Like every typical love stories makikilala natin yung taong mamahalin natin. And in every stories laging may challenges. And I think mine was the most challenging one. Why? Kasi "Sirena Ako" at straight sya.
October 16,20**
Nagkayayaan kami ng mga pinsan ko pumonta ng Mall. Bakit? Kasi hahanap daw sila ng madyodyowa. Dahil dakila akong maharot ar dakilang pikon ang pinsan kong babae, nakasuntok sya ng kapwa babae. Dahil sa pag iwas ko sa suntok na yun iba ang natamaan. Kaya naman napa-upo ako. At ang most embarrassing part don ay napa upo ako sa isang lalaki. "Sorry talaga. I didn't mean to do that. Naghaharutan kasi kami ng pinsan ko kaya di namin kayo nakita. I'm really sorry." Paghingi ko ng tawad. Naalala ko pang nag iinarte yung babae kasi talak sya ng talak. Siguro napikon yung kasama niyang naupuan ko kaya naman pinatahimik sya. Ang nakakagulat don ay yung pag tigil nong babae dahil sa authority ng boses niya. Ang lamig. Dahil don siguro nagka interes ako sakanya gwapo rin kasi sya. Pinapaalis niya kami non kaya naman naoffend ako. Nawala agad yung interes ko sakanya kaya naman ako na yung unang umalis. After that pumasok kami sa isang store nagulat ako kasi andon sila kaya di ko na lang pinansin. Nabibwisit kasi ako sa kagaspangan ng ugali niya. May nakita akong teddy bear. Ang weird nong itsura pero gusto kong bilhin. Ang kaso ang mahal. Kaya naman tinitigan ko na lang. "Lander! Tara na daw!" Sigaw ng kaibigan niya sa kanya. Yun yong oras na nalaman ko yung pangalan niya.December 24,20**
Umalis ako sa bahay namin dahil nag aaway ang mga magulang ko. Ang aga aga lakas makagawa ng eksena. Pumonta ako sa medyo malayo layong park. Ayos lang dahil mahaba naman ang oras ko para maglakad. Umupo ako sa isang bench at muntik na akong malaglag dahil sa pamilyar na mukha na nakikita ko. Sya yung lalaki sa mall. Yung nakakairita. Di ko inexpect na magkikita ulit kami. Nakaupo sya sa may swing at ang layo ng tingin. Dahil sa likas na pagiging "usi" tumabi ako sa swing niya. Di ko alam kung nakita niya ako or what. May tinitignan sya sa malayo kaya sinundan ko ng tingin. May lalaki at babae don sa medyo malayo. Natatandaan ko yung mga yun dahil kasama niya ito noon sa mall. "Girlfriend ko 'yun." Sabi niya na natatawa. Hindi ko alam kung ako yung kinakakausap niya or what pero tumango pa din ako. "Tapos kapatid ko yun." Sabi niya ng naiiling iling. Tapos tumawa siya. Tinanong ko siya kung bat sila magkasama pero nakakaurat yung sagot niya. "Baka pinag uusapan ako". Hindi ko alam kung nagbibiro ba sya o hindi. Pero isa lang pumasok sa utak ko. Nababaliw na sya. Inisip ko din na baka niloloko niya lang ako. Bakit naman mag sasama ang kapatid mo at girlfriend mo? O baka naman siguro nag aassume lang sya. Na baka naman yun talaga totoo niyang boyfriend. Masama yung mga naconclude ko pero hindi ko maiwasan. Nong napansin niya siguro na parang di ako naniniwala. Timawagan niya yung babae. "Baby? Asan ka? Meet naman tayo oh. I miss you." Nasabi niya yan na parang wala siyang nakikita o kaya naman nangyari. I saw the girl stiffed pati na din yung lalaki. Then i feel guilty all of a sudden. Kasi mali yung naconclude ko. Pinatunayan niyang mali ako. "Ah ganon ba? Kelan tayo pwede magmeet? May gift kasi ako sayo." Naiinis ako kasi ang martyr niya. Hindi ko alam kung bobo ba sya o tanga lang o nagmamahal lang. Ang gago lang kasi e. Pagkatapos nong tawag inaya niya ako sa starbucks. Galante niya e. Nilibre niya ako. Halatang malungkot sya kaya naman ginamit ko na ang kabaklaan ko sa katawan. Hindi ko alam kung matutuwa sya o hindi pero bahala na. Bumalik kami sa park at umupo sa may slide. Malaki yun kaya nagkasya kaming dalawa. "Libre rape." Bigla kong sinabi. Tinitigan niya ako kaya naman kinabahan ako. Pero nakahinga ako ng maluwag nong ngumisi sya at napa iling iling. "Hindi pa din ba karape-rape?" Tanong ko habang nag poposing posing sa harap niya. Tawa sya ng tawa na halos hawak na niya yung tyan niya pero nanatili pa din akong seryoso. Nong humupa na yung pagtawa niya tsaka niya ako hinila paupo. Tsaka ako pinangaralan kesyo nakakahiya daw. Baka kung ano isipin ng tao sa akin o kung ano ano pa. Kinuha niya yung number ko at hinatid ako pauwi. "Di mo naman ako kailangan ihatid e. Lalaki din naman ako." Sabi ko sabay pakita ng muscles ko "kuno." Pero nag insist sya. Ang babae daw ay di dapat naglalakad ng gabi ng mag isa. Tinawag akong babae kaya go na go ako. Ako pa ba magpapakipot? Kakahiga ko pa lang sa kama ng itext niya ako. Sabi niya nakipag break na daw sya. Hindi na ako nagtanong. E sa isang libo't kalahati din naman kasi syang malandi e.
YOU ARE READING
His Written Story
Romance"Our story has three parts: a beginning, a middle, and an end. And although this is the way all stories unfold, I still can't believe that ours didn't go on forever." ― Nicholas Sparks They could've last forever. But they didn't.