"Di kana ba... galit sa'kin?" - DASURI
--
/L.JOE/Ilang segundo nang nakalapat ang mga labi ni Dasuri sa akin. Nakapikit ang mga mata nito pero I don't feel anything. Ramdam ko kasi na may mali.
Hindi na ko nakatiis at hinawakan ang magkabilang balikat nito. I gently push her away. The question 'WHY' is written all over her face. Hindi ako tanga para hindi mapansin ang ginagawa nya.
"Mukhang mali ang pagkakaintindi mo sa mga ginagawa ko ngayon. I brought you here to correct the past. Itama 'yung pagkakamali ko. At 'yon 'yung muntikan ko nang sirain ang buhay mo. Kaya kung may pinaplano kang iba. I'm sorry but my answer is NO."
Yes, I want her to know how much I love her. Pero hanggang doon na lang 'yon. Hindi ako magmamakaawang gustuhin nya rin ako. Lumayo ako sa kanya at pinatay 'yung music player. Sinimulan ko na ring salansanin 'yung mga gamit sa sahig.
"But I like you..." sagot naman nito. Bahagya akong napatigil sandali. I slowly face her and answer, "Maybe you are. Pero hanggang doon na lang 'yon dahil nandyan pa ang asawa mo. Stop fooling yourself Dasuri. Lalo ka lang masasaktan" Ayoko nang umasa pa. Tanggap ko na naman na di talaga kami para sa isa't-isa. Ibinalik ko ang atensyon ko sa pagliligpit. Hinayaan ko syang marealize ang mga sinabi ko.
Ngunit gaya ko, hindi rin nagpapigil si Dasuri sa pagpipilit sa gusto nyang mangyari. Nilapitan pa ako nito at hinawakan sa kamay. "Bakit hindi natin subukan? Mahal mo naman ako diba? At gusto kita. Kung susubok tayo, malay mo naman magwork diba?" Tinignan ko sya sa kanyang mga mata. Kitang-kita ko rito ang pagkalito.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Dasuri? You are asking me to cheat with you. Inuutusan mo kong gaguhin ang asawa mo. You are not like this. Hindi na ikaw 'yung Dasuri na kilala ko." Hinawi ko ang kamay nya at lumayo rito.
Why is it hard for her to understand? I'm letting her go now. Ngayong nakokontrol ko pa ang mga nararamdaman ko.
"Nakakainis naman oh! Pati ba naman ikaw? Lahat na lang ba kayo ipagtatabuyan ako?! Lahat na lang kayo iniiwan ako, kung kailan pinaka kailangan ko ng masasandalan." I saw tears coming from her eyes.
"Pero sige, kung talagang ayaw mo na rin sa'kin. Naiintindihan ko. Hindi ko na pagpipilitan 'yung sarili ko. Kaya ko naman 'to mag-isa e. Kakayanin ko." She wipes her tears and started to walk. Napapikit naman ako habang humihinga ng malalim.
Argh. Dasuri. Why are you making this hard for me?
Napailing na lang ako bago naglakad patungo sa kanya. Hinablot ko ang braso nya't hinarap sa'kin. I saw her crying. Hindi ko na kinaya. I hugged her tight and whispher, "Fine, lets go back to Canada together."
--
/DASURI/5:00 AM
Matapos ang nangyari, napagdesisyunan namin ni L.joe na bumalik na ng Canada. Doon na lang namin balak ituloy ang mga bagay-bagay tungkol sa amin. Tutal, doon naman talaga sya nagmula. Ipinaalam ko kila mama at papa ang naging desisyon ko. Hindi naman sila tumutol. They even told me na susundan nila ko 'don after masettle ng mga business matters na inaayos nila dito. Mabuti talaga't may kakilala sila papa sa airline company na sasakyan ko. Hindi na nagkaproblema sa pagkuha ng ticket kahit pa parang late na para 'don.
Alas-singko pa lang pero nagising na agad ako. Alas-nuwebe pa ang flight namin kaya masyado pang maaga para mag-ayos. Kinapa ko 'yung cellphone na nakatabi sa ilalim ng aking unan. Binuksan ko iyon at pumunta sa contacts. Hinanap ko 'yung pangalan ng asawa ko't pinindot ito. Lumabas ang mga options na pagpipilian ko. Call, send a messge, delete and back. Napatitig ako sa larawan nya.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias