Kabanata Isa

29 16 0
                                    

"Nay nahihilo po ako." Ilang oras na kaming nasa byahe. Umiikot na ang mga nasa loob ng tiyan ko.

"O, heto ang plastik. Kung nasusuka ka eh, diyan na lang. Ubos na ang kendi natin. Mamaya pa tayo makakabili kapag nagstop-over itong bus."

Hindi ko na nagawang sumagot pa. Tumingin ako sa gilid ko. Pakiramdam ko kase may nakatingin sa akin. Paglingon ko nakita kong nakatingin sa akin yung babae sa kabilang upuan. Nakakatakot siya kaya pumikit na lang ako, baka makatulog pa ako.

Ilang oras na kaming nasa byahe, patungo kami sa probinsya namin. Ang layo pala.

Sakay kami ngayon ng maliit na barko na malaking bangka. Ang lakas ng alon. Hanggang sa nakarating kami sa pampang. Tapos sumakay ulit ng maliit na bangka. Nahihilo na talaga ako. Umulan pa. Sabi ng nanay ko malapit na daw kami.

Naramdaman ko na naman na may nakatingin ka akin. Nakita ko ulit yung babae sa bus. Iisang lugar lang yata ang pupuntahan namin. Lagi syang nasa madilim na bahagi, parang takot sa liwanag.

Nahihirapan kaming makausad sa lakas ng ulan at hangin. Hawak-hawak ako ng nanay ko. Nakakatakot. Hindi pa naman ako marunong lumangoy. Si nanay kaya marunong? Hmmm itatanong ko nga mamaya.

Habang tumatagal palakas ng palakas ang ulan. Buti na lang humina na yung hangin. Basang-basa na kami kahit may bubong yung bangka.

"Nay malayo pa po tayo?" inaantok na kasi ako. Ayoko naman matulog dito. Natatakot ako baka biglang lumubog yung sinasakyan naming bangka.

"Isang oras pa. Maalon kasi kaya mas tumagal ang byahe natin." Hay ang tagal pa. Gabi na din. Wala na akong makita kundi mga anino na lang ng mga isla. Madami na kaming nadaanan. Ilan pa kaya?

Ramdam ko na naman yung titig sa likod ko. Kaya lumingon ako. Pakiramdam ko sa akin nakatingin yung babae. Kahit madilim alam kong siya yung nakasabay namin sa bus, dahil sa damit na suot niya. Blusang itim, Tsokolateng saya, belong itim. Nakakatakot diba?

"Malapit na tayo. Natatanaw mo ba yung isla na yun? Sa likod niyan yung baryo natin."

Pagkalapit namin sa isla, natanaw ko yung pa-letrang "U" na isla. Madilim na kaya di na gaanong kita parang anino na lang.

Bumaba na kami ni Nanay, si Papa ang nagdala ng mga gamit namin. Tumigil kami sa isang bahay malapit sa pampang.

Yung bahay, gawa sa pawid at kawayan. May silong din, Madilim, wala sigurong kuryente. Madaming bahay na magkakalapit lang.

Tumawag si Nanay doon sa bahay na hinintuan namin. Bahay daw ni Lola. Nilibot ko ang tingin ko. Sakto palang katapat ko eh, maliit na iskinita na sobrang dilim.

May naririnig akong parang kumukulo. Pagtingin ko sa itaas na bahagi ng pintuan ng bahay ng Lola ko.

"Nay, ano po iyong kumukulo?" turo ko dun sa boteng nasa itaas.

Naramdaman kong may nakatingin na naman sa akin pagtingin ko sa harapan ko. Iyong babaeng nakasabay namin sa bus at sa bangka! Nakatingin sa akin. Kitang-kita ko ang mata niya.

Biglang bumukas iyong pinto ng bahay. "Susmaryosep! Pumasok kayo dali!"

Nagtaka ako sa ikinilos ni Lola. "Dalian ninyo at nasa malapit lang siya. Kumukulo ang langis!"

Dali-dali kaming pinapasok ni Lola sa bahay niya. "Pa, bakit po kumukulo yung nasa bote sa labas?"

"May aswang anak. Isa iyan sa mga palatandaan o babala na may aswang, kapag kumulo ang langis." nakakatakot naman. Naalala ko na naman yung babae. Nakita ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya na...

Nakabaliktad ako.

------
Short. Tumatanggap po ako ng feedbacks, comments! Please vote po. Salamat!

Thicker Than Water (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon