Untitled – fanfic story for kyle montefalco and TM.....
Peace tayo mga bro!!! hahaah natuwa ako sa ginawa ni Em.. kaya gumawa rin ako.. hahaha copycat lang.. ahahah hayaan nyo.. walang trip e... ehehhe
===========================
Ayan na siya.. papalapit na...kaya ko toh!
DUGDUG!dugdug!
Nakatayo ako ngayon sa hallway... sa harap ng classroom ng mga 4th year.... hawak ang piraso ng papel na naglalaman ng nararamdaman ko para sa taong mahal ko.. si KYLE CORVETTE MONTEFALCO...
Kasama ni kyle ngayon ang kabarkada niyang si Rigid,... gwapo rin naman si Rigid.. astig.. matalino.. magaling sa sports.. sa music.. sa lahat na ata e... kaya siguro prodigy tawag sa kanya... (A/N: ako na ang pumuri ke rigid maidol.. bwahahah walang basagan ng trip.. go rigid! Basahin niyo story niya ang THE KING OF JERKS by Helena Elise... malalaman niyo bat ko siya idol!! hahah) pero.. si Kyle talaga tinitibok ng aking malaking puso....
Nilakasan ko na ang loob ko na magtapat sa kanya ngayon....alam ko kasing mahilig siya sa babae..at sa huling tingin ko sa aking birth certificate na galing sa NSO.. sa female may X mark... kaya sigurado ako na babae ako...
Sana bigyan niya akong ng chance...kahit bilang laruan lang... ok na ako dun... basta lang ba ngitian niya ako.... yun lang naman ang gusto ko e..
“Kyle.. sana basahin mo ang nilalaman ng puso ko” sabi ko gamit ang mala-lalaki kong boses.. sabay abot ng sulat na hawak ng dalawa kong kamay..
Biglang natigilan ang dalawa.. kung kanina ay tatawatawa ang mga ito.. ngayon ay pareho silang tahimik na nakatingin sa akin..
“Oi Corvette! May pagnanasa pala sa iyo itong si Tiburcia... sagutin mo na! may gf ka na.. me wrestler ka pang bodyguard..” tukso ni Rigid sa kanya sabay tawa ng malakas...
“Heh! Magtigil ka nga Rigid! Sayo na lang siya kung gusto mo...!” pikong sabi ng Kyle ko.
Tiningnan ko si Kyle... nakalukot ang mukha nito.. parang nandidiri
“Layuan mo nga ako! Freak!” galit na sigaw nito at tinabig ako..
“Nananalamin ba siya? Ang kapal ng mukha niyang magtapat sa akin... kahit mahilig ako sa babae.. namimili rin naman ako nuh..at tsaka.. mas mukha pa siyang lalaki sa akin !” narinig kong sabi ni kyle ng lagpasan nila ako..
OUCH naman! Nabasag ata puso ko!
Ako nga pala si Tiburcia Madlang-ihe... Singbaho ng pangalan ko ang pagmumukha ko.. pangit kasi ako... mukha akong lalaki... me katawan pa ng parang sa mga sumo wrestler... tapos ang hilig ko pa sa wrestling.. idol ko nga sila John Cena.. si Undertaker at Batista e..
Pero kahit ganito ang itsura ko.. mabait naman ako... at matalino... labs na labs nga ako ng mga kaklase ko e..
Nang mawala na sa paningin ko si Kyle ay Malungkot akong naglakad pabalik sa classroom...
“Tumabi kayo!!! Dadaan si Tiburcia.. baka madaganan kayo!!!!” sigaw nung kaklase ko ng makapasok na ako sa classroom.. nasa likuran kasi ang upuan ko kaya kailangan kong dumaan sa gitna...
Tumabi naman ang mga kaklase ko..
Umupo ako sa upuan ko at umiyak ng umiyak...
“sabi ko naman sayo e.. wag ka na lang magtapat sa kanya.. ayan kasi ang tigas ng malaki mong ulo.. nasaktan ka tuloy..” pang-aalo ng kaibigan kong si Carla..
Hindi ako umimik...
“Tingnan mo ako.. kahit alam kong maganda ako.. matalino.. at malaki ang chance na maging gf ni Rigid.. ay di pa rin ako nagtapat sa kanya... matuto ka kasing makontento na lang sa tingin... “ dagdag nito (A/n: wag ng umangal yung nakakilala sa akin!—bwahaha)
BINABASA MO ANG
Untitled - fanfic story for kyle montefalco and TM.....
Fanfictionkilala niyo ba si TM??? hindi yung touch mobile ha..kung gusto niyo siyang makilala basahin niyo ito.. at malalaman niyo.. pati ang connection niya ke kyle corvette montefalco.. ahha