Diary ng One of the Boys (EXO fanfic)

423 16 3
                                    

- Prologue -

10 years ago

"Ibalik niyo sakin yan! Baon ko yan" sigaw ni Chanyeol habang pilit inaabot ang lunchbox sa bully naming kaklase

"Ayoko nga! Abutin mo muna!"

Tsk! Araw araw ganito na lang lagi ang nangyayare. Nakakasawa.

Bilang isa akong mabait na bata at concerned citizen, lumapit na ako sakanila.

"Hoy taba! Ibalik mo nga yan kay Chanyeol!" matapang kong utos

"Wag ka nga mangealam dito!" sabi nito sabay tulak saakin

"Ang lakas ng loob mong sumugod dito eh lampa ka din pala *laughs*" dagdag nito

"Ah lampa pala ha?!" sabi ko tapos tumakbo ako papunta sakanya at kinagat siya.

"Waaaah! Mommy! Mommy!" iyak nito habang nagtatatakbo

"Thank you!" nakangiting sabi ni Chanyeol

"Wala yun! Ikaw kasi, dapat sa susunod lumaban ka na."

"Hihi. Ayoko bad daw yun sabi ni mommy eh."

"Ang bait mo naman pala, friends na tayo ha? Ako nga pala si Dara"

"Sige friends na tayo! Chanyeol pangalan ko. Halika ipapakilala din kita kila Sehun, Baekhyun, DO, Suho at Kai"

"Huh? Sino naman yung mga yun?"

"Mga friends ko din sila. Tara na!"

- -

Present

"Dara pasa mo dito!" Sabi ni Kai

Naglalaro kasi kami ngayon ng basketball

Oo, marunong ako! Ako pa?! Astig ko kaya!

"Nice one bro!" sigaw ko nang mashoot ni Kai ang bola.

"Tara na may klase pa pala tayo" Singit ni Chanyeol

Simula nung araw na ipinagtanggol ko si Chanyeol dun sa matabang bully, lagi ko na silang nakakasama. Kaya heto kami ngayon, magbabarkada.

Marahil para sa iba siguro ang pangit tignan kasi babae ako tapos puro lalaki kasama ko.

Sabi nga nila, tibo daw ako. Yung iba naman, malandi ang tingin sakin.

Pero, wala akong pake! Sino ba sila sa inaakala nila para husgahan ako?

Porke babae ako kailangan ba babae rin dapat mga kaibigan ko?

"Ahhhh! Ang gwapo nung transferee!" rinig kong sigaw ng mga talanding babae sa kalapitan.

"Psh! Mga talandi!" naiinis kong bulong

"Yan! Kaya walang nanliligaw sayo eh!" sabi ni Sehun tapos ginulo ang buhok ko

Napasimangot na lang ako

Hindi dahil ginulo niya ang buhok ko, kundi dahil alam kong totoo ang sinabi niya

"Ako na lang kaya manligaw sayo?" Chanyeol

"Yuck pare! Walang talo talo!" Nandidiri kong sabi

"Uyy dito na classroom namin, una na ko" paalam ko

"Mamaya pre ah? Dota tayo" Baekhyun

"Sige ba!"

Kung hindi kasi Basketball ay mga computer games ang nilalaro namin. At sino bang magaakalang halos mas magaling pa ako sakanila sa dalawang larangan na to?

Galing ko noh?!

Oo nga pala, kilala niyo na ba ako?

Ako si Sandara "Dara" Dizon and I am One of the Boys.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng One of the Boys (EXO fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon