CHAPTER 8

164 52 45
                                    

Nahinto ako sa pagda-drive nang matanawan ko ang isang pamilyar na mukha, may hawak siyang malaking trash bag. May ipinangako ako sa batang ito, naalala ko. Nakakainis na kung 'di ko pa siya nakita ay hindi ko pa maaalala.

Bumaba ako at nilapitan siya. Pansin kong nabigla ito dahil nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin sa 'kin.

He looks tired and all. Marumi ang kan'yang suot na damit, maging ang balat nito. Medyo magulo rin ang kan'yang buhok, mula sa pwesto ko, naaamoy ko rin ang hindi magandang amoy nito. Pero kahit gano'n, pinigilan ko ang aking kamay na 'wag dumapo sa ilong ko. Ayokong mag-isip siya ng masama sa akin.

"Hi! Remember me?" nakangiting bati ko.

Nagbaba ang tingin niya at pansin kong humigpit ang kapit nito sa mismong hawak.

"Hey, nagtataka ka ba dahil buhay pa 'ko?" mahina akong natawa, "Well, it's a miracle."

Still no response.

"How are yo---"

"Umalis na po kayo." malamig na putol niya sa 'kin.

Pinagkunutan ko siya ng noo pero nando'n pa rin ang ngiti, nangako ako sa kan'ya at naaawa ako dahil nagpapa-api siya kina Grey where in fact, sa edad n'ya ay dapat nag-eenjoy siya.

"Hey... look, I just want to help you."

Mabilis siyang umiling, "Umalis ka na po, parang awa mo na." saka niya ako tinalikuran at mabilis na naglakad.

Darn... instead of leaving, I followed him.

"Bakit? Hindi naman ako masamang tao. In fact I want to help you to get out from Alfonso and Grey's territory."

Hindi niya 'ko sinagot, dire-diretso lang siya.

"Please talk to me, I can be your friend."

Gano'n na lang ang gulat ko nang bigla siyang huminto at tumingin sa harap, ohh.. so nandito na pala kami sa lugar kung saan ako dapat papatayin.

Naramdaman kong kinabahan ang bawat sistema ng katawan ko kaya napalunok na lang ako habang nakatingin sa gusali. It looks abandoned, nagkalat ang dalawang asul na drum at ang daming kahoy na nakakalat.

"Kung sasama ba 'ko, mababago mo ang buhay ko?" biglang aniya.

I looked at him, hindi siya sakin nakatingin. Bahagya akong napangiti dahil mukang may pag-asang magbago ang isip niya.

"Yes, bibigyan kita ng... trabaho, yung marangyang trabaho." I suggested.

Nilingon niya 'ko na parang nagdadalawang isip pa.

"Hindi mo kailangang mabuhay dito, hindi mo kailanganng makulong dito at magpaubaya sa kanila. It's not too late," pagbibigay lakas loob ko pa sa kan'ya. Sasagot na sana siya nang biglang may kung anong bumagsak sa loob, hanggang sa makarinig kami ng mga nagsasalita na animo'y may kinaiinisan sa tono.

Sumilay ang malakas na kabog sa dibdib ko sa takot na baka makita ako.

"Sumama ka sa ‘kin, do not let them control you." pangungumbinsi ko agad pero bigla na lang siyang naglakad palapit sa gusali.

"Pag nakita nila kayo, mapapahamak ka lang ulit." huling anito bago tuluyang pumasok.

"W-Wait!"

Gusto ko mang habulin siya ay napa-palatak na lang ako't tumakbo pabalik sa kotse. Ayokong mahuli at ilagay na naman sa kapahamakan ang buhay ko. Nakakapanghinayang man na hindi siya sumama ay umalis na lang ako sa ngayon.

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now