... sa kabila ng panglalamig ng magangaso ay ang matatag na pag-asa ng diwata na maibabalik niya sa dati ang lahat... palagi niyang tinatanong sa mangangaso kung ano ang problema... kung ano ang nangyari sa lugar na pinuntahan niya... pero kibit balikat lang ang mangangaso na tila wala siyang balak na ito ay pag-usapan...lihim na nasasaktan ang diwata pero hindi niya iyon ipinapakita sa harapan ng mangangaso... naibubuhos lang niya ang lahat ng kalungkutan sa tuwing umaalis ang mangangaso papunta sa lugar na ang mangangaso lang ang tanging nakakaalam...
*
It was a rainy sunday back then. Walang pasok sa office at naghihintay lang din ng bagong module para sa aking magiging leksyon sa darating na lunes kaya nakatengga lang ako sa bahay.
4 months. Apat na buwan ng hindi pagpaparamdam ni Clyde sa amin. Even to his parents. Na labis naming ipinagtataka.
Bibitaw na ba ako? Hindi ko kaya.
Maghihintay parin ba? Hangga't kaya ko kasi mahal na mahal ko siya.Pababa sana ako patungong kusina ng may naaninag akong nakatayo sa may pintuan namin. Hindi ko malilimutan ang tindig niya. Pero isinawalang bahala ko lang at baka namamalikmata lang ako.
Pero nung tinawag niya ang pangalan ko ay doon ko na napagtantong si Clyde ka iyon.
Dali-dali akong tumakbo pababa ng hagdan at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap. Yakap ng pagkasabik.
Isinubsob ko ang aking mukha sa malapad niyang dibdib at doon ko na binitawan ang nakukubling emosyon.
Nanatili lang kami sa ganoong posisyon. Walang nagsasalita. Gusto ko siyang pagalitan. Sigawan. Sapakin. Pero mas nanaig sa akin ang pangungulila.
Gusto ko siyang tanungin. Kamusta ka na? Anong nangyari doon? Bakit hindi ka na nagparamdam? Mahal mo pa ba ako?
but no words were escaped into my mouths aside from loud sobs.
Siya mismo ang bumitaw sa aming yakapan. Nilapat ko ang aking mga kamay sa kanyang mga pisngi. Naramdaman ko ang kanyang mga patubong balbas sa aking mga palad. Nakakakiliti. Matagal ko na itong hindi nahahawakan.
I love you. I said it while looking in his eyes. But he didn't response. His eyes were full of emotions that can't hardly explain. But there was a common. Guilt.
I thought that was the most painful moment I had. But I was wrong.
Days passed ay unti-unti na talaga siyang lumalayo. Nakalimutan pa nga niya ang anniversary namin pero pilit ko iyon iniintindi.
He said he was just having a vacation here and will be back in US para ipagpatuloy ang kanyang Masterals.
Habang magkasama kami ay unti-unti rin niya akong pinapatay.
One day I accidentally opened his phone. Nagulat ako sa wallpaper. A selfie of him with another girl. There was a pinch of pain inside of me. Tinanong ko siya about the wallpaper at sabi niya ay friend niya lang daw na meet niya sa US. I was not convinced but I just let it passed even it kills me seeing him lying.
The next day, we were having s*x that time when he mentioned someone. It is not my fucking name. I heard him saying "Joy!". Pero isinawalang bahala ko parin.
I even mentioned him about our wedding pero in the end nagalit siya sa akin saka nag-walk out.
But the most painful moment I ever had. I noticed his hand. May engagement ring siya pero alam kong hindi iyon sa amin.
Ilang gabi ako umiiyak mag-isa. I didn't bother to share it to my family. Niether to my friends. Ayokong puntahan nila si Clyde at alam kong sila mismo ang magtatanong at baka malaman nila ang sagot.
Ito na ba? Ito na ba yung kinatatakutan ko?
Noong naramdaman ko nang hindi na niya ako mahal ay unt-unti na akong naguguho.Pero nu'ng sinabi niya sa akin kanina ang kalagim-lagim na katotohanan sa fast food chain ay tuluyan nang naging pulbos ang mga pangarap ko para sa aming dalawa.
"Hindi na kita mahal, I'm sorry, pero may nahanap na akong iba na karapatdapat sa pagmamahal ko."
Patuloy parin akong umiiyak nang matapos ko nang ikwento lahat kay Lola Delia.
Aaminin kong nakakagaan sa loob nang may mapagsabihan ako ng mga saloobin ko. Wala pa akong sinabihan sa family ko nito. They thought I am okay, we are still okay.
Tinabihan ako ni Lola Delia at niyakap. Gumanti rin ako ng yakap habang ibinubuhos ko lahat ng nararamdaman ko. Akala ko ay naubos na lahat sa daan kanina. Hindi ko aakalaing may ibubuhos pa pala ako.
Walang nagsalita sa amin. Nakayakap parin ako kay Lola Delia habang siya naman ay hinihimas ang likuran ko. Sa mga nakaraang araw na puno ako ng kalungkutan ay tila ngayon lang ako nakaramdam ng kaginhawaan, ng pagkapayapa.
Ako na ang bumitaw sa pagkakayakap namin.
"Nakakahiya po Lola, basang-basa na po ang balikat niyo,hehe" sabi ko habang pinupunasan ko ang mga pisngi ko na may luha.
Nako, walang-wala ito sa kung ano ang pinagdadaanan mo iho," sabi niya habang hinahawi ang aking mga buhok na nakatabon sa mga mata ko.
"Sa lahat ng mga dayo na nag-kuwento sa akin. Ito na ang isa sa mga pinakamalungkot na kwentong narinig ko." Sabi niya.
"Hindi ko po alam kung ano ang madadatnan ko sa pag-uwi ko." Sabi ko sa kanya.
"Wala ka na talagang madadatnan, kasi sa simula pa lang na bumalik siya dito ay matagal nang nawala ang pinanghahawakan mong pagmamahal niya." Sabi niya. "Matagal mo nang alam. Hindi mo lang matanggap."
Siguro ay tama si Lola Delia. Matagal ko nang alam. Hindi ko lang matanggap kasi hindi ko alam kung saan ako nagkulang.
Napagpasyahan ko nang umalis. Kinuha ko na ang Cellphone at akmang magbabayad ngunit hindi niya ito tinanggap. Nagoffer pa nga siya na sa bahay nalang daw ako muna magpapalipas ng gabi pero tinanggihan ko nalang. Nakakahiya na kasi.
I checked my watch. 8 o'clock. Mahigit isang oras na pala akong nakatambay sa tindahan ni Lola Delia.
Nasa tapat na ako ng kotse ko nang namalayan kong wala pala itong gasolina. Damn. Nakakahiyang bumalik kila Lola Delia. Pero sa may bandang windshield ko ay may nakalagay na isang note.
Inutusan ko ang apo ko na maglagay ng gasolina sa kotse mo habang nasa tindahan ka pa.
Sa may likuran ng note ay may nakasulat pa.
Hindi sa lahat ng panahon ay tatakbo ka lang palayo sa sakit na nararamdaman. Bumalik ka para alamin ang katotohanan. Diyan mo lang matatanggap ang lahat at kusa kang maging malaya.
- Lola D.Napagtanto ko sa isipan ko. Maaring hindi pa huli ang lahat. May nakita nga siyang bago pero nandoon parin ang pag-asang may konti pang pagmamahal ang natitira para sa akin. Kahit katiting, panghahawakan ko iyon. Handa akong magpatakatanga ng paulit-ulit.
Iyan ang naiisip ko habang tinatahak ko ang daan pauwi ng Manila.
BINABASA MO ANG
For The Sake of You(Book 1 of Sake Trilogy)
RomantiekThe hardest decision is letting you go not because I'm tired of holding on, but because I want to redeem myself for all the heartaches I had from you. Sometimes we initiate retreat not just because we are losing, but it is also because there's no...