Stranger's Love (One-shot)

47 1 0
                                    

Minsan hindi mo mapipili ang taong makakabanga o lalapitan mo. Sa dami ng mga nakakasalamuha mo, hindi mo alam kung sino sa kanila ang nakalaan para sayo.

***

Palubog na ang araw at lumalakas na ang hangin, pero marami pa ring tao ang makikita sa paligid ng Manila Bay. Ganito naman araw-araw, tanaw mula sa opisina ko ang mga nagdaraang iba't-ibang uri ng sasakyan o mga taong abala sa kung anuman. Walang bago.

Madalas bago ko umuwi, ihihinto ko ang sasakyan ko malapit sa dagat. Yung parte na walang basura at di gaanong matao.

Nagpapaalis lang ng stress, sa mga empleyado kong pasaway at mga costumer na maarte. Lahat halos ng mayayamang pumapasok sa restaurant ko, iisa lang ng asta. They thought they bought every inch of Manila. Ewan ko ba. Brat ang mga babae at mga gago ang mga lalaki. As usual.

"Ton, dyan ka lang?" Narinig ko si Winona, manager sa resto at best friend ko.

Tumango lang ako. Nakitang kong umiling lang siya at pumasok na sa sasakyan niya. Mahilig si Winona sa party, ako hindi. Sa totoo lang nakakatamad yung mga ganung bagay.

Alam ko naman kung bakit siya napailing. Kahit ilang beses na kasi niya akong ayain na mag-clubbing, iyon din ang beses na tumanggi ako.

Kaya palagi niya akong inaasar na tatandang binata na ako. Tsss. Sa edad kong bente siete, sa tingin ko malabo pa na tumanda akong mag-isa. Wag naman sana.

Nagkarelasyon na ba ako? Oo naman. Tatlong seryosong relasyon, lahat umabot ng taon. Yun nga lang, hind pa talaga e.

Naupo na ako malapit sa dagat.

Favorite spot ko talaga to. Isang cruise ship ang malapit sa pwesto ko pero di naman natatakpan ang paglubog ng araw. Madalas naman na labing limang minuto lang ang tinatagal ko dito. Uuwi rin agad ako para ayusin ang mga reports at dokumento ng resto.

Pero iba ang hapon ngayon, may isang siya.

Tahimik na nakaupo sa malalaking bato, pinagmamasadan ang mga alon sa dagat. Malalim ang iniisip. Tinatangay ng hangin ang mahaba niya buhok, may mga tumatabon din sa mukha niya ngunit hindi naman niya ito tinatanggal. Nakatukod ang dalawang kamay niya sa lapag ng bato na kaniyang kinauupuan, habang pinapanuod ang araw na malapit ng lumubog anumang oras.

Gusto kong ituon ang mga mata ko sa pagpapahinga ng araw. Pero nananatili ang mga mata ko sa kaniya.

Pinahid niya ang kaniyang pisngi.

Umiiyak ba siya?

Hindi naman siya mukang tinakasan ng bait sa sarili. Mukha siya disenteng babae. Hindi gaya ng madalas na tumatambay sa kabilang parte ng bay na ito. Alam ko yun, dahil kilala ko ang mga galaw nila.

Sa totoo lang, maganda siya. Ang kulay tsokolate niyang buhok ay mas pinapatingkad pa ng kulay ng araw. Hindi maputi o maitim ang kulay ng balat niya. Katamtan. Maliit ang kaniyang mukha, may matangos na ilong at mapupulang labi.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kaniya, pero tila nakabisado ko na ang mukha niyang iyon.

Madali kong kinuha ang camera sa loob ng sasakyan ko. Binuksan ito, at sinilip ang mukha niya sa maliit na salamin nito. Inikot ko ang harapan ng aparato para mas lumaki ang imahe niya rito.

Stranger's Love (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon