"Sum!,ang bagal mo talaga kumilos,ma li-late na tayo nyan ehh!"
Oh?..talaga ba? late ba talaga inaalala mo? baka naman yung crush mo?
Hay nako! maka baba na nga.
"Winter, umagang umaga pumuputak ka na agad."
Sinamaan nya ako ng tingin tapos kumuha sya ng sandwich sa ref tapos ako naman kumuha ako ng water bottle ko sa ref, tapos hinila na nya ako palabas, pinagbuksan na kami ni Mang Dado ng pintuan ng kotse tapos pumasok na kami. Buong byahe salamin lang ang hawak ni winter, kase nga.... alam nyo na daily routine nya yan eh, make over. Hindi na tuloy kami nakapag paalam kay mama kakamadali ng magaling kong kambal. -_-
"Ma'am dito na po kayo."
Bumaba agad kami ng kotse,
"Hoy summer!"
"Shete!"
Ano ba to si justin? di ba sya marunong mag salita man lang ng hello?
"Eto naman, magugulatin kape pa more."
"Di na nga ako nag kakape, di nga ako naka breakfast man lang dahil sa magaling kong kapatid."
May katawag sa cellphone si winter pero narinig nya yung sinabi ko, kaya yun sinamaan nya ako ng tingin.
"Di ka na nasanay jan."
"Papa justin!!"
"I love you!"
"Ang gwapo mo talaga!!" sabi ng mga babaeng nakatingin sakanya sa gilid.... mga fans kuno."Yaakk.."
Yun nalang ang nasabi ko,
"Anung yak ka jan?!"
Lumapit sya sa mukha ko
"Di mo ba nakikita tong kagwapuhan ko?"
"Eewww!! kilabutan ka nga sa sinasabi mo!"
"Ahh ganun pala ha!"
"Araayy!!mashakeett!!!"
Langya to si justin! kung maka hatak sa pisngi ko,
Simula pa nung bata pa kami nila justin at winter sanggang dikit na kami, simula ng mamatay si papa lagi na nya kaming dinadamayan, mapa kalokohan man o kahit ano, mag best friends din kasi ang parents namin specially sa mothers namin sikat na fashion designer si mama at model naman ang mommy ni justin noon pero yung nanganak na sya kay justin, pinasa nya na yung pagiging model nya sa panganay nyang anak na si Ate Juliana, sya ang ate ni justin close rin kami ni Ate Juliana.
"Oh? natulala ka ata sa mukha ko?"
"Kapal mo!"
"Ano ba! ang ingay nyo may kausap ako oh!"
"Sorry poooo" sabay pa kami ni justin maldita talaga tong babaeng to!
"Halika na!..pumasok na tayo bago pa ako matunaw sa mga tingin ng mga fangirls ko."
Feelingerang bakla!
"Oh winter una na kami ni justin ha!"
"Okay!! ganyan naman kayo eh nang iiwan... Well sanay naman akong iniiwan."
"Nako naman, nag seselos si winter oh!..ang cute mo naman hahahaha!"
"Hoy justin tigilan mo nga ako!! bakit naman ako mag seselos?!"
"Malay mo...may gusto ka sakin."
Seryoso ba sya??
"Yuuucckk!!..alam mo?, kung alam lang ng fan girls mo na umiihi ka sa higaan ko pag may nightmare ka!..hahaha nakuuuu baka layuan ka na ng mga yun."
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Is A Badboy
Teen FictionAng Tatlong Bibe Ng campus, Summer Dela Fuente at si Winter Dela Fuente ang twin sisters, at ang only boy sa kanilang tatlo,Si Justin Luis Vargas, ang tatlong laging sanggang dikit simula pa noon, Meron kayang Mamumuong love sa kanilang tatlo?? Insp...