:"/ - Chapter 8

200 5 5
  • Dedicated kay Marian Charity Nayan
                                    

Sam's POV

Sobrang ganda ng araw ko.

Siyempre, para matuloy, kinapalan ko muka ko, inaya ko siya sa bahay. 

Nandito pa sa kuwarto ko yung long-stemmed sunflower na binigay sa akin ni Luke kanina. Naka-vase, nakapatong sa table na katabi ng kama ko. 

Katabi pa nung base yung scrapbook, na-eexcite na akong matapos yan. Ang dami ko pa namang picture sa kaniya ngayon. 

Wait...

Sh*t, nasa baba yung camera ko!

Nagmadali akong bumaba pagkatapos kong magbihis, nakita ko si Luke...

Parang hindi gumalaw...

"Ang tagal mo naman." -- Ngumiti siya. 

"Ganoon talaga." --  Agad kong tinignan yung coffee table. Nandoon pa rin naman yung camera ko.

Kinabahan ako. Hindi niya naman siguro tinignan no?

Tumabi ako sa kan'ya. Patapos na yung iCarly.

Okay lang, napanood ko nanaman yung epoisode na yun. 

Ang mahalaga, nandito si Luke.

Parang  hindi naman siya nagbago.

Now, I'm very positive na hindi niya tinignan. 

Nako, kung nakita niya yun, patay ako. Buking ako. 

"Oh, ba't ang tahimik mo?" -- Napansin niyang may malalim akong iniisip.

"Ah, wala naman."

"Di nga?" 

"Wala nga. Ang kulit?" -- Kumuha ako dun sa bowl ng chips. 

Biglang sumeryoso nanaman muka niya.

"Hay, may pasok nanaman bukas."

"Makikita mo nanaman siya?"

Ngumiti siya, -- "Bakit, selos ka?"

"Uyoy, feeler ka?" -- Hinampas ko sa sa braso niya. 

"Ang hilig mong manakit, no?" 

"Ang hilig mo kasing mang-asar ee." 

"Masanay ka na." 

"Ha-ha." -- Sarcastic, siyempre.

*Nilipat niya yung channel. Nilipat niya sa MTV. 'Sorry For Party Rocking' yung kanta, by LMFAO.

"Sam, marunong ka ba sumayaw?" -- Ayos mga tanong neto aa. 

"Hindi."

"Eh, kumanta?"

"Sa CR lang."

Natawa siya. Kung makatitig nanaman ako sa ngiti niya, wagas.. Hay. Kung alam mo lang talaga. 

Kinuha ko yung camera. Pagkabukas ko, napatingin siya sa 'kin. 

Pagkatutok ko sa kan'ya,  lumingon siya. 

"Oh, anong nangyari sa'yo? Kanina feel na feel mo aa."

"Wala lang ako sa mood."

"Bakit?"

"Sa tingin mo ba, kailangan ko na bang makipag-break?" 

Tinignan niya ko, eye-to-eye. Seryoso siya sa tanong niya. Ako naman, nagulat. 

"Ikaw, bahala ka. Kung yun naman talaga sa tingin mo nararapat." -- OO, TALAGA, DAPAT LANG. >o< \m/

"Hindi, ayoko. Maghihintay ako. Sa tingin ko, hindi lang siya sanay kasi bago palang kami.."

Kung Hindi Lang Kita MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon