HOPE... Yan na nga nalang siguro ang word na pinaka-iingat ingatan kong huwag mawala sa akin. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng magugustuhan ay siya pa? Hindi ba puwedeng iba naman? Masyado kasing paepal 'tong buhay ko.
My name's Jennifer George Akalain. Oo na... sige na. May pagka-boyish yung second name ko. Pero kahit ganito ito, I really love it! Napagkakamalan nga akong tomboy sa klase ng mga teacher ko eh. Minsan pa nga bakla kasi daw parang George sa umaga, Jennifer sa gabi...
Oh, diba? Ang taray nila! To the highest level. Pero excuse me ha... FYI, BABAE PO AKO!
Kahit na NBSB ako... wala akong pa-care sa kanila. Strict ang parents ko. Sobrang lumang tugtugin na nga yun kung papakinggan eh. Gasgas na gasgas na yung plaka kong ito. Sa kasawiang palad... Nagkaroon ako ng isang paghanga sa isang lalaking hindi ko naman talaga ma-reach...
I mean, kahit seatmate ko lang siya sa classroom ay parang sobrang hirap parin niyang abutin.
Siya kasi ang hot na nerd kong seatmate na si Jeff Anthony dela Cruz. Para sa akin, siya na talaga ang gwapong pinakamatalinong schoolmate ko sa batch namin noong Third Year high school palang ako. It's really hard to find a way to get closer to him. Genius kaya since Kinder daw. Haaaayyy... Siyempre mga friends niya for sure ay mauutak din.
Sooooo... Alam niyo ba kung ano ginawa ko? Ayun, nagaral ng mahusay ang gaga. Makaabot man lang sa top 5 ng class.
Kuhanan ng cards para sa First quarter at marami ng maagang nakaabang na mga parents sa loob ng classroom namin. Habang naglalakad ako sa corridor with my dad, may biglang sumigaw sa akin.
"Jen! Jen!" kumakaway ng mataas habang nakaupo sa sementadong harang ng corridor.
Yung sumisigaw na yun ay si Lyzza Cariaga. She's one of my bestfriends and she's like a sister to me na or more like her mother dear na kaya we're very close to each other.
"Lyzza, bakit?" I asked her.
"Congrats Jenjen! Dream totally came true! Hindi na siya panaginip Jen! Kasali ka na sa top 5! I'm so proud of you!"
"Hindi nga? Weh? Talaga? Are you kidding me?"
"NO! I am not kidding you. It's true na kasali ka dun. See it for yourself nalang kaya"
Walang atubiling tumakbo papuntang classroom. Naiwan ko nga ata yung dad ko sa sobrang excitement at happiness na naramdaman ko. Eto na nga, sa loob ng classroom. There I saw my name on the bulletin board after sa 4 na matatalino.
TOP FIVE LIST
Dela Cruz, Jeff Anthony -99.97
Ocampo,Mary Andrea -98. 65
Young, Brenda -98.56
Panganiban, Ellie Jade -98.47
Akalain, Jennifer George -98.43
Siguro mapa-proud ng sobra si Mom nito. Sulit na sulit ang pagtatrabaho niya sa ibang bansa.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na lahat ng mga tao sa loob ng room ay nakatingin pala sa akin. Sobrang nahiya ako kaya nagsorry nalang ako ng may-peace sign sa kanang kamay ko.
Dumiretso ako sa likod na part ng classroom naming super laki. Dun banda kung saan nakalagay yung mga lockers. Sumikip ang dibdib ko nang pinalapit ako ng adviser ko.
"Miss Akalain, halika dito."
"Miss?" kinakabahang lumapit ako sa kanya.
"Congratulations hija! Nakasali ka sa top 5 ng class. Pero ang tanong, where's your dad? Alam mo namang hindi mo makukuha ang card mo kapag walang parent or guardian na kasama."
"Naiwan ko po ata sa labas. TInakbuhan ko po kasi ng marinig ang good news of salvation mula kay Lyzza eh"
"Good news of salvation talaga, Jen?" tawang tinanong ni Miss Paraluman
"Opo Miss. Eto nalang siguro ang paraan para-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil narinig kong bumukas ang pintuan. Nakita kong nakapamewang si Dad na may mataray na tingin.
"Dad, san ka ba napadpad?"
"At ako pa ang tinanong mo? Kung saan ako napadpad? Ikaw 'tong nangiwan tapos tatanungin mo ako?"
Haaaay... Interrogation mode on.
"Sorry na dad. Tumingin ka nalang sa bulletin board namin pambawi sa pagiwan ko sayo"
Hindi ko maintindihan ang itsura sa mukha ni dad. Nakakatawa at nakakatuwa talaga kung titignan. Parang paluha na tuwang tuwa. Ano ba iyon? Tears of joy ata. Biglang ginulo ni dad yung buhok ko na parang pabirong sinabunutan.
"Ang galing... galing talaga ng Jen ko! Nagmana ka talaga sa akin"
"Sure ka dad? Sa iyo talaga ako nagmana? 'Di ba puwedeng kay mom?"
"Siyempre. Sa akin talaga."
Pagkatapos namin kunin ang report card ko ay kumain kami sa isang sosyaling japanese restaurant. Umuwi na agad kami pagkatapos dahil magfi-facetime pa kami nila mom, as a routine na kasi. Magti-12 am na nang matapos ang facetime.
Hindi pa ako antok kaya binuksan ko ang facebook ko sa phone ko. Nagsilabasan ang mga pics tungkol sa top five ng klase. Naalala ko tuloy si Jeff. Top 1 nanaman siya.
Ang sarap naman siguro mabuhay na genius. Walang pinoproblema. Sinubukan ko siyang i-message. Baka sakaling replyan ako kasi online pa naman siya.
Hi! Congrats nga pala sayo! Top 1 ka nanaman :D...
Mamaya- maya lang ay...
Hello. Thanks :) Ikaw din congrats, nakapasok ka sa top 5.
AAAAAAAHHHHHHH!!! OMYGOSH!
Im gonna die!
Im gonna die!
Im gonna die!
What?
Is this possible?
Nireplyan niya ako for the first time!
SHET!
Nang dahil dun ay parang unti-unting sumakit ang ulo ko at napapikit.
Nahimatay ata ako.
Tatandaan ko talaga tong araw na ito.
Yung pagkahimatay ko ay inabot na ng umaga. Pagkabangon ko ay napahawak ako sa ulo ko sobrang bigat nito.
"Ugh, Ano bang ginawa ko at sumakit ng ganito ang ulo ko?"
Nakahawak ako sa aking sa ulo habang hirap na bumangon sa pinaghigaan.
Ay, oo nga pala. Kinilig ako kagabi. Umaga na nga pala yun... Mga madaling araw siguro.
BINABASA MO ANG
One Sided Love Nga Ba?
Teen FictionWhat if ako nalang kaya siya, papansinin mo ba ako? Ngingitian mo rin ba ako? O di kaya'y mamahalin mo din ako katulad ng ginagawa mo ngayon sa kanya? Halos lahat na siguro ng paraan ginawa ko na para mapansin mo ako. Nagaral na akong mabuti para...