Author's Note:
I don't own the real story, I just made fan fiction about MTB and it's for a story writing/fan fiction writng contest that the real author itself organised a long time a go. Enjoy!
Sitti's POV
Monday na naman, nakaka inis. Makikita ko na naman silang dalawa at maipapamukha na naman ng buong Eastton kung gaano sila kaperfect para sa isa't-isa. Ang Ultimate Couple na gustong-gusto ng lahat. Ang dalawang tao na mahal na mahal ng lahat, at mahal ko din lalo na si Kaizer.
Ang hirap ng ganito. Ang hirap na itinatago mo sa kanilang lahat lalo na sa kanilang dalawa yung nararamdaman mo. Lalo na kapag best friend mo sila paareho.
Nung una, kami lang nila Kaizer at Kris ang mag kakaibigan. Nagbago na lang ang lahat nang may dalawang tao na nag transfer sa Eastton, ang magkapatid na Patty at Mobi. Sa lahat ng pwedeng maging degree program at block, sa amin sila napunta.
Si Patty yung tipo ng babae na sobrang hinhin at sobrang bait. Halos lahat naka sundo nya na agad dahil sa ugali nya, para na nga syang anghel eh. Kaming tatlo yung unang kumausap sa kanila at nagparamdam na welcome na welcome sila sa Eastton.
Si Mobi naman, sya yung tahimik na tao. Masungit din at parang taga North Pole dahil sa "coldness" na meron sya lalo nap ag mapapatingin ka sa mata nya. Pero dahil kapatid nga sya ni Patty, sa amin din sya sumasama.
Minsan napapansin ko na iba kung tumingin si Patty kay Kaizer. Yung tipong mapapatitig sya at bigla na lang iiwas na susundan agad ng pag bblush ng pisnge nya. Naisip ko na "Masama toh. Mukhang may kaagaw na ako kay Kaizer."
Oo. May gusto ako sa best friend ko. Cliché noh? Wala eh sya lang gusto ko. Hindi pwede kay Kris kasi parang sya na yung kuya naming dalawa ni Kaizer, tska he already have Margaret. Perfect din yung dalawang yun sa isa't-isa eh kahit na medyo opposite sila. Malakas kasi chemistry nilang dalawa.
Mas kinabahan ako nung mga sumunod na araw eh parang iba na yung closeness nila Patty at Kaizer. Nandun yung lagi syang naka alalay kay Patty. Maski pagdadala ng gamit sya na din ang gumagawa. Yung dating ako yung ihahatid pauwi ni Kaizer sa bahay namin? Wala na. Napalitan na ako sa buhay nya, puro na lang Patty.
Pati buong Eastton napansin yun. Sila na nga yung apple of the eye ng buong university eh. Nice. Dati kami kami lang tapos naging ganito? Naiwan na lang ako na nag iisa.
Isang beses kinausap ko si Kaizer at biniro ko sya at sinabing nagtatampo na ako sa kanya kasi nakakalimutan na nya na may best friend sya. Ang sakit. Pero mas masakit pala malalaman ko dahil lang sa ginawa ko na yun.
"Ano kasi Sitti..." Kinamot nya pa yung ulo nya na parang nahihiya. Pero ang cute nya habang ginagawa yun!
"Oh ano? May kuto ka? Eww lang Kai." Sabi ko naman habang pinagtatawanan sya.
"Hindi! Aissh teka makinig ka kasi. Ano kasi.." Huminga muna sya ng malalim bago ituloy yung sinasabi nya. "Nililigawan ko na si Patty."
Parang tumigil yung pag-ikot ng mundo pero mas matindi yung pag tigil ng pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi nya. Eto na nga ba ang ikinatatakot ko eh. Mukhang mawawala na yung taong mahal ko.
"Ahh kelan pa?" Ang hirap magpigil ng luha at piliting ngumiti kahit ang sakit sakit na. Akala ko OA lang yung mga nababasa at napapanood ko na pag describe nila sa ganung eksena. Hindi pala, sobrang sakit pala talaga.
BINABASA MO ANG
What If? [My Tag Boyfriend Fan Fiction]
FanfictionPano kung akala mo lahat ng bagay asa ayos na? Pano kapag halos kuntento ka na kung ano ang meron ka sa ngayon? Pano kapag akala mo kayo din sa huli? Pano kapag yung taong hinihintay mo eh makahanap na lang bigla ng iba? Paano kung hindi si Sitt...