HINDI maipaliwanag ni Caren sa sarili kung bakit parang disappointed s'ya dahil hindi nagpunta ang guwapong lalaki sa rooftop. Hinintay n'ya na dumating ito pero hindi iyon nangyari. Well, mahirap talaga ang umasa...
Bubuksan n'ya na sana ang pinto palabas nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon ang lalaking hinihintay n'ya. Nagulat ito nang makita s'ya at ganoon din s'ya. Sa gulat n'ya'y bigla s'ya nitong niyakap. Ramdam n'ya ang paghingal nito, mukhang may humahabol yata dito.
Nakita n'yang may babaeng biglang lumitaw sa likod nito at nakita silang magkayakap. At siya naman ay hindi maintindihan kung ano ang nangyayari. Nagsalita ang babae.
"Alexus... s'ya ba ang tinutukoy mo na girlfriend mo?" malungkot na tanong ng babae sa lalaking nakayakap sa kanya.
"Oo, Eva. Kaya please, leave me already. Ayaw man kitang saktan pero, tigilan mo na ang paghabol sa akin. Nakakahiya sa girlfriend kong si Caren." Nagulat s'ya sa isinagot ng lalaki. Mukhang naiintindihan n'ya na ang nangyayari. Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya. At aaminin n'ya, parang kinikilig s'ya. Hindi, talagang kinikilig na s'ya.
"Okay, kung sa'n ka masaya, hindi na kita hahabulin. Sorry to bother you." Nakita n'ya ang lungkot at pait sa mga mata ng babae at nagbabadya na itong umiyak kaya bago pa mangyari 'yon, umalis na ito.
Kumalas na ang lalaki sa pagkakayakap sa kanya.
"Pasensya ka na, ha? Nagamit pa kita sa pagtakas sa babaeng 'yon." Napakamot ulo ito habang nangingiti.
"O-okay lang. Habulin ka pala ng chics..." nakangiting sagot n'ya. Eh, kasi naman, talagang guwapo ang lalaking 'to kaya 'di na nakakapagtaka.
"Hindi naman, sadyang persistent at makulit lang ang babaeng 'yon kaya no choice na ako kundi gawin 'yon, at salamat dahil nandito ka. Mas napadali ang drama ko." Bakit feeling n'ya'y parang matagal na silang close sapagkat hindi ito naiilang sa kanya.
"Iba na talaga 'pag guwapo." Nagulat s'ya sa sarili dahil nasabi pala n'ya ang nasa isip n'ya. Mukhang namangha ito sa sinabi n'ya. Nahiya tuloy s'ya kaya nagpasya na s'yang umalis nang bigla itong magsalita.
"You're actually beautiful, Caren. Gusto ko ang mga babaeng tulad mo," wika nito sa kanya. Sobrang hindi n'ya inaasahan na sasabihin nito ang mga ganoong bagay sa kanya. Ramdam n'ya ang pamumula ng kanyang mukha, mabuti na lang at nakatalikod s'ya rito. Ni hindi pa nga s'ya nakaka-move on sa pagyakap nito at heto na naman...
"Sorry ulit kung masyado akong frank. Ayoko kasi nang paliguy-ligoy. 'Pag may gusto akong sabihin, sinasabi ko agad," seryosong pahayag nito. Napaharap na s'ya rito.
"Talaga? Maganda ako?" Madaming nagsasabing mga kaklase n'ya na maganda s'ya, pero iba ang dating ng pagkakasabi ng lalaking ito, feel n'ya ang kilig. And coming from this handsome creature, ngayon n'ya na-appreciate na maganda nga s'ya.
"Yeah, and you're cute, too."
Lakas makaboladas! anang isipan n'ya.
Matapos ang mga sandaling iyon ay nagkuwentuhan pa sila ng tungkol sa mga sarili nila. Gaya ng kung ilang taon na sila, saan sila nakatira, ano'ng trabaho ng parents nila, at kung anu-ano pang tungkol sa mga personal life nila. At simula din no'n ay lagi na silang nagkikita sa rooftop at nagkukuwentuhan hanggang sa naging medyo close na sila. Mabilis silang nagkapalagayan ng loob.
"May sasabihin ako sa'yo," pukaw ni Caren kay Alexus. As usual, nasa rooftop na naman sila.
"Ano 'yon?" nakangiting tanong nito. Mas lalo itong nagiging guwapo sa paningin n'ya 'pag ngumingiti ito. Pantay-pantay at mapuputi ang ngipin nito.
BINABASA MO ANG
I'm a Lover and a Fighter
RomancePagkakaibigan... Pag-iibigan... na mauuwi sa Pagtataksil. Ten years old pa lamang ay magkasama na kayo ng best friend mo, habang kayo naman ng boyfriend mo ay ten years na ang relationship at magpo-propose na ito sa'yo and sooner, magpapakasal na ka...