My Stalker

222 13 1
                                    

Sweet Flicks from one of my novels... La lang, kinilig kasi ako habang sinusulat ito...

:::::::::::::::::::::::

“Hi.” Nilingon ni Angelo ang pinanggalingan ng boses pero hindi siya sumagot nang makita kung sino iyon.

“Wala kang payong?” Hindi niya ito pinansin kahit pa nga kailangang kailangan niya ng payong para makauwi. Hindi rin kasi siya masusundo ng driver nila dahil day-off ito.

“Uy, pansinin mo naman ako. Papasukubin kita pero kailangan ko rin ng help.” Hindi pa rin siya sumasagot. “Pahatid naman kina Keanne Ross. May kukunin lang ako sa kanila.” 

Kaibigan niya ang tinutukoy ng makulit na babaeng ito.

“Keanne? Pati si Keanne nilalandi mo na ngayon?”

“Grabe naman to. Selos kagad. Friends lang kami nun.” natatawa pang sabi nito. “Anyways, kasi pumunta ako sa kanila dati tapos naiwan ko ata dun yung phone ko kaya ayun.”

Pinag-iisipan niya kung totoo ang sinasabi nito pero hindi rin siya makapag-isip dahil sobrang ingay nito. “Please. Please. Please. Libre na kita ng pamasahe. Pati food, libre ko na, kahit kelan, kahit saan.”

“Wait! Ang-ingay mo naman. Sige na nga.” Kinuha niya ang payong nito at binuksan. Napansin niyang hindi pa rin ito umaalis sa kinatatayuan. “O, anong hinihintay mo dyan? Bilisan mo.”

“Kala ko nanakawin mo payong ko eh. Gentleman mo pala.” Akmang hahawak ito sa braso niya.

“Hey! Don’t even think about it.”

Ito si Jeanne. Ang makulit na babaeng sunud ng sunod sa kanya. May Alzheimer's disease yata ito dahil napakadaling makalimot pero ang hindi nito nakakalimutan ay ang dumaldal at guluhin siya.

“Okay. Anong klase mo kanina? Same building pala tayo pag last class.”

Deadma.

“Ano pabango mo? Ambango ah.” Aamuyin pa sana siya nito pero lumayo siya.

“Uy, mababasa ako. Payong ko po yan.” Napilitan siyang lumapit dito.

Nanahimik naman na ito nang nasa jeep na sila. Pareho silang nasa dulo, magkatapat. Parang nagde-day dream ata ito dahil hindi na siya ginugulo.

“Malayo pa ba?”

“Ako na ang magpapara pag nasa tapat na tayo ng eskinita nila. Natatandaan mo na ba dun? Diretso lang tapos yung unang pulang gate yung bahay nila.” Nakatitig lang ito sa kanya. “Naintindihan mo ba?”

Unti-unti itong ngumiti. “Yun na yung pinakamahaba mong nasabi sa akin ever mula nang magkakilala tayo.”

Yung matandang katabi ni Jeanne ay kinilig pa ata sa kanila dahil ngingiti-ngiting tumingin sa kanya.

“Para!”

“Bye, honeypie. Thanks,” sabi pa nito pagkababa. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis. Hindi niya namalayan na nakatingin pa rin ang matanda at nakangiti na parang nanunukso. Sumiryoso ang mukha niya. Saka lang niya na-realize na nakangiti pala siya.

::::::::::::::

Wanna read more of Angelo and Jeanne's kulitan moment? 

http://www.wattpad.com/story/1170339-just-another-ordinary-girl

My StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon