Chapter 4: Kuyas

137 20 6
                                    

Wednesday na ngayon at napansin kong konti lang kami sa classroom. Wala yung grupo nina Sab at nina Skyler. Pati sina Ashley at Audrey, wala rin. Nasan kaya sila at sabay-sabay pa silang nawala?

Nung breaktime na ay magsolo akong nagpuntang cafeteria.

Umorder ako ng burger, fries, frappe and water.

Habang hinihintay ko yung order, tinext ko muna mga kaibigan ko.

To: Ashley, Audrey

Hey. Bakit kayo absent?

Sent.

Biglang nagtilian yung mga tao sa cafeteria, hindi ko na lang pinansin dahil normal naman yan dito. Nakatutok pa rin ako sa phone ko nang biglang magreply agad si Audrey.

From: Audrey

We're not absent. Nandito kami sa auditorium. Practice.

Kaya naman pala! Ano kaya yung pina-practice nila?

Naramdaman kong may lumapit sakin at nakatayo sa harap ko kaya tumingala ako.

"Hi, baby girl!" Kumindat pa siya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makilala ang dumating.

"Kuya Kevin!!! I missed you." Hinug ko siya, talagang close ako sa mga kaibigan ni Kuya Slater, yung kapatid ko.

One year ko na rin silang hindi nakikita. Si Kuya Kevin ang pinaka-close ko sa kanilang magt-tropa.

He chuckled when I hugged him and he hugged me back. "I missed you too."

Umupo na rin kami. Sakto namang dumating na orders ko.

Napansin kong nakatingin pala samin ang mga tao sa cafeteria siguro nagtataka sila bakit kami close ni Kuya Kevin, sikat ba naman ang tropa nila ni kuya e. Siya siguro yung tinilian kanina.

Hindi na lang namin pinansin yung mga nakatingin samin na nagbubulungan.

"Diet ka ba? Bakit ang konti yata ng inorder mo ngayon kumpara sa mga madalas mong ino-order?" Nang-aasar na sabi niya.

"Oy hindi naman a!" Depensa ko kaya tumawa siya.

"Hindi ka po ba o-order?" Tanong ko.

"Kumain na ko." Nakangiti niyang sabi.

"Bakit ka nga po pala nandito?" Pag-iiba ko ng topic.

"Nabalitaan ko kasing nakabalik ka na dito kaya hinanap kita. And may performance din kaming magkakaibigan sa Acquaintance Party niyo kaya kailangan namin mag-practice." Paliwanag niya. Napakunot ako ng noo.

"May Acquaintance Party?"

"Hindi mo alam? Saturday next week na yun. Buti na lang sinabi ko sayo."

Walang nagsabi saking may party pala, kailangan ko na pala makabili ng susuotin ko sa party.

"E nasaan po yung iba?" Paghahanap ko sa iba pa nilang kaibigan ni kuya.

"Nandun sa Audi. Gusto ka na nga rin nila makita e." Nagliwanag naman ang mata ko nang sabihin niyang nandito rin sila sa school.

"Pwede po ba akong pumunta don?"

Well, kahit hindi pwede pupunta pa rin ako after all, kami naman may-ari nitong school whahaha. Gusto ko na talaga kasi silang makita ulit.

"Oo naman! Ang mga nandon lang naman ay yung mga magpe-perform din na nagpa-practice."

Friendly DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon