09:A series of Peculiar Events
Part Two: The disappearance of Jhon Basti Navarro
(Introduction)Basti's POV
"Hindi ba tayo masyadong brutal?" tanong ko, mukha kasing napasobra kami sa mga wolf na nakalaban namin. "Brutal? Tingnan mo Nga tong damit at katawan ko! Tayo pa brutal?" singhal sa akin ni Kean.
Nagtamo kasi siya ng isang medyo malalang sugat sa kamay at sugat sa iba pang parte ng katawan, nagkapunit punit na rin ang long sleeves at pants na suot niya. Mayroon ng kasamang first aid kit ang mga bag namin.
Si Suga din ay may malalang sugat dahil siya ang sinundan ng mga wolf, sa kasamaang palad ay nagkaroon ng ilang galos ang pakpak niya kaya nahihirapan siya. Kami nila Red ay sugat lang ang tinamo na siyang ginamot ni Vince.
Flashback....
"Suga sa Likod Mo!" Rinig na rinig namin ang sigaw ni Avrhie. Tumalikod si Suga at nakita ang nasa likod niya "What the fvck! Tumakbo na kayo!" sigaw niya, sa pagkagulat namin ay tumakbo na kami. "ARRGGHHHH" rinig namin ang pagsigaw ni Suga na halatang nasaktan.
Tumatakbo na naman kami, pagkalipas ng ilang minuto ay napansin naming kasunod na namin si Suga, May sugat ang kaliwang kamay at puno ng galos ang kanyang pakpak.
Inalalayan namin siya ni Ian at itinakbo sa abot ng aming makakaya.
"Mauna na kayo! Red!" ani ni Kean, nagpaiwan sila ni Red upang kalabanin ang mga wolf.Nakalayo kami ng naririnig ang ilang mga tunog na marahil ay galing kay Red at Kean. Napatigil kami sa isang kuweba sa kaduluhan ng kagubatan.
Ilang minuto ang lumipas at napansin namin sina Red at Kean, parehas silang sugatan ngunit mas malala ang galos ni Kean.
"dito Kean!" ani ni Vince , pinaupo siya ni Ian sa tabi niya upang magamot. "ano bang nangyari Red?" tanong ko. "na-abutan kami eh!" ani nito at ngumuso.
"anong ginawa niyo Para tumigil?" tanong naman ni Avrhie. "kinain ng lupa yung iba, syempre si Kean ang may gawa at sinunog ko naman yung iba, hehehe" Natatawang sabi ni Red. Napailing na lang kami sa ginawa nila. "Brutal!" Sabay-Sabay naming sambit.
End of flashback...
"Dito na lang tayo, pagabi na rin" sabi ni Ian "oo nga mukhang mas safe tayo dito" pagsangayon ni Avrhie. "Basti! Favor naman" Napabaling ako Kay Vince, "Ano yon?" tanong ko, nakangiti siya ng nakakaloko at napansin ko ang hawak niya.
"Ayoko!" Ani ko at ngumuso "Sige na!! Makikinabang ka din naman eh!!" ani niya. "AYOKO! Hindi ako kalan!" singhal ko sakanya. "Hindi ba? Mukha kasi eh" Napakunot naman ang noo ko. Mga tao talaga ngayon!
"Bahala ka!" ani ko at akmang tatayo na (nakaupo sila obviously) ngunit hinila niya ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit blangko ang ekpresyon niya. "Kapag hindi mo Ito niluto" pag tukoy niya sa hotdogs na dala-dala niya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, blangko ang ekspresyon niya ngunit ma-awtoridad ang boses niya. Itinaas niya ang hintutoro niya at tinuro ang bag ko na nasa tabi ni Avrhie.
"Magpaalam ka na sa mga Gamit mo, Alam mong isang pitik ko lang hahanginin yan" ani niya, Nagkaroon na ng ekspresyon ang mukha niya. Seryoso. Napalunok ako dahil halatang hindi na siya nagbibiro.
"Iayos mo!" sabi ko at ngumiti siya, wirdo! "Madali Ka palang kausap eh!" ani niya at itinapat sakin ang mga iyon. Gumawa ako ng isang lutuang gawa sa mga nagagawa kong time ball at kinuha ang lighter sa bag ko, nandito naman si Kean pero ako ang pinagluluto.
Agad ko namang niluto dahil nagugutom na rin ako. "Oh yan!" sabi ko at kumuha ng isa. Ipinamigay ni Vince ang iba sa mga kasama namin. Nagkwentuhan kami ng saglit at nagpasya na ring matulog.
Third Person.
Sa kalagitnaan ng gabi ay mayroong liwanag na nanggising Kay Basti. Isang liwanag na mayroong anino. Nang lapitan niya ito ay napagtanto niyang ito ay ang lalaking iniidolo niya ang kilalang Ravendell Gaston.
"Basti." ani nito, "Sir.Raven? Ano pong ginagawa ninyo dito? Si ma'am Athena po?" kahit inaantok pa ay pinipilit isipin ni Basti kung ano ang nangyayari.
"Napag alaman ko ang nangyari sa eskwelahan ko Basti, at hindi ko iyon nagustuhan. Simula noong si Hawk ang namahala ay wala na kong naging balita dahil naroon ako sa mortal na mundo. Basti, binago ni Hawk ang eskwelahan ko." Ani nito. Pilit na pinoproseso ni Basti ang mga ito sakanyang isipan.
"ano pong gusto ninyong gawin ko?"
**
UNEDITED

BINABASA MO ANG
Raven Academy For specials
FantasyThe oracles says that there are seven guys to save our world, Will the oracle be fulfilled?