>> Sasha’s POV
Gawd! Anong oras na ba? 3 minutes nalang. Kailangan ko na talagang magmadali sa paglalakad.
Eh kung tumakbo na kaya ‘ko?
“Hhhh..hhhh..hhh..” Huu! Hinihingal na ‘ko.
Pero malayo parin ako.-.-“
Hindi ako pwedeng malate sa thesis defense namin. >.<
Teka itetext ko na nga lang si Charm.
...
Kinuha ko yung phone ko at medyo napatigil pagkabukas nito.
Pero dahil nga nagmamadali ako, binuksan ko na kagad yung messages at nagtext.
To: Charm;
Charm, malelate ako ng konti. Sorry. Nasa room ka na ba? Kung magsastart na pakisimulan nalang yung introduction. Patagalan konti. Hehe. Malapit na talaga ‘ko. Nasa may Hall B na ‘ko. Sorry ulit. Bawi ako. Ako nalang sa conclusion. J
Message Sent.
Tas biglang...
“Ouch!”
May nabunggo ako. ‘Di kasi ako nakatingin sa daan kasi nagtetext ako eh. At ang malala eh tumalsik yung phone ko. Hiwa-hiwalay na ang parts >.<
GOOOOOODNESSSSSSSSSSSS! So bad luck this day!!
>>King’s POV
“Oh shoot! Ano ba naman ‘yan! Andun na eh!” Nakakaasar talaga! Hindi ko mabeat yung score ko kahapon sa Temple Run.
Dang hirap naman kasi maglaro habang naglalakad eh. Haay. Ang layo naman kasi ng room nila Lirah eh.
Oy, FYI lang ah. Di ko po girlfriend si Lirah. Kapatid ko siya.
Jump. Jump. Slide. To the left. Jump. Cooooooiiinss. Jump.
“YES!” Yes! Na-beat ko na yung score ko! Wagi!!!!
Teka, focus muna.
Baka ma-dead.
After 6 seconds...
“Oh sh---- ” Nabunggo ako nung babae. At ang malala sa lahat eh tumalsik yung cellphone ko. Talsik lahat. Hiwa-hiwalay yung parts.
BAD TRIP!
>>Sasha’s POV
Parehas pala kami ng cellphone?
Haynako, hindi ko na dapat pang isipin yang mga yan. Asan nab a yung cellphone ko? San ba dito?
Ah ito yata. Ang alam ko dito yon tumalsik eh.
Lagay ng battery.
Sarado ng case sa likod.
Start ng cellphone.
Nag- open na.
“Oh? Bat nan----” sabay napatingin sa lalaking nakabungguan ko.
Si...
>>King’s POV
Ay, tae! Parehas pa kami ng cellphone . San jan yung phone ko? >.<
Ito kaya yon?
Lagay ng battery.
Sarado ng case sa likod.
Start ng cellphone.
Nag-open na.
“Teka...” napatingin ako sa babaeng nakabunggo ko.
Teka, Si...
Ito? Sa kanya?
>>Sasha’s POV
Pagka-open ng phone na hawak ko, nagulat ako
Kasi...
PICTURE KO YUNG WALLPAPER.
Bat kamo ako nagulat?
Kasi ang hindi ko pa pinapalitan yung wallpaper ko since December.
At HINDI KO YON PICTURE..
Kundi PICTURE NI...
Ni King—ng taong nakabunggo ko.
Teka , kung hindi ko ‘to cellphone.....
Edi...........
>>King’s POV
Nung in-open ko yung phone na pinulot ko, nakita ko....
PICTURE KO YUNG WALLPAPER.
O.O
Bat ako nagulat?
Kasi ang hindi ko pa pinapalitan yung wallpaper ko since December.
At HINDI KO YON PICTURE.
Isa pa, hindi ako nagwo-wallpaper ng picture ko. Ang bading non dude. =.=
Pero, going back..
Hindi ko nga talaga yon cellphone.
At kung di ko talaga yon cellphone.......
Posible kayang.....
Teka, si Sasha pala ‘to?
PATAY.
>>Sasha’s POV
“A-ah. Excuse me. N-nagkapalit tayo ng phone?” sabay abot ko ng phone niya sa kanya.
Inabot naman niya sakin yung phone ko.
After that?
<3