Devil # 34

2.7K 64 16
                                    

A/N: Sorry po kung late update na. Final exam ko na po kasi, pero I tried to update this. Pakibasa na lang po at sana mag-enjoy kayo. Again, March 19 po talaga ang comeback ko. So watch out sa mga UD na iba kong stories. Thank you. --Love, Ate Saging.

Chapter 34

//

Maglalakad na sana kami ni Adrian kaso bigla siyang hinawakan ni Daisy sa braso niya. " Iiwan mo ko para lang ihatid 'yang babaeng na yan? Hello? Ako yung niyaya mong pumunta dito. " naiinis na sabi ni Adrian.

" I don't care about you or our damn company. Oo, tama ka sa narinig mo. I'm just dating you again dahil sa parents ko. I don't love you anymore Daisy. Matagal na kitang nakalimutan lalo na yung naramramdaman kong pagmamahal sayo. Wala na 'yon. Tapos na. " halata sa mukha ni Adrian ang galit. 

Naaawa ako kay Daisy. Alam kong mahal niya si Adrian kaya siya ganyan pero wala siyang magawa dahil hindi siya ang mahal ni Adrian.

" Please, Adrian. Mahalin mo ulit ako. Please. " nagsimula ng dumaloy ang mga luha sa mata ni Daisy. Kitang kita ko talaga sa bawat patak ng luha niya na gagawin niya lahat mahalin lang ulit siya ni Adrian.

Lumapit si Adrian kay Daisy sabay yakap niya dito. " Daisy. Alam kong marami akong pagkukulang sayo noon, nung mga panahon na tayo pa. Alam kong mahal mo pa ako kaso ayoko na. May iba na akong mahal. Sana naman maintindihan mo 'yun. " sabi niya. Buti naman at medyo kumalma na siya.

" Pero Adrian, hindi ko kayang pakawalan ka. " nangingilid na ang mga luha ni Daisy sa mata niya.

" Daisy, hindi ako ang lalaking nararapat para sayo. Marami pang lalaking mas magpapasaya sayo. Sorry. " sabay tumalikod na siya kay Daisy at naglakad na para puntahan ako.

Habang naglalakad kami ni Adrian, parang ang awkward ng atmosphere. Hindi ko kasi alam ang irereact ko. Kung magiging masaya ba ako dahil alam ko ng ako ang mahal ni Daniel o malulungkot ako dahil may nasaktan. Napagulo naman kasi ng pag-ibig bakit kailangang ganito ang mangyari.

Hindi ba pwedeng sa umpisa pa lang, alam na natin ang taong para sa atin para naman hindi tayo nasasaktan.

Nang makasakay kami ni Adrian sa sasakyan niya, agad din itong pinaandar ng personal driver niya. Bakit ba ganito? Ang yayaman naman nila, may mga personal driver samantalang ako wala. Pero ayos lang, gastos din naman at onting taon na lang magkakaroon na ako ng sariling sasakyan. 

" Eunice. " tawag niya sa pangalan ko kaya naman dahan-dahan akong lumingon sa kaniya hanggang sa nakaramdam ako ng init sa kamay ko kaya binaling ko ang aking pansin doon. Nakita ko na pinatong niya ang kamay niya sa kamay ko. Sa sobrang kaba, inilayo ko tuloy ang kamay ko sa kamay niya.

" I'll make things right this time. I'll even court you again and again, mapasagot lang kita. I'll change, Eunice. Para sayo dahil 'yon ang gusto mo. " dirediretsong sabi niya.

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon