HSP Ch. 22

512 8 2
                                    

HSP Ch. 22

// Kira's POV //

''Kira, gising na. Wala nang tao sa school.'' Naramdaman ko na lang na may kumakalabit sakin. Sa pagmulat ng mata ko, nakita ko yung magandang nurse kanina. Ah, napasarap ata ako ng tulog. Di bale, nawala naman kahit paano ang bigat ng katawan ko. Tumayo na ako sa hinigaan ko,''Salamat po sa pagbantay, nurse.''

''Oo naman. Mag-ingat ka Kira ah. Wala pa naman nang gaanong tao dito sa school." Sabi niya sakin. Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili.

"Sige po. Aalis na ako." Tumango lang siya at ngumiti sakin. Lumabas na ko ng clinic at naglakad papunta sa room. Kakaunti na lang pala talaga ang tao sa school. Karamihan mga trabahador. Mukhang masyadong hapon na ata ako makakauwi ng bahay.

Pagkadating ko sa room, may mga mangilan-ngilan pang estudyante ang naglilinis. Bahagya silang napatigil nang makita ako, pero maya-maya ay itinuloy na rin nila ang paglilinis.

Umupo ako sa upuan ko at inayos ang bag ko

Medyo natagalan pa ako dahil inisa-isa ko pa yung notebook ko kaya sa huli ay ako na lang ang naiwan sa room.

Pagkatapos kong mag-ayos ay naglakad na ako palabas ng room. Pero bago yun ay nahagip ng paningin ko ang litrato na nakadikit sa pader ng room. Kinuha ko ito at pinagmasdan.

Ang litrato na 'to ang dahilan kung bakit iniwan ako ng lahat; kung bakit ako naiwang mag-isa; kung bakit ako na lang ang natirirang lumalaban. Ngayon, sino na lang ang makakapagsabi kung paano ako magtatagumpay ng wala man lang kakampi? Wala na sila. Lahat sila.

May pumatak na tubig sa litrato. Nakakatawa, hindi ko man lang napansin na umiiyak na ako. Hindi ko maramdaman ang pagtulo ng luha ko. Nilukot ko ang litrato dala ng sakit. Sana ganito na lang ako kamanhid pagdating sa sakit.

Ang masaklap lang... hindi ako manhid eh. Ano bang ginawa kong kasalanan para saktan ako ng ganito?

Hindi ako makapaniwala na dahil lang sa isang maliit na litrato, mas lalong gumulo ang buhay ko.

Nang makaraos ako sa pag-iyak. Naitapon ko na lang yung litrato sa basurahan at napagpasyahan ko na umakyat sa rooftop ng building ng school namin para doon magpahangin.

Umupo ako sa railings ng rooftop. Siguro kailangan ko nang wakasan ang sakit na ito...

Tumayo ako sa railings ay tumingin sa langit.

Sobra na... hindi ko na to kaya...

Itinaas ko ang aking kaliwang paa, iniiwan ang kanang paa na nakatayo.

Paalam sa lahat...

Salamat sa lahat...

Ipinikit ko na ang mata ko at handa nang tumalon mula sa ropftop nang may marinig akong tinig na pumipigil sa'kin sa balak kong gawin.

Napadilat ako ng bahagya at tumingin sa paligid kung may tao ba... wala naman. Malamang ay guni-guni ko lang ang tinig na yon.

Ipinikit ko ulit ang mga mata at handa nang wakasan ang aking buhay nang... 

"BWISET!!!!" Ganoon na lang ang sigaw ko nang marinig muli ang pumipigil sakim! Napatalon ako pabalik sa sahig ng rooftop.

Bakit hindi ko magawa kapag Siya ang pumipigil!?

"BAKIT MO BA AKO PINIPIGILAN!? HINDI MO BA NAKIKITANG INIWAN NA AKO NG LAHAT!?!" Sumigaw ako sa langit kahit hindi ko nakikita ang kausap ko.

At sa oras na iyon, tila may humipo sa puso ko. Nag-uunahan na ang mga luha ko dala ng galit, pagsisisi, lungkot at sakit, "Hindi Mo ba nakikitang... gusto ko nang sumaya?"

"...na gusto ko nang mawala ang sakit?!" Napahawak ako sa dibdib ko nuon hababg humihikbi.

"...wala nang nagmamahal sa'kin. Bakit hindi Mo iyon nakikita!?" Tinignan ko ang langit na parang nakikita ko ang kinakausap ko.

"Bakit... Bakit Mo ba ako pinipigilan..." Napaluhod ako sa sahig. Maging ang palad ko'y napalapat sa malamig na sahig.

"Sabihin Mo sakin kung anong saysay ng pagpigil mo sakin... Mahal Mo ba ako?" Umiiyak kong pahayag habang patuloy na nakayuko at umiiyak.

Pagkatapos ng tanong ko na iyon ay biglang nangulimlim ang langit na kanina ay kulay asul. At bigla na lang lumabas sa bibig ko ang isang tanong na hindi ko inaasahang sasabihin ko...

Isinigaw ko ito habang nakatingala sa langit,"IKAW NA NANDYAN! GAANO MO BA AKO KAMAHAL!?" Isinigaw ko iyon ng buong lakas at pagkatapos ay...

Biglang bumagsak ang milyong-milyong patak ng ulan mula sa langit.

Kasabay sa malakas na ulan ay siya ring pag-agos ng luha ko.

Ngayon alam ko na...

...na kahit iniwan na ako ng lahat, nandyan pa rin siya.

...

***

// SEBASTIAN ROSS' POV //

"ANO NA NAMANG KATARANTADUHAN ANG GINAWA MO!?" Sinuntok niya ako sa mukha.

Alam ko, isa 'kong gago. Gumawa ng eskandalo sa school na mamanahin ko balang araw ma nakapagpasira sa reputasyon nito sa publiko.

Masisisi niyo ba ako? Kung nilalamon na akp ng sarili kong konsensya sa pagkamatay ni Natasha? Sana nung una pa lang, hindi ko siya tinakbuhan, sana buhay pa siya. At ang katotohanan na habang buhay nang nakadikit sa akin ay pinaasa ko siya kaya naisipan niyang magpakamatay...

At yung babaeng 'yon. Kailangan kong manghingi ng tawad sa kanya. Nadala lang ako sa pangyayari at ang masaklap pa nun, kaibigan siya ni Alex. Gago talaga.

"MAY REPUTASYON ANG PANGALAN NATIN, SEBASTIAN! WHAT THE HECK DID YOU DO!?!'

Bago pa ako suntukin uli ni Daddy, dumating na si Mommy,"Honey! What are you doing!?" Pinigilan niya si Dad na akmang susuntukin na ako.

"ITO KASING ANAK MO! TARANTADO! SINISIRA ANG REPUTASYON NATIN!" Umamba na naman sita pero napigilan agad siya ni mama.

"What!? What did you do, Seb?" Tanong sa akin ni mama.

Hindi ako nakasagot at napayuko na lang ako.

"Kita mo na!? Hindi makasagot dahil nahihiya sa gimawa niya! Oh, eto. Itanong mo sa kanya kung anong ibig sabihin niyan!" Inabot ni Dad ang kahiya-hiyang litrato kay Mommy at padabog siyang lumabas ng opisina niya dito sa bahay.

Narinig ko ang pagsinghap ng nanay ko nang makita niya ang litrato,"Oh my God, Sebastian! What's the meaning of this?" Umupo siya sa harap ko habang ipinapakita ang litrato.

"Sorry, Ma... I-I-- Natasha just died and-- and-- ugh. I'm sorry, Mom. I was just carried away. I'm really sorry. I really am." Pagsusumamo ko kay Mommy. Binigyan niya lang ako ng isang malungkot na ngiti at hinaplos ang pisngi ko,"Awwwww... my poor son. Have you realized that you really loved Natasha since then?"

"No, Mom. It's just that I felt really guilty about her death, that's all. And-- and-- I already like someone." Sagot ko sa tanong niya sakin.

Umiling-iling siya,"Tsk. Ask for Natasha's forgiveness, son."

"I always have, Mom."

"Very good. Now, all you have to do is to apologize to the whole school on qhat you did. I know you can do that." Ngumiti siya sa'kin ng napakalapad.

Tumango lang ako. Bukas na bukas din, hihingi ako ng tawad sa lahat.

__

Super Short Update. (~= 3=)~ Edit ko na lang ulit. Hahahaha! :D

♀♂  High School Parents  ♂♀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon