka unahan ng line. Teka? Parang pamilyar siya. Lumapit ako. "Bakit?" Tanong ko. "Ikaw na dito." Nagulat ako sa sinabi niya. Ang gentleman niya naman. "Teka? Jiro right?" Tanong ko dito. "Yes... Oh siya sige na ikaw na dito. Ako nalang dun sa pwesto mo. Palit tayo. Hehez" Pilyong sabi nito. "Hahaha. Sige thanks. " Ngumiti ako sakanya. "Wala yun, o sige na at pupunta na ako sa likuran para pumila." Ngumiti ito bago umalis. Nakabili narin ako ng pagkain ni Señorito Troy. Hays. Bumalik na ako sa upuan namin. "Bat antagal mo? Gutom na ako.. " Salubong agad sakin ni Troy. "Ay sorry naman po. Masyado ho kasing mahaba ang pila. " sabi ko dito sabay taray. Kinuha niya nlng ang pagkain niya at kumain. Tiningnan ko nlng siya ng masama habang kumakain. "Sayang yung pagkain mo kung di kakainin" sabi niya. "Nawalan ako ng gana e. Nakakawalng gana kasi yang mukha mo." Sabi ko dito. Hays "Oky." Natapos ang reces at bumalik narin ako sa room. Natapos ang hapon ko sa kakarinig ng discussion ni Maam.. Naglalakad ako pauwi dahil magtataxi nlng ako ng may itim na kotse akong nakita. Pamilyar to sakin. Unti unti akong lumapit sa kotseng yun. Bumukas ang bintana nito. Nagulat ako sa nakita ko. Totoo ba to? Bakit?? Bakit siya andito??

(Pls vote and comment po. Tnx!-Luisyy_Ge)

The Badboy Change My LifeWhere stories live. Discover now