Sobrang bilis ng panahon. Noon sobrang mahal na mahal nya ako. Mahal na mahal namin ang isa't isa. Pero ngayon kasabay nito ang unti-unting paglaho ng sakit ng nararamdaman ko. Oo, iniyakan ko ung paghihiwalay namin ni Andrei. Sobrang tapang at yabang ng mga salitang binitawan ko noon pero ang totoo, sobrang sakit.
Yung pakiramdam na, sobrang dependent mo na sa isang tao pero after ng lahat biglang mawawala. Nung una nahirapan ako. Nasaktan ako. Di man lang kasi sya gumawa ng paraan para ipaglaban ako. Bumitaw sya agad. Kahit ayaw sa kanya ng parents ko ipaglalaban ko parin naman sya. Cause I know, It's worth the pain. Kasi mahal na mahal ko sya.
Pero binitawan nya ako ng ganun-ganun na lang. Nang walang katiting na paliwanag. Nakakabaliw. Sobra. Ang hirap isiping ganun nya lang ako kadaling binatawan. Inisip ko, minahal nya ba talaga ako ? O minahal nya lang ako kasi mahal ko sya? Kasi yun ung gusto kong maramdaman nya. Hindi ko na alam.
"You have 1 message received."
Sa sobrang lalim ng iniisip ko di ko na namalayan kung anong oras nya.
4:30pm na at may isang text.
Bigla akong kinabahan. Wala naman akong inaasahang text ngayon. Busy lahat ng friends ko sa mga lovelife nila. Kaya kahit isang text di ako nag-eexpect.
Nagdadalawang isip ko kung babasahin ko ba. Hindi ako sigurado kung kanino galing yun. Oo, umaasa ako na sana si Andrei yun. Natatakot ako kung anong pwedeng maging laman ng text na iyun. Ayaw kong umasa kasi baka mas lalo lang akong masaktan sa huli. Pero at the end. Binasa ko pa rin.
From: Yagiya <3
Sorry sa lahat ng sinabi ko nung nakaraan. Di ko sinasadya. Mahal na mahal parin kita Jagiya. I love you. Please, kausapin mo naman ako. Magkita tayo. I love you.
Masaya ako pero bakit ganun ? Bakit parang mas masakit?
Hindi ko na talaga alam kung ano dapat ang maramdaman ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magreply at sagutin sya. Di ko alam.
Di ko parin pala nababago ang contact name nya dito sa phone ko.
Yagiya, sabi mo di mo ako sasaktan, pero bakit ganun? Bakit ang sakit-sakit? Bakit biglang nagbago yung isip mo? Nung nakaraan lang galit na galit ka sakin. Ngayon naman biglang mahal mo na ulit ako. Hindi ko na alam naguguluhan na ako Nasasaktan ako.
To: Andrei
Ang bilis naman magbago ng isip mo. Parang nung nakaraan lang ayaw mo na sakin, tapos ngayon mahal mo na naman ako? Ano ako sa tingin mo? Laruan. Nasasaktan ako Andrei! Binitawan mo na ko. Bigla mo akong binitawan tapos sasabihin mo sakin na mahal mo pa ko? Ang gulo mo! Ayaw ko na Andrei.Reply ko sabay off sa phone ko. Naguguluhan na kasi ako.
Oo. Mahal ko pa sya. Mahal na mahal. Pero buo na ang loob ko. Ayaw ko na. Ilang beses na nya akong binitawan. Siguro naman sapat na yung mga pagkakataon na binigay ko sa kanya noon. Lagi na lang ako yung binibitawan nya. Siguro naman ngayon tama na na ako naman ang bumitaw sa kamay nya. Sa pagmamahal nya.Ano ba yan ! Umiiyak na naman ako nang dahil sa kanya ! Kainis ! Pero ganoon siguro talaga. Hanggang dito na lang ang kwento naming dalawa.
YOU ARE READING
I've Never Met My First Love
Ficção GeralMinsan, dumarating ang pag-ibig sa panahong hindi mo inaasahan. Madalas, dun sa panahong hindi ka handa. Pero paano kung nagkakilala kayo sa pagkakataong ang tadhana ay nakipaglaro? Handa ka bang harapin ang tagpong ito?