Chapter 1
"Miki, Marco! Bilisan niyo, malelate nanaman kayo sa school!" sigaw ni Mama.
"Andyan na po, Ma!" sagot ko.
Ako si Miki, isang normal na estudyanteng kabilang sa isang normal na pamilya. Meron nga pala kong naktatandang kapatid, si Marco. Mula noong bata kami, palagi na kaming mag kasama, di raw kami napaghihiwalay, kapit tuko nga raw ako sakanya sabi ni Mama. Pero ngayong malalaki na kami, di kami masyadong nagkakasama, may boyfriend na kasi ako. Pero siya, wala pa, ewan ko nga kung bakit wala e, napakagwapo naman niya. Torpe siguro, he he he.
"Oy, Miki, ang bagal mo, inaantay na tayo ni Papa." ang sabi ni Marco sakin.
"Nandyan na kuya."
Habang nasa sasakyan, salita ng salita si Papa tungkol saming dalawa ni Kuya noong bata pa kami. Hindi ko na nga alam kung ilang beses na niyang nakuwento sa amin eh, pero ano bang magagawa ko alangan namang sagutin ko si Papa, kaya tumawa nalang ako.
Pagdating sa school, naghiwalay na kami agad ni Kuya, sinalubong ako ng mga kaibigan ko, si Camie at Jan.
"Good morning Miki! He he he, magkakasection tayo! And guess what, kasama natin si Vince. Yiheeeeee, kilig kilig." sabi ni Jan sakin.
"Hahahahahaha, ano ka ba, ayos lang naman sakin kahit na hindi siya kasection kasi kasabay ko naman siya palagi sa pag uwi e. Ang mahalaga, kaklase ko kayong dalawa, atleast may makakausap ako." sagot ko.
"Wushhuuuuuuuu, kunwari ka pa. Eh kinikilig ka naman sa loob." paasar na sinabi ni Camie.
"Hindi nga, hahahaha, tara na kaya, baka malate pa tayo." ang yaya ko sakanila.
Habang naglalakad papuntang klase, nakita ko si Kuya na may kasamang babae, nasa court sila, ano kayang pinag uusapan nila? Meron na pala siyang girlfriend? Bakit ngayon ko lang nalaman ‘to? Oh my, binata na si Kuya, he he he. Pagkapasok sa classroom, nilapitan ako ni Vince, sabay sabing:
“Miki, di pala tayo sabay makakauwi, may practice kasi kami sa club mamaya, ayos lang ba? Sorry talaga ha.”
“Ah oo naman, ayos lang sakin.” sagot ko habang nakangiti sakanya.
Pero sa loob, hindi okay sa akin, first day of school tapos di kami sabay makakauwi, hay, di bale na, kailangan ko rin siyang intindihin, di naman kasi lahat ng oras niya ay dapat nakatuon sa akin.
Pagkatapos ng klase, umuwi ako nang mag-isa, mag kaibang direkson din kasi ang bahay naming nila Camie at Jan kaya di ko sila pwedeng kasabay. Habang nag lalakad pauwi, may nasalubong akong matandang babae, nakatitig siya sakin, sabay sabing:
“Iha, mag ingat ka, dahil may isang nakakagulat na pangyayaring magaganap sa buhay mo, na ikagugulo ng isip mo. Mag ingat ka.”
“H-ho? Ahahaha, sige po.” sabi ko sabay takbo.
Pagkarating sa bahay dali-dali akong pumasok sa kuwarto ko at inisip kung totoo kaya ang sinabi kanina ng babae, nang biglang may malalaking kamay na humatak sa akin galing sa likod. Pag kakita ko, si Kuya pala, bigla niya akong niyakap, sobrang higpit, halos din a ako makahinga.
“K-kuya, anong ginagawa mo? Di ako makahinga.” sabi ko sa kanya.
“Hayaan mo muna ko, kasi sandali lang.”
▲▲▲
CHAPTER ONE - END
Comments & Votes are much appreciated.
▲blunteacup