Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkrus ang landas ng diwata at ng mangangaso...sa gitna ng kagubatan ay matatagpuan ang isang lawa na kumikinang sa ilalim ng liwanag ng buwan ay naring ng mangangaso ang isang nakakahalinang tunog ng isang harmonica, sinundan niya ang pinanggalingan ng musikang iyon hanggang sa nakita niya ang isang pigura ng isang tao. Hindi niya maaninag ang hitsura nito sapagkat sinasalungat niya ang liwanag ng buwan. Hindi niya alam kung lalapitan ba niya ang nagtutugtog ng harmonica o ipagpapatuloy ang paglalakbay sa gitna ng kagubatan.
Pero nahihipmotismo siya sa tunog ng harmonica na waring tinatawag siya ng bawat nota nito. Mga notang nagpapahayag ng kasiyahan, ng pagmamahal. Unti -unti siyang lumapit sa taong iyon. Biglang tumigil sa pagtugtog ng harmonica ang naturang nilalang na wari'y parang may nagmamasid sa kanya. Aatras sana ang mangangaso ngunit huli na ng lumingon ang nilalang sa direksyon niya...at doon,, nakita niya ang malungkot na mga mata ng nilalang.
*Saturday of February 17, ay nasa bahay ako ni Evelyn to celebrate her birthday. Ang daming tao, well nasa elite of popular student si Evelyn kaya no wonder na ang dami niyang regalo sa living room nila. Kasama ako at si Nilo na best friend din namin sa pagtulong sa pag-accommodate ng mga bisita, well kami kasi ang nagplano ng birthday celebration na ito.
It's been thirty minutes of driving pero walang bakas ng bayan ang nakikita ko. Puro sakahan at mga bahay ang nakikita sa paligid ng daan. Wala ring gasoline station na pwedeng hintuan na lalong nagpapa-alala sa akin.
Unti-unti nang kinakain ng dilim ang liwanag at tanging liwanag ng mga poste ng ilaw ang nagsisilbing gabay sa daan. Sa may kanan ko ay bangin na kung mahuhulog man ako ay tiyak kamatayan ang sasalo sa ilalim.
I checked my watch. It's almost 7 in the evening. My car fuel is horribly going down. Kailangan kong makahanap ng gasulinahan ASAP.
Pero sadyang sadista ang kapalaran. At ako ang kanyang napagdiskitahan. Tuluyan na talaga akong naubusan ng gasolina. Great.
Buti nalang may tindahan sa may hindi kalayuan sa pwesto ko kaya nilakad ko nalang patungo doon.
May mga iilang tao ang nasa labas ng bahay. Tinitingnan nga nila ang kotse ko na parang ngayon lang nila nakita.Nelia Store. Kapangalan ng Lola ko. I smiled on that thought.
Isang lola ang bumungad sa akin. Nakaupo sa bukana ng tindahan. Ngumiti siya akin nang mapansin niya ako.
"May kailangan ka ba iho?" magiliw na tanong niya.
Nakakahiyang sabihin kung pwede ba akong makicharge muna pero lulunukin ko muna ang hiya ko.
"Lola, pwede bang maki-charge lang ng konte. May kailangan lang kasi akong tawagan." nahihiyang sabi ko sa Lola.
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng lola na parang galit na ewan.
"Aba'y hindi pwede!, dapat bumili ka ng mga paninda ko bago ka makicharge!" sabi ni Lola.
Hala. Sabi ko na ba at magagalit to eh. Payuko akong humingi ng paumanhin at akmang aalis ng bigla itong tumawa.
"Ano ka ba?, Charaught lang iyon. Ikaw naman, hindi na mabiro,hehe" sabi ng lola na labis kong ikinagulat. Malayo sa itsura niya ang magsalita ng ganoon.
"Well, base sa ekspresyon ng fes mo ay naRegal-Shock ka."
Sino ba naman ang hindi magugulat? Ineexpect ko yung mahinhin na lola, yung tipong Maria Clara ang datingan.
"Uhm..a-ano p-o..." F*ck!! bakit ba ako nauutal?
Mas lalong natawa ang lola sa reaksyon ko. Maya-maya pay inilahad niya ang palad niya na tila may hinihingi.
"Tama na ang kiyeme, akin na ang cellphone mo at ichacharge ko ditey." Sabi pa niya.
Wala na akong oras para magulat at dali-dali kong ibinigay ang cellphone ko sa kanya.
Dinala niya ang cellphone sa loob habang ako naman ay umupo sa may papag na gawa ng kawayan, yung tipong tambayan sa labas ng tindahan.
Sa paghihintay ay nakaramdam ako ng gutom. Malayo pa siguro ang bayan. Biscuit and a softdrink will do.
Ilang sandali lang ay lumabas ang lola na may dalang tray ng pagkain. Umupo siya sa may tabi ko at nilapag ang tray sa maliit na mesang gawa rin sa kahoy na nasa harapan namin.
"Alam kong gutom ka na, malayo pa ang bayan. Kumain ka nalang muna kahit konti lang." Sabi niya. Nakakatuwa pagmasdan ang lola. Ang bilis kasi magbago ng mood niya. From mataray to kalog at ngayon ay naging malumanay.
Nag-dadalawang isip ako kung tatanggapin ko ang alok niya Babayaran ko na lang siya pagkatapos.
"huwag kang mag-alala, libre lang yan, malapit lang kasi ang loob ko sa mga tulad niyo." Sabi niya. Tila nababasa niya siguro ang iniisip ko. Pero ang ipinagtataka ko ay ang huling salitang sinabi niya.
"Alam niyo pong bakla ako?" Gulat kong pagkakasabi sa kanya na labis niyang ikinatawa.
Ano ba naman ang bibig kong ito. Nakakahiya.
"Well, nanghinala lang ako sa una pero nilinaw mo, infairness pwede kang i-condiments,hahaha" Ayan na naman siya. From mahinahon to kalog again. Natawa lang din ako sa inasal niya.
"Hindi naman ganon yung ibig kong sabihin, malapit ako sa tulad niyo. Mga estrangherong naligaw at hindi inaasahang mapadpad dito." Sabi niya.
Hindi ko alam ang sasabihin kaya kinain ko na lang ang dala niyang tinapay na may peanut butter.
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa aming dalawa ng matanda. Rinig na rinig ko pa ang tunog ng mga kulig-lig sa kapaligiran, nakapagtatakang wala man lang kahit isang sasakyan ang dumadaan sa highway sa bungad.
"Bakit ka lumayo sa inyo?" Matapos ang katahimikan ay sa wakas ay nagsalita ang lola. Pero nagulat ako sa kanyang tanong.
"P-po" Ang tanging nasabi ko lang.
Lumingon sa akin at nagkaharap kami.
"Hindi ka naman mukhang magbabakasyon, kung sa Tagaytay ang punta mo ay lumagpas ka na. Atsaka kahit matanda na ako ay malinaw pa ang mga mata ko at
kitang-kita ko ang pamumugto ng mga mata mo." Walang pakundangan niyang sabi.I was speechless. Hindi ko inaasahang madali akong nabasa ng matanda.
"Sa sinabi ko kanina, malapit ang loob ko sa mga taong naliligaw dito." Althroughout siya ang nagsasalita. " Karamihan sa kanila ay wala talagang eksaktong direksyon kung saan sila pupunta." Inilipat niya ang tingin pabalik sa daan na nasa bungad namin. "Basta ang gusto nila ay ang makalayo muna sa lugar na pinangyarihan ng masakit na karanasan."
Patuloy lang akong nakikinig sa kanya habang kinakain ang natitirang tinapay.
" Pwede ka namang magkwento, magaling akong makinig. Mabuti nang ilabas mo yung saloobin mo. Baka pwede akong makatulong "
Sa una ay nagdadalawang isip ako kung magkukwento ako kasi kakakilala ko pa lang sa kanya. Pero sa huli ay napagpasyahan kong ikwento sa kanya ang lahat. Lahat ng nangyari.
BINABASA MO ANG
For The Sake of You(Book 1 of Sake Trilogy)
RomansaThe hardest decision is letting you go not because I'm tired of holding on, but because I want to redeem myself for all the heartaches I had from you. Sometimes we initiate retreat not just because we are losing, but it is also because there's no...