Simula (EDITED)

8K 193 2
                                    

Cyline

"O ano na? Anong resulta?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Grace, ang matalik kong kaibigan.

Hindi ako nakaimik. Parang wala akong narinig. Sa natuklasan ko ngayon parang hinigop nito ang lahat ng lakas ko at pati utak ko ayaw ng gumana.

Lumapit ito sa akin sabay yugyog sa aking mga balikat. Nahihilo ako. Umiikot ang paningin ko sa ginagawa niya. Kung sa ibang pagkakataon ay baka nakatikim na ng batok sa akin ang babaeng 'to pero ngayon hindi ko magawa. Wala akong lakas.

Kumawala ako sa pagkakahawak nito. Kailangan ko ng suporta, kailangan ko ng masasandalan. Nanghihinang umupo ako sa kama. Bakit nangyari ulit ito sa akin? Bakit sa parehong tao? Sa maling panahon? Nanginginig na tinignan ko ulit ang aking hawak na pregnancy test, nagbabakasakaling namamalik-mata lang ako pero naroon parin ang dalawang guhit na siyang nagpapatunay na may bata sa aking sinapupunan.

Katulad kanina ay nabitawan ko ito. Dagling pinulot ito ni Grace. Ilang segundo itong natahimik.

"God! Positive?! Cyline naman! Aba'y nakakarami na sayo ang boss mo ha! Akala ko ba katulong ka lang?" Galit na galit nitong tanong sa akin. Napapapadyak pa ito sa galit.

"This is unbelievable! Umalis lang ako ng ilang buwan tapos ito ang madadatnan ko?! My god, Cyline! Nag-iisip ka ba?! Paano humantong sa ganito?! You're supposed to end this mess! Nagpauto ka nanaman!" She hissed. Her face was red, furious. Sinong hindi magagalit sa sitwasyon kong ito? I'm pregnant. Again. With the same man who got me pregnant five years ago.

Napaigtad ako ngmalakas niyang ipinatong ang PT sa kalapit kong mesa at ang sunod-sunod niyang pagmumura. Dahil na siguro sa gulat, takot, at halo-halong emosyon, idagdag pa ang pagbubuntis ko ay hindi ko na mapigilang humagulgol. Sa ganoong paraan ko lang mailalabas ang frustration na nararamdaman ko.

"Cyline! Hindi ito ang oras para umiyak ka. Walang mangyayari kung iiyak ka nanaman na para bang wala ng bukas tulad ng dati! Kaya sagutin mo ako, paano nangyari 'to? Ang usapan natin na babalik ka doon at tatapusin mo ang sinumulan mong kagagahan, pero anong nangyari? Bakit mas lalong gumulo ang sitwasyon?" Ramdam na ramdam ko sa bawat salita nito ang galit at pagkadismaya at wala akong nagawa kundi umiyak ng tahimik.

Grace has been there for me since high school. Mula sa pagdadalang-tao sa murang edad. Sa pagsuway ko sa kagustuhan ng aking ama na naging dahilan ng pagtakwil nila sa akin. Sa aking paglayas hanggang sa pagpapalaki sa aking anak ay nanatili itong nakaantabay sa amin ni Rain. Hindi niya kami iniwan. She believed that I'll be able to fix all this mess and live normal. She's determined to help me find peace but I ended up destroying it.

Nagtitimpi sa galit na umupo sa tabi ko si Grace.

"I'm sorry, Cyline, but can't believe this is happening again." She said frowning but I can see the concern in her eyes.

Matagal bago ako tumahan sa pag-iyak. Ilang tissue na rin ang nagamit ko. Buong oras tahimik lang si Grace. Hinayaan niya lang akong umiiyak ng umiyak katulad ng dati. Alam kong nagpipigil siyang huwag akong singhalan ulit dahil madali talaga akong umiyak. Ganoon ako kahina.

Saglit akong pumasok sa banyo para ayusin ang sarili ko. Gusto kong makapag-usap kami ng maayos ni Grace. I need her help. Siya lang ang maaasahan ko dahil kahit ang sarili ko ay hindi ko maaasahan. Hindi ako makapag-isip ng matuwid.

Paglabas ng banyo, naabutan ko si Grace na hinihilot ang sentido nito. Tahimik akong bumalik sa pagkakaupo sa kama. Ayokong simulan ang usapang ito. Pakiramdam ko walang matinong lalabas sa bibig ko puro sakit sa ulo. Problema.

Malakas itong bumuga ng hangin bago nagsalita. Sa pagkakataong ito ay mahinahon na ang boses nito.

"Cyline, tapatin mo ako. Bakit mo hinayaang maulit ang sitwasyong 'to? Hanggang ngayon ba ay umaasa ka parin?" Tinutumbok nito ang rason ko.

Pregnant Again (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon