It all started on BBM. (Short Story)

4.1K 124 66
                                    

PS. Ang kwentong ito ay FICTION. Magkaibigan kami sa totoong buhay.

Have fun! :D

-------------------------------------------------------------

Ako nga pala si Omar. Mahilig ako sa mga gadgets lalo na sa mga mamahaling bagay. Hindi rin naman ako spoiled ngunit nakukuha ko lang ang mga bagay na gusto ko kapag na-achieve ko yung challenge ng aking mga parents.

Stricto parents ko ngunit hindi yun balakid sa aking social life. Pag nagbababad naman ako sa internet, hindi naman sila nagagalit basta natapos kona yung mga homework ko.

Isang araw, naisipan kong gumawa ng twitter account para magstalk sa mga ini-idolo kong mga artista. Sa una, hindi ko pa alam pano gamitin ang twitter hanggang namihasa na ako at marami na rin akong kaibigan sa twitter.

Hanggang may nahanap akong kaibigan ng ultimate crush kong artista na kasing edad ko lang. Ang pangalan niya ay Elizabeth Jane Oineza. Isa siya sa mga goin' bulilit kids noon na siya namang hinahangaan ko talaga.

Hindi ko maitatanggi na hindi ako patay na patay sa kanya ngunit nakalagay sa bio sa aking twitter na ultimate crush ko siya.

Sumunod na araw, nakilala ko ang isang admin sa kanyang fanpage. Ang pangalan niya ay Sarah. Nakipagkaibigan ako, sinabi ko yung about kay Jane, at may mga mutual friends na rin kami ni Jane na artista.

Malapit na ang birthday ko noon, sinabi ko kay ate Sarah, "Ate, birthday gift mo sakin, BBM PIN ni Jane!" Sabi naman niya, "Oh, sige malakas ka sakin eh.

Tutal mabait ka naman, mapagkakatiwalaan, sige kukunin ko!" Hanggang tenga ang ngiti ko noon. September 16, 2011, Nag DM si ate Sarah.

"Omar! Ito na yung birthday gift ko, ang pin ni Jane!"

Laking tuwa ko! Napatalon pa nga ako dahil binigay niya ang gift niya sakin. Ang aga kasi November pa ang kaarawan ko. Anlaki ng utang na loob ko kay ate Sarah.

Dinali-dali ko siyang i-add. At BOOOOOOM!!!! In-accept niya. Kasi sabi ni ate Sarah ipinakilala na daw niya ako. So nagpakilala ako ng pormal sa kanya.

"Hi Jane! Omar name ko:).."

Nagreply naman siya, "Hello! Ikaw yung tinutukoy ni ate Sarah sa akin na taga Canada right? Hi! :D."

At nagkakilala na nga talaga kami. Araw araw kami nag-uusap sa BBM, ngunit may akong problema. Iba ang oras sa pinas, iba rin dito sa amin.

Pero hindi ito naging balakid sa aming komunikasyon. Mag-iisang taon na simula nung nagkakilala kami ni Jane. Naging close na rin kami.

At alam na rin namin ang mga sekreto ng bawat isa sa amin. Isang araw, nagBBM siya sakin at sabi, "Hi Omar, alam mo may crush akong co-star ko sa isang show.

Ang pangalan niya eh Brod Pete!"

Natameme ako, hindi ko alam kung ano isasagot ko. Hindi ako nagreply. Hindi ako nagparamdam sa kanya ng dalawang linggo at hindi naman siya nakaramdam. Nabalitaan ko kay ate Sarah ang tungkol don ngunit sabi niya sakin, may gf na si Brod Pete na nonshowbiz.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ito kay Jane o hindi. Nagparamdam na ako kay Jane. Nag "HI" ako ngunit walang reply. Ginawa ko na ang lahat.

Nagsorry na rin ako. Ang haba ng sinend kong mensahe sa kanya. SInabe ko rin sa kanya tungkol sa crush niyang artista. At ito ang kanyang sagot:

"Omar, alam mo ba na simula nung pinakilala ka sakin ni ate Sarah, may naramdaman na ako sayo. Tuwing nag-uusap tayo, kinikilig ako. Noong mga araw na dika nagparamdam, naging matamlay ako, nakatitig lang ako sa phone ko, naghihintay na may magBBM na galing sayo ngunit wala ako nahintay. Yung sinabi ko sayong crush ko? Alam kong may gf na siya. Gusto ko lang sanang sorpresahin ka at sabihing joke lang yun. Alam ko rin na crush moko dahil sa twitter...."

Ang laking gulat ko, naiyak ako sa kanyang message. At nireplyan ko naman ito:

"Jane! Matagal ko ng gustong sabihin sayo na may gusto ako talaga sayo hindi lang crush. As in next level na, mag syota. Pero hindi ko alam kung pumapatol ka sa isang taong hindi mo pa nakikita at hindi artista. Hindi ko alam kung ano ang tipo mo sa mga lalaki kung gaya ba sa akin or kung gaya ba nung crush mo. Pero ngayon at nasabi mo na rin saakin ang tunay mong nararamdaman, pwede bang manligaw?"

Biglang may nareceive akong voice note na galing sa kanya. Sabi niya, "Omar, wala ako pakialam kung hindi ka artista tulad ko, kung hindi pa kita nakikita, pero nakita ko na may effort kang pinapakita sa akin tuwing magkausap tayo.

Gusto ko sabihin na oo pumapayag akong maging GF mo at ikaw ang magiging BF ko, pero, wag mo ipaalam sa buong mundo about dito. ok? Iloveyou!"

Ansaya ko nung araw na sinagot ako! Grabe! Hindi ako makatulog, bakas ang ngiti sa aking mukha!  At dumating ang aming first monthsary, nandtio parin ako sa Canada.

At nadagdagan pa ang mga monthsaries, at sinundan ng anniversaries..

After nung 2nd year anniversary, umuwe kami ng pinas at saktong debut niya yun. Matagal na niya itong sinasabi sa akin na inbitado ako sa kanyang debut sa 2014 at ako ang kanyang magiging escort.

Di ako pwede maging isa sa mga 18 roses dahil mas espesyal daw ang escort. Dumating na nga ang araw ng kanyang debut. Grabe star-studded ang kanyang celebration.

Sayawan dito, sayawan doon. After ng party niya, pinagstay niya ako, ang family ko at family niya. Inamin na namin ang aming relasyon sa kanyang pamilya at pati na rin sa aking pamilya.

Ang saya kasi hindi nagalit ang parents naming dalawa kaya ang ibig sabihin ay legal na kaming dalawa.

Nang dumating na ang araw na babalik na kami sa Canada, binigyan niya ako ng bagong BB dahil nasira yung lumang BB na binili kopa noon.

Sabi niya sa akin, "Heto, bagong BB para sayo, at bagong BB rin para sa akin. Hanggang sa muli nating pagkikita, basta BBM lang lagi ha? Iloveyou!"

May kasamang kiss yun. At umuwe na nga kami sa Canada.

-----WAKAS-----

Paalala lang po, wala pong katotohanan ang kwentong ito. Ginawa ko lang ito base sa aking imahinasyon :))

It all started on BBM. (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon